Tuesday, February 28, 2006

H2O with NaCl

GOOD afternoon! Summer na, ramdam na ang kakaibang init ng araw! I love summer, oks mag-out of town kasama pamilya. Ayoko lang, minsan kasi kapag sobrang init ng panahon, sabi kasi nila, 'di raw malayong magkaroon ng lip wound o singaw ang isang tao, at 'yun nga, kapag sobrang init talaga, nagkakaroon ako ng lip wound (tama ba?) o singaw sa Tagalog! .
These past few days, I feel so uncomfortable dahil nagkaroon ako ng lip wound o singaw at ‘di lang isa, kundi APAT NA LIP WOUNDS. Position: Isa sa left corner ng bibig, dalawa sa right corner at isa sa lower lip… imagine kung anong hirap ang nararanasan ko ngayon… ‘Di ako makakain, makapagsalita, makangiti at makatawa nang maayos!
Actually, isa lang ‘to dati, but last Saturday, sing-init ng mga kaguluhan sa bayan ang temperature dito sa loob ng office dahil namatay ‘yung aircon… think of it, isang kulob na lugar na walang aircon… ‘di ba ANG INIT! At dito na nga nagsimula ‘yung tatlo pa. Nag-take na ako ng mga gamot para rito, ang sakit/hapdi habang ginagamot ko! Pero ganu’n pa rin… ‘di pa sila magaling.
Last night, dahil sobrang sakit na talaga, tumawag na ako sa mama ko at sinabi ang tungkol dito at sinabi ko rin lahat ng panggamot na ginawa ko. Then she told me na lagyan ko raw ng tawas, kaso, wala kaming tawas. Second option, isang baso ng warm water na may asin at ‘yun daw ang ipang-gargle ko. Sinunod ko sinabi ng mama ko dahil gusto ko na talaga silang gumaling — gargle nga ako ng tubig na may asin!
My goodness! Ang hapdi… ang sakit — sobra! Three to five seconds lang sa loob ng bibig ko ang tubig na may asin at pagka-release ko, I get down on my knees at namimilipit sa sakit, sobra! Kasi naman, ‘di lang isang singaw meron ako, kundi APAT!
Dito naman sa office, inirereklamo ko pa rin ang nararamdaman ko, sabi rin nila tawas daw, as in the next day daw wala na, pero ‘yun nga lang daw, mas masakit kaysa sa asin! And tonight… gagamutin ko na sila using tawas, kahit masakit basta mawala lang sila. Kaso, saan ako hahanap ng tawas, ‘di naman ako sure kung pure ba ‘yung nabibili sa mga tindahan! May iba pa ba kayong alam na paraan para magamot ang ‘to?
O siya… work mode muna ako…

Saturday, February 25, 2006

BRAINTEASER

TO my fellow Filipino... lets keep praying for our nation. Maayos na nawa ang lahat ng kaguluhan at problema sa ating bansa. Mangyari at matupad ang tama at magwakas na ang lahat ng masama at matapos na ang mga kamaliang umiiral... wala namang ibang magiging kawawa sa mga nangyayari ngayon kung hindi tayo.. tayong mga mamamayan ng Pilipinas.
Magliwanag na sana ang isip ng bawat isa upang ang tama ay maipatupad at maging tama ang bawat hakbang na gagawin ninuman para sa ating bansa at nang matapos na ang kaguluhan at higit-lalo ay ang kahirapan.
Please... include natin sa ating mga prayers ang ating bayan... para rin naman sa ikakabuti nating lahat.
.
o0o
.
ABOUT me... am a bit upset these past few days... it was started last Wednesday! Am trying to comprehend what happened... is there something wrong with what I've done? I guess... Nothing! But this question keep running into my system until now, "is there something wrong with what I've done?" Hey, answer me, please!
Anyway... Despite of this thing, my days turns out light somehow when one of our trainees gave me a CD of Nyoy Volante as a token, I love it... I love it... really! Nyoy Volante, I love this guy... am big fan of him. True... I get crazy while listening to his music... yeah... can't believe, ask Fhaye!
My existence will be more okay if everythings around me turns out fine. Kapag ayos na ang kaguluhan sa bansa, kapag mapayapa at 'di na mainit ang sitwasyon sa bayan and at the same time... when I have the answer to my current question "is there something wrong with what I've done?"
.
o0o
.
MY goodness... I can feel it... State of Emergency!
.

