Monday, October 02, 2006

UNTITLED

DAPAT hindi naman kasi... 'di naman kailangan, pero bakit?
Dapat walang luha sa mata ko, pero 'di ko mapigilan.
Gustuhin ko mang magtanong, pero para saan pa, halatang mukhang 'di naman sasagutin.
Hindi ko alam kung magagalit na lang ako at magmakaawa para mawala ang aking nadarama, pero para saan pa... wala rin naman itong magagawa.
Inaasahan ko naman posibleng mangyari 'yun, posibleng gawin mo... pero sh*t, ganito pala feeling kapag nandiyan na talaga.
Nanlalamig ang kamay ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko... pero wala naman akong magawa kundi ang tumingala.
Buntung-hininga lang ang tanging magagawa ko sa tuwing sasagi ka sa isip ko at maiisip ko ang aksiyong ginawa mo... wala naman akong mamagawang iba, kung mayroon man... ewan ko lang.
YOU HATE ME?!
Sana naisip mo kung dapat ba ang ginawa mo...
Sana hinayaan mo na lang na nandoon 'yun...
Masaya ka na ba sa ginawa mo?
Ito ba ang ganti sa naging sagot ko na tama lang naman?
Naman oh!... bakit ba ako nagkakaganito, eh TAMA NAMAN TALAGA ANG GINAWA KO!

THE WORK MUST GO ON

Pagkatapos ng bagyong si Milenyo, pagkatapos ng pa-blog hop-blog hop lang… nakapag-post na ulit ako.
I got sick! Hindi dahil sa naulanan ako, kundi dahil sa sobrang init sa loob ng office noong kasalukuyang bumabagyo!
Anyway, Wednesday night pa lang naman, I feel bad na, emotionally… naks! Then Thursday morning, dahil sa lakas ng hangin at ulan at sa dami ng nagbagsakang puno, billboards at mga poste… brownout!
Hindi nasuspinde ang trabaho namin, though lahat kami that time ay hoping na masuspinde sana ang trabaho, pero ‘di pa rin… lupet! Gamit ang generator na ang kayang patakbuhin lang ay ilaw at mga computer at hindi ang aircon… so, imagine your self working sa isang box, walang bintana, walang aircon — sobrang init! Ganito ang setup namin sa office for almost four days!
Kasagsagan din ni Milenyo, oh my… feeling ko, call center agent ako, phone-in ang karamihan sa mga news dahil walang linya ng kuryente… walang fax, walang email… daldal-encode mode ako na sa tingin ko, isa ring reason kung bakit ako nagka-sore throat.
Knowing myself, kapag sobrang init at feeling ko ay nauubusan ako ng hininga dahil sa sobrang init, at kapag bumahing ako… ‘yun na ‘yun, sign na ‘yun na magkaka-sore throat ako. At kapag nagka-sore throat, sasakit ang ulo ko, at kapag sumakit ang ulo ko, sisipunin ako at kapag sinipon na ako… jarannnnn…. MAY LAGNAT NA SI WENDY!
Though may sakit na ako, the work must go on pa rin… pumasok pa rin ang sister ninyo! Anyway… thank God at mabilis naman akong naka-recover sa lagnat, ‘di na ako nilalagnat ngayon pero inuubo pa rin.
Aside from that… sa kasagsagan din ni Milenyo, that time, nasa loob lang kami ng “box” (office) dahil umuulan sa labas… to break the ice, naglaro na lang kami, anong laro?
Paramihan ng masasabing salita na natatapos sa “tion”… e.g. addiction, convention, multiplication, subtraction at hangga’t may nasasabi pa tuloy ang laro hanggang sa may matirang isa (Haha… ako panalo sa round na ito… yabang!). Kapag may nanalo na, iba naman, words ending in “er,” “ed,” “ness” “ly” at marami pa. Masaya ang laro, nakakatawa, mag-iisip ka talaga! Try din ninyo ‘yung game, kahit dalawa lang kayo puwede.
Naglaro rin kami ng Eat Bulaga’s Pinoy henyo!
Happy Monday!