Friday, February 13, 2009

HAPPY HEART'S DAY!

FEW hours from now, birthday na ng officemate/friend ko na si Valerie! Birthday din ni Kris Aquino at Heart Evangelista... hehe!

Few hours from now Valentine na! Naglipana na naman ang mga nagtitinda ng mga balloons na heart shape na kulay pink and red and of course, flowers! Hayyy...

Bukas pa ang Valentine pero feel na feel mo na ngayon pa lang. On my way home from Quiapo after attending the mass, naramdaman ko kaagad na Valentine's Day na... bakit hindi, may ilan na akong nakikitang mga guys na may bitbit na roses at balloons. May mga gurls na rin na may dala-dalang bouquet of flowers. Hayyy...

Wala kaming date ni BF bukas... of course he's out the country... malamang, tatawag lang 'yun, bawi na lang siya pagdating niya... dami na niya utang, hehe. Flowers from him? Am not expecting pero mas bongga kapag meron 'di ba? Naman! May lakad pa rin naman ako bukas with girl friend... sino pa, ang birthday gurl na si Valerie, we're going to watch a movie... sasabay kami sa mga lovey dovie na magde-date bukas.... yahoo! Siyempre, ire-rate namin ang mga magkakasintahan na makakasalubong namin na makakakuha ng aming atensiyon kung bagay ba sila sa isa't isa or what... hahaha!

Moving forward... happy bukas lahat ng may date... si BF man 'yan o si hubby! Including me, happy din though wala si BF. Normal lang bukas na may bitbit na flowers ang mga gurlaloo na makakasalubong mo or makakasakay mo sa jeep or FX. Kanina nga lang, from Quaipo Church habang pauwi ng bahay sakay ng jeep, mostly sa mga kasakay ko may mga dala na silang mga flowers. 'Di naman ako masyadong OP, okay lang, kasi may bitbit din naman akong bulaklak... SAMPAGUITA!

"Love is patient, love is kind. It does not envy,
it does not boast. It is proud. It is not rude,
it is not self-seeking, it is not easily angered,
it keeps no record of wrongs.
Love does not delight in evil but rejoices with the truth.
It always protects, always trusts,
always hopes, always preserves."
— 1 Corinthians 13:34-7


HAPPY VALENTINE'S DAY!