HELLO work world! Yup, after two days vacation, balik ulit dito sa office para sa maraming trabaho. Whew... dalawang araw akong nawala... marami raw akong na-missed sa opisina!
I was out for two days... isinama ako ng pinsan kong si Edward sa kanilang company outing last Saturday and Sunday. So wento muna ako about the outing... it goes something like this...
Since nakasama ko na ang mga officemates ng pinsan ko sa kanilang company outing last year, at oks silang kasama... cool ang lahat, especially his boss, that's why when he invited me again, sumama ako!
Saturday morning, nang sunduin ako ng cousin ko sa Cubao, then biyahe kami papuntang Laguna (sa Laguna kasi nagtatrabaho pinsan ko). Moving forward... lunch time na nang makarating kami sa office nila sa Cabuyao, Laguna at dinatnan namin ang lahat na nagla-lunch na. After the kumustahan/hello/hi/ngitian/pakilala at kuwentuhan blues, 'yun kain na rin ang cousin ko, at ako, 'di na ako kumain, busog pa kasi ako.
Around 1:00pm nang tumulak kami papuntang Batangas... sa Matabungkay! Sarap ng byahe... ang saya! I feel so light habang ang binabagtas ang kalsada patungo sa aming destinasyon... ang ganda ng view, especially, the Taal Volcano, 'yup, dumaan kami roon... sarap talagang mapalapit sa nature. Papalayo na ako sa siyudad at papalayo na rin sa ilang mga bagay na gumugulo sa aking isip... yes... break muna sa mga bagay na nagpapaikut-ikot sa aking puso at isip. And after the two hours (yata) na biyahe, nakarating din kami... and wow... ito hinahanap ko... DAGAT! Umaalon, malakas ang hangin, malamig ang tubig, mainit ang sikat ng araw, ang sarap ng dampi nito sa balat, masaya/maingay ang mga tao pero sa kabila nito, makararamdam ka ng kakampantehan upang muni-munihin ang ilang bagay... RIGHT PLACE FOR ME!
Ang saya ng outing... non-stop ang kantahan (gusto ko sanang kumanta kaso 'di naman nila ako pinilit kaya 'wag na lang... Joke!), sayawan (hinila ako ni Miss Rica para sumayaw kaso, nahiya ako), tawanan at siyempre, pati pagkain Lahat masaya, wala kang makikitang 'di tumatawa, tila ba nang mga oras/araw na 'yun ay walang problema ang mga taong naroon. Dala na rin ng espiritu ng alak, may mga kumakanta na iba na ang lyrics, may sumasayaw na lumalambitin pa sa cottage at ito ang kakaiba... may lumalangoy sa buhangin!
Sa may dalampasigan, dama ko init mula sa bonfire, habang nakatitig sa apoy nito, dinig ko ang hampas ng tubig ng dagat sa dalampasigan, inisa-isa kong sagutin ang ilang mga tanong ko sa aking sarili. Ilan sa mga ito ay may sagot at may ilan din naman na katahimikan lang ang tugon upang maintindihan ko ang ibig sabihin nito. Pagkatapos ng sandaling 'yun, bumalik na ako sa cottage at doon nagpatuloy ng pagmumuni-muni hanggang sa dapuan na rin ako ng antok at pumasok na sa loob.
Kinaumagahan... walang patid na kasiyahan, kainan, tawanan pa rin ang nagaganap. Pagkatapos mag-almusal, 'yun na... sa tamang init ng araw, damhin na ang tubig ng dagat! Basa na ako sa tubig-dagat, dama ko na rin ang init ng araw... sa isang bamboo raft sa may dagat, doon ako nakatayo, kasama ang ilang kaopisina ng aking pinsan. Habang nakatanaw sa malayo, habang unti-unting nanunuot sa aking balat ang tumitinding init ng araw, unti-unti ko na ring tinanggap sa aking sarili ang ilang mga bagay... mga isiping nagpapaikut-ikot sa isip ko, mga tanong na matagal ng may sagot, pagtanggap na lang naman ang kulang upang matapos na. Pagkatapos ng sandaling ito... dive agad sa tubig! So nice talagang maramdaman ang nature!
Bago kami umalis doon, somehow, nakapag-release ako ng damdamin kahit alon lang sa dagat ang nakarinig at least, sure ako na 'di ipagsasabi ng dagat ang sinabi ko sa kanya.
Around 6:00pm nang makabalik ako sa manila... salamat sa mga taga-ILP!
.
PS.
'Yung mga pix, saka ko na ipo-post...