Friday, February 24, 2006

LIL' BIT INSANE

.
Is there something wrong with the way i speak
Do you even see me when i pass you on the street
I close my eyes and let it be
Because I just can't see
Why you love to hate me
.

Parokya Ni Edgar



Oh, yesterday I was feeling safe
All I do today is trying to be brave
And no melody can seem to soothe my mind
And now I curse you for being so sweet and so kind
.
D' Sound
.

Tuesday, February 21, 2006

FOOLISH HEART

.
Foolish heart, hear me calling
Stop before you start falling
Foolish heart, heed my warning
You’ve been wrong before
Don’t be wrong anymore
.
Steve Perry

Sunday, February 19, 2006

Tuesday, February 14, 2006

HAPPY HEART'S DAY TO ALL... MWAH!

Happy heart’s day everybody…
This post was from Joe ‘d Mango’s Lovenotes, advice niya sa isa sa kanyang mga letter sender… its all about love, and it fits for this day... enjoy!

It is always easy to say that we can love unconditionally without having to expect anything from someone we love. But the truth is, loving unconditionally is very difficult. Love can drive us to a point where we start not to care about anything but just loving a person, in spite of his or her infidelity, insensitivity or lack of respect to what we feel. But there is always a limit to our sacrifices. No matter how we try to become insensitive to how someone treats us, we always come to a point where we expect appreciation, respect and acknowledgement. There may only be a few who would be able to give love unconditionally without having the need to be recognized.
.
There are many small things in a relationship that mean a lot to women. Things that men do not give so much meaning to actually matter to their partners. Being sensitive to the needs of the people we love is very important. We constantly have to make an extra effort to make others feel that they are important to us and the small things they do are appreciated. The greatness of a relationship is built on the foundation of small acts of kindness, love and compassion.
.
Trust is also very important. But the sad fact is, every time it is broken, only a few give themselves the chance to trust again and give their partners an opportunity to redeem themselves. We all make mistakes and in love, there should always be room for forgiveness and acceptance. There is no such thing as a perfect relationship. We all have to live with the imperfection of our partners.
.
Let us always remember: In the end it is not how much love we have received that would count, but how much love we have given and how much more we are willing to give even without the promise of earning it back.
.

