Jesus said to the chief priests and elders of the people: “What is your opinion? A man had two sons. He came to the first and said, ‘Son, go out and work in the vineyard today.’ He said in reply, ‘I will not,’ but afterwards changed his mind and went. The man came to the other son and gave the same order. He said in reply, ‘Yes, sir,’ but did not go. Which of the two did his father's will?” They answered, “The first.” Jesus said to them, “Amen, I say to you, tax collectors and prostitutes are entering the kingdom of God before you. When John came to you in the way of righteousness, you did not believe him; but tax collectors and prostitutes did. Yet even when you saw that, you did not later change your minds and believe him.” — Mathew 21:28-32
Tama, ito nga ang Gospel kahapon, September 25, 2005 (Sunday). Late na akong nakapagsimba, 7:00 – 8:00 PM mass sa Sto. Domingo Church. Hands up… ang galing ng priest na nagmisa! Hyper at energetic si Father habang nagmimisa lalo na nang mag-homily na siya... galing talaga niya. Pagkatapos nga ng misa habang palabas ako ng church, I told my self na ang daming UM-ARAY sa homily ni Father… including me hehe.
.
The homily was all about “split life o split personality and changing mind.” Sabi nga ni Father "try mong lumakad na split ang iyong mga paa." Ang hirap nga naman nun di ba.
.
Yeah its true na there are some times na nabubuhay tayo sa “split life o split personality,” wherein we do bad things and after that, good things naman, paulit-ulit. I mean nagkasala ka, nagsimba at humingi ng tawad… the next ganu’n ulit, inulit ‘yung kasalanan at nagsimba at humingi ng tawad which is ‘di nga naman tama… it should be… once na nagkasala at hiningi ng tawad… do your best na ‘wag na itong maulit pa. Although medyo mahirap gawin na ‘wag ng umulit sa nagawang ‘di tama o masama lalo na kapag parang ipinag-imbita ka ng “pitong demonyo” para buwisitin ang araw mo, ano pa nga ba ang magagawa mo kundi ang umulit na makagawa ng ‘di tama. tsk tsk tsk
.
Split ang buhay o personality in a way na, people perceived you as a religious person but on the other hand… may ginagawa ka palang hindi maganda, nanloloko ka, nanggagago ng kapwa and some other bad stuffs. Naalala ko tuloy ang kuwento ng ale na nagro-rosario na nakaluhod, nakapikit at hawak-hawak pa ang rosario malamit sa dibdib, pero nang kalabitin ng isang batang pulubi, namutakti sa bibig ng ale na nagro-rosario ang iba’t ibang klase ng mura at pagkatapos magmura, sabay pikit at taimtim na namang mananalangin. Split… tyring to do good things but at the same time gumagawa ng masama sa kapwa. You’re trying na palaguin ang relasyon mo sa Diyos pero ang relasyon mo sa iyong kapwa ‘di mo mapagtibay… split 'di ba?
.
Tinuran din ng Pari ang katotohanan na "it doesn’t mean na dahil ginagawa ng marami ay tama na!" We’re living in a “liberated world” somehow, open at engage na ‘yung ibang teens sa premarital sex… Split life… Mali ‘yun, pero dahil sa ginagawa ng marami, akala ay okay lang na gawin. Nagiging split ang buhay dahil sa halip na gawin lang ‘yung tama, nadadala ang ating sarili na gawin ang ginagawa ng nakararami na mali. Hindi nagmi-meet ‘yung tama na dapat sanang gawin sa mismong ginagawa … dapat ito ang tama, so ito ang dapat gawin... pero hindi ganu'n ang nangyayari kaya nagiging split ang buhay.
.
Later part ng homily ni Father, natahimik ako lalo at nakinig dahil about changing mind naman ang ipinaliliwanag niya. I admit na mabilis akong magbago ng desisyon pagdating sa ibang bagay, lalo na kapag ‘di talaga ako sure sa magigiresulta ng desisyon ko and because of this, sinasabi ng iba na “nakakainis ako dahil pabagu-bago ng isip.” Sa homily ni Father sabi niya “hindi masamang bumawi ng minsang nasabi lalo na kung hindi ito magbubunga ng maganda.” After hearing this at ang kasunod na paliwanag ni Father, I told my self it’s okay lang naman ang bumawi lalo na kapag ‘di maganda ang magiging resulta ng naunang desisyon. ‘Di baleng mainis 'yung iba sa'yo na ‘di gets ang dahilan mo kung bakit mo ito nagawa (magbago bigla ng desisyon), oks lang, at least maganda ang naidulot sa’yo ng bigla mong pagbabago ng isip. But ang main point ni Father ay ‘yung kapag may nagawa o nasabi kang masama sa iyong kapwa tama lang na bawiin mo ito. Kapag nasaktan mo siya… mag-sorry ka!
.
Ang haba at ang ganda talaga ng misa last Sunday… for me... lucky ang mga nakapagsimba nung oras na ‘yun tulad ko, alam nyo ba na bago ako magsimba nang oras na 'yun ay masasabi kong "split" din ako... kaya somehow… nakapagsabi rin ako ng “ouch” habang nagho-homily si Father at 'yung homily or 'yung buong mass help me up to figure out things na nangyayari sa akin. :D
God bless!