SUPPOSE to be noon pa ang post na ‘to, pero dahil sabug-sabog pa ‘yung ideya kung paano ito bubuuin, heto ngayon, maaaring bitin pa rin, pero kahit papaano ay nasabi ko rin.
Libangan dito sa opisina ang kantahan, kahit pressure na ang lahat sa trabaho, may time pa ring magkantahan, ‘yung tipong kakanta ang isa, sesegundahan, magiging trio hanggang sa maging chorus. Minsan, pati lyrics pinapalitan na rin para mas masaya.
Second to the last week ng November, nagkakantahan kami rito and out of the blue, bigla kong nakanta ang kantang PILIPINAS KONG MAHAL, at sinabayan ako ni Fhaye at sumabay na rin si Bunso. Sinundan pa ito ng kantang ANG BAYAN KO at AKO AY PILIPINO hanggang sa mauwi ang kantahan sa usapang “bakit kaya ‘di na pinatutugtog ngayon ang mga kantang 'yun?”

Pagdating sa radyo, after ng mga foreign song ay nagpapatugtog sila ng mga OPM, naisip ko ngayon na bakit kaya ‘di pinatutugtog ang mga MAKABAYANG KANTA na ‘di ba, dapat mas gawing prayoridad ang mga ito dahil sa ang mga ito ay nangungusap ito tungkol sa PAGKAPILIPINO?
Kung ang mga foreign at OPM song ay tumutukoy sa pag-ibig o kung anupaman, ‘di ba, ang lakas ng impluwensiya nito sa tao, kung in love ka, makikinig ka ng foreign o OPM love song at mararamdaman mo talaga ang pag-ibig. Kung MAKABAYANG AWIT kaya ang maririnig mo, ‘di ba, ‘di malayong higit mong maramdaman ang iyong PAGKAPILIPINO na dapat naman talaga na maramdaman mo na ikaw nga ay Pilipino? Kailangang maramdaman talaga ng bawat Pinoy ang pagiging Pilipino.

Pananaw ko lamang ito, may mga Pinoy na Pilipino lang sa salita pero kung damdamin at PAGMAMALAKI tungkol sa PAGIGING PILIPINO ang pag-uusapan, parang iilan lang yata ang nakadarama na Pilipino nga sila.
Paano nga ba mararamdaman at maipagpamamalaki na sa kahit munting paraan lang ang pagiging Pilipino?

Kung malakas ang impluwensiya ng mga love song, mapa-foreign man o lokal pagdating sa buhay pag-ibig ng isang tao, para na ring sinasabi na malakas din ang magiging impluwensiya ng mga MAKABAYANG AWITIN sa pagiging Pilipino ng isang tao kung araw-araw itong maririnig, ano sa palagay ninyo?
Ang LUPANG HINIRANG na ating Pambansang Awit na sa eskuwelahan na lang talaga walang palyang inaawit. Sa totoo lang, bihira ko na itong marinig ngayon. Sa radyo at telebisyon, pinatutugtog lang ang Pambansang Awit kapag magsa-sign in at magsa-sign out na, bakit, ‘di pa puwedeng awitin o patugtugin ito sa kalagitnaan ng bawat programa? Ito ay para lang naman maramdaman ng kung sinumang makakarinig nito na nasa sila ay nasa Pilipinas at sila ay Pinoy! O sige, sabihin na nating ‘di puwedeng patugtugin ang LUPANG HINIRANG nang basta-basta, e ang kantang BAYAN KO, baka ‘yun e puwedeng patugtugin sa bawat programa? Ang kantang AKO'Y PINOY, ang ganda ng kantang ito na tumutukoy talaga sa isang Pilipino, ilang beses sa isang araw mo ito maririnig sa airwaves ngayon, saulado mo pa ba ang titik ng kantang ito? Ang kantang PILIPINAS KONG MAHAL, kabisado pa ba ng ilang Pilipino ang awiting ito? ‘Yung kanta na ginamit noong EDSA 1, na MAGKAISA na titulo pa lang tumutukoy na sa pagkakaisa ng bawat Pilipino, isama mo na rin ang kantang HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO, ‘di ba puwedeng patugtugin ito sa airwaves? Iilan lang ang mga kantang ‘yan na tumutukoy sa pagiging Pinoy, marami pa… maraming-marami pa.
Hindi naman siguro masama o pangit kung pagkatapos magpatugtog ng mga foreign song, OPM love song, baka naman puwedeng isunod na patugtugin ang mga MAKABAYANG AWITIN, ito ay upang higit na maramdaman nating mga Pilipino ang PAGKAPILIPINO na maaaring isa rin itong paraan o daan upang higit na maipagmalaki ng bawat Pinoy na sila ay Pilipino na taga-Pilipinas!
Oo, may mga modernong kanta na rin na tumutukoy sa pagiging Pinoy, pero ‘di ba, mas maganda kung HINDI INIIWAN SA NAKALIPAS ang mga awiting Makabayan?
PAGMAMALAKI ng PAGIGING PILIPINO… ito marahil ang kulang sa iilan sa atin. Marahil kapag naipagmalaki o ramdam na talaga ang pagiging Pilipino, maaaring dito mag-ugat ang unti-unting pagbangon ng Pilipinas sa kanyang pagkakalugmok. Kapag naramdaman na ng kanyang mga mamamayan na sila ay Pilipino at sila mismo ang dapat na prumotekta ng kanilang bayan at walang sinumang maaaring umepal sa pagpapatakbo o pagpapaunlad nito kundi ang isang tunay na Pilipino!

