Monday, February 01, 2010

PAHINGI PO NG KONTING BARYA, PANGKAIN LANG PO

IT’S already 4:30 in the afternoon and I have mashed potato and coke here in my table as my miryenda… kain po tayo!

Every morning, on my way to work from Espanya to Quezon Avenue, halos naging parte na ng umaga ko habang sakay ng jeep ang mga batang lalaki o babae na umaakyat sa jeep at nag-aabot ng sobre sa mga pasahero para manlimos. Batambata sila actually, ages 5 to 10 siguro... madungis, blond ang buhok at gusut-gusot at walang tsinelas. Nakasulat sa mga sobre na iniaabot nila sa mga pasahero sa jeep na "Ate/Kuya, pahingi po ng konting barya, pangkain lang po.” While waiting for their sobre, ‘yung ibang mga bata kumakanta pa using a drum na gawa sa lata ng gatas at pipes and honestly, hindi ko maintindihan ang kanilang kanta... iba ang kanilang dialect. May mga bata rin naman na mag-aabot lang ng sobre tapos, maghihintay na lang.

Madalas kong ma-encounter ang mga batang ito, almost 4 times a week siguro. Minsan, twice a day pa… morning pagpasok ko ng office at evening pag-uwi ko from office. Actually, last quarter pa ng 2009 nang ma-encounter ko ang mga batang ito na sumasakay sa jeep na may dalang sobre at nanlilimos. Minsan naman, habang sakay ako ng jeep, nakikita ko lang silang nakaupo sa tabi ng kalsada... grupu-grupo.

This morning, may na-encounter na naman ako na batang nanlilimos sa jeep. After niyang ma-distribute ‘yung kanyang sobre, naupo siya sa tabi ko. Tinanong ko siya kung anong pangalan niya habang sinisilid ko sa sobre ang barya. Tiningnan lang niya ako at hindi siya sumagot. Tinanong ko kung saan siya nakatira. Sumagot naman siya kaso hindi ko maintindihan, ewan kung mahina lang ba talaga ang boses niya o talagang ‘di ko naintindihan ang mismong dialect niya. Tinanong ko siya kung paano siya nakarating dito sa Maynila. Hindi siya nagsalita, sa halip kinolekta na niya ‘yung mga sobreng pinamigay niya sa mga pasahero sa jeep at walang anu-ano… bigla na lang siyang tumalon sa jeep.

Malakas na “my goodness” ang nasabi ko dahil sa ginawang pagtalon ng bata habang umaandar ang jeep at sabay tawid sa kabilang kalsada sa kabila na maraming nagdaraang sasakyan na puwede siyang masagasaan. Tsk tsk… hindi siya maisasalba ng barya na nilagay ko sobre niya, kahit pagsama-samahin pa niya siguro ang lahat ng barya na nagbigay din sa kanya na mga kasakay ko sa jeep, 'di aabot na pampagamot kapag naaksidente siya. Parang walang dumadaang mabibilis na mga sasakyan kung tumawid siya ng kalsada… whewww!

Everytime na nakikita ko ang mga bata ito, lagi kong naitatanong sa sarili ko na "saan galing ang mga batang ito at paano sila nakarating dito sa Maynila?" "May mga magulang o kasama kaya nila ang kanilang mga magulang dito sa Maynila para sila ay bantayan?" "May balak kayang gawin ang mga nasa posisyon para matulungan ang mga batang ito?" "Baka gusto nilang bumalik na ng kanilang probinsiya, ang kaso, wala silang pera para pamasahe pabalik ng probinsiya?"

Ubos na ang miryenda kong mashed potato at itong coke ko, malapit na ring maubos. Thanks for reading my post… ‘till my next post po.

Happy Monday!