
Last Sunday, yeah kahapon... Palm Sunday, sa Our Lady of Manaog Shrine, Manaoag, Pangasinan kami nagsimba nina Jen at Glen.
Saturday night, around 10:00pm nang umalis kami ng city papuntang Pangasinan, tanging baon ay lakas ng loob dahil pare-pareho kaming tatlo na first time pupunta ng Manaoag Shrine. Approximately, 2:00am nang makarating kami ng Dagupan, plano kasi ng trip ay Dagupan muna, then from Dagupan, biyahe ulit papuntang Manaoag. Nakarating kami ng Dagupan around 2:00am, 4:00am daw 'yung mass sa Manaoag, so maaga pa kung pupunta na kami. So

Before 4:00am nang makarating kami ng Shrine, 5:00am pa raw ang mass, pero may mga tao na sa simbahan. Nice one kasi dahil sa maaga kami, nakahanap agad kami ng pwesto sa harap at may time pa para bumili ng mga ipapa-bless.
Pagod kaming tatlo at puyat, but good thing na walang inantok habang nagma-mass. Natapos namin ang mass nang maayos at nakapagsindi pa kami ng candle... after that... uwian na!
Umalis ang bus sa terminal sa Dagupan pabalik ng city around 8:20am. Sa biyahe pabalik, saka namin naramdaman ang pagod... oks lang kasi pabalik na rin

Nakakapagod 'yung biyahe, pero masaya, sulit ang pagod!
God bless everybody!
1 comment:
wow ganda ang weekend nyo. worth it.
Di ako maka-comment sa tagboard mo.
Post a Comment