Buhaying muli ang mga makabayang awitin sa ere. Na maaaring sa ganitong paraan, maaaring higit na maramdaman ng bawat mamamayan ng Pilipinas na sila ay Pilipino… sa isip… sa salita… sa gawa… sa damdamin at puso!
4 comments:
kaw siguro yung taong makabayan.. nakakatuwa naman ang article mo. good observation, actually. :)
try u manood ng last full show sa mga sinehan, or kahit na pala yung pinaka-unang palabas. pinapa-tugtog dun ang national anthem, bayang magiliw este lupang hinirang pala. hehe..
tumatayo din naman ang mga manonood sa sinehan sa 'twing may national anthem. ewan ko lang kng dala na din ng hiya nila sa ibang taong tumatayo. :)
pinoy ako, pinoy tayo! iba ang pinoy! astig!!!
:) masyadong pulahan ang makabayan mo iha... pag pinatugtog lagi ang lupang hinirang sa radyo tyak na lalong mawawalan ng saysay yan.. para lang sa opening at closing ceremony yan try mo to wakep up early and open ur tv maririnig at mapapanood mo yan then hintayin mong magclose ang broadcasting ng channel maririnig mo ulit yan,, kung naghahanap ka naman ng makabayang kanta.. maraming mga alternative band they will give u an absolute makabayan piece :) pede ka rin bili ng cd nina heber at ng kung sino sino pa joey ayala banyuhay atbp.. radioactivesagoproject pede rin yun nga lang marami sa kanila tumutuligsa sa governmen ok lang ba seyu yun? pero makabayan ang mga kanta nila pramis :) nice blog :)
ei... Ipob... try kong manood ng last full show sa sinehan? Dude naman, para namanng sinabi mong 'di ako nagla-last full show... hahaha... I know naman na pinatutugtog yun no, dahil kapag nanonood ako ng sine laging last full show. Kailangang tumayo talaga kapag pinatutugtog yon kasi kapag hindi ka tumayo huhulihin ka! Pero if am not mistaken, may isang religion na 'di talaga tumatayo kapag pinatutugtog ang Lupang Hinirang at di sila huhulihin kahit di sila tumayo. Anyway, thanks for the comment!
To Melai... Gurl, kaya nga sinabi kong "O sige, sabihin na nating ‘di puwedeng patugtugin ang LUPANG HINIRANG nang basta-basta," kasi nga may certain reason talaga siguro kung bakit ganu'n. Yeah I know din na kapag magsa-sign in at sign out ang mga TV and radio station ay pinagtutugtog yun, clear naman sa post, 'di ba? Aware din naman ako sa mga alternative band na buhay pa hanggang ngayon at marami pa ang gumagawa ng mga makabayang kanta... Anyway, point lang naman nito ay MAS MAGANDA KUNG HINDI INIIWAN SA NAKALIPAS ang iba pang mga makabayang kanta... I Thank you... bow! Thanks for droppin' by and at the same time, thanks for the comment. *wink*
ang heber at banyuhay ay iisa.. banyuhay ni heber po 'yon.. la lang..
Post a Comment