Saturday, February 11, 2006

THE GODFATHER

Yup, am talking about the movie The Godfather… a trilogy film by Mario Puzo… Isa ito sa mga movies na pinanood namin sa subject na Film 201 when I was in college.
I admit na ‘di ko naintindihan ang movie noong panoorin namin kaya hanggang ngayon, am still wandering kung paano ako nakagawa ng critic about that film... Malamang na kapag nabasa ko kung anong critic ang ginawa ko noon, pagtatawanan ko ito, dahil alam kong mali... hehehe. Wala talaga kasi akong matandaan kahit isang scene man lang sa movie, unlike Casablanca na isa rin sa mga pinanood namin, somehow, my mga scene akong natatandaan.
This past few week, nagkaroon ako ng interest na panoorin ulit ang The Godfather, why? Dahil lagi kong naririnig na maganda raw ito and most of my friends, isa ito sa mga favorite movies nila.
What’s with the movie The Godfather? Well, panonoorin ko na lang ulit baka this time ma-appreciate ko na at maging isa na rin sa mga favorite movies ko.
.
o0o
.
Moving forward… as I’ve said, want to share something mushy about me… here is it! Have you ever been into a situation wherein you fall for a person but you just ignore it kahit mahal mo rin siya at nag-rely sa sinasabing “kung kayo… kayo?” Well...
Useless kung magre-rely lang sa sinasabing “kung kayo… kayo” without doing your part. Ibinibigay na ng pagkakataon pero inaayawan mo pa... desisyon mo na lang ang kulang, kumbaga.
When I was in college, there was this guy who became so close to me (naikuwento ko na siya sa’yo Malaya). We’re good friends… as in bestfriend! I know that he loves me dahil sinasabi niya at alam din niya na I feel something for him pero ‘di ko sinasabi… something like “kulang na lang sagot ko para maging kami.” Am still young that time (naks) so I ignored him and told my self na “kung kami… kami!”
Nagkahiwalay kami dahil nag-transfer ako ng ibang school… nawalan ng communication, but after two years… out of the blue, binigyan ulit kami ng pagkakataon na magkaroon ng communication. Same thing, he told that he still loves me, but same thing din sa akin… IGNORE!
Nawalan ng communication, suddenly nagkaroon ulit and that time, may girlfriend na siya. He told me na ganu’n pa rin ang nararamdaman niya para sa akin and he is willing to leave the girl for me. I loved him that time, but rather than to admit it, sinabi ko na may boyfreind ako where in fact, wala naman talaga! Ganu'n na rin siguro sinagot ko dahil guilty ako kapag iniwan niya ang girlfriend niya na kilala ko rin at kilala ako... so, nag-rely na lang ako sa sinasabing “kung kayo… kayo!”
Nawalan kami ulit ng communication, till one day, a friend of mine told me that this guy already got married with his girlfriend. I feel really sad that moment.
That night… can’t help it… I cried talaga… as in nakikita ko ang patak ng luha ko sa wooden table at saka ko na-realized na ang dami ko palang sinayang na pagkakataon.
But anyway… am happy for him and for his wife… they deserved to be in each other’s arm!
I know na there’s a reason kung bakit ganito ang nangyari. From this, I’ve learned my lesson… don’t waste any single moment na ibinibigay na ng pagkakataon kahit ano pa ito!
.
o0o
.
Let us always remember that every tear of sadness that we shed for a person we love is a capsule of memory that we have to leave behind. We fall in love so that we will learn, we get hurt so that we will become strong, and we cry so that we can let go and find our place in the life of someone who will love us the way we have loved.
.
Lovenotes

Happy weekend!

Monday, February 06, 2006

ONE WEEK LATE OR NOT...

EI... it took me so long bago makapag-post dito sa space ko. Not because am busy, medyo tinamad kasi ako, but its okay now... ilang araw na lang one year na rin itong blog ko, ngayon pa ba ako tatamarin?
Ok... I know Manic Monday ngayon, but before we start sa kanya-kanyang trabaho, let me tell you first about what happen to me this morning!
AYAW NA AYAW kong nale-late sa pagpasok sa office kapag Monday... you know why? I don't know kung bakit ganito. Kapag kasi na-late ako sa pagpasok ng office kapag Monday, expect it... one week akong late... Kapag naman 'di ako na-late sa pagpasok sa office kapag Monday, one week din akong hindi late... swear!
Anyway... this morning daig ko pa si The Flash sa bilis pagkilos dahil ayokong ma-late. 9:30am na sa relo namin sa bahay nang magising at kung hindi pa ako ginising ng pinsan kong si Tetet, malamang 12:00pm na ako kusang gigising. Ang bilis ko talagang kumilos, imagine, sa loob ng 20 minutes nai-ready ko ang aking sarili? Think of it... sa loob ng 20 minutes nagawa kong maligo, mag-toothbrush, mag-iron ng clothes at mag-ayos ng sarili... pati ako napa-wow sa bilis ko... shhh... nahulog ako kanina sa hagdan, buti na lang at 'di mataas, but its ok kasi 'di ako na-late... thank God! Yehey... one week akong 'di late nito.
Moving forward... love month, yeah... dami kong idea kung ano ang ipo-post ngayong linggong ito na papalapit ang Heart's Day — mushy ideas and some mushy things about me.
Mushy ideas... yup, I want to share my thoughts about some love's stuff... my perception to this thing, to that thing and the lots. How I perceive love, relationships and more.
Others might find 'tong mga susunod kong post na somekinda boring nor jologs... sensiya na, ngayon lang namang love month eh.
Aside from mushy ideas, I want to share rin sana some mushy things about me, pero ewan ko, sabi ng right brain ko, i-post mo... sabi naman ng left brain ko... 'wag na! Sino kaya ang makaka-convince sa akin... ang right brain o ang left brain ko? Hmmm...
Have a nice day!