Friday, March 10, 2006

CRY...

.
I don't want to hear that song again,
from the night we first met
I don't want to hear you whispering,
things I'd rather forget...
.
I'D FALL OVER AGAIN
Dan Hill
.
A song from Dan Hill na halos paiyakin ako this morning here in my work place.
Iyakin akong tao, I admit it! Mababaw ang luha ko… sobra! I do cry a lot particularly kapag masama ang loob ko, nasaktan ako, napagalitan, nalungkot, may nami-miss at kapag galit ako. Sounds funny… pero kapag nanonood din ako ng mga movie na drama… ‘di malayong umiyak ako.
Anyway… this morning, the song I'D FALL OVER AGAIN by Dan Hill… Nasa layout ako nang marinig ko ito, and since alam ko ‘yung kanta, basta sinabayan ko hanggang sa napalakas ang aking pagkanta pagdating sa chorus (oks lang dahil tatlo pa lang kami dito dept. namin kaya wala masyadong makakarinig). Then my friend Fhaye, kumanta rin at nagkatinginan kami sabay sabi niya “Mamu, may emosyon,” then we laughed.
Bumalik ako sa desk ko at habang sinasabayan ang kanta, may naalala ako years ago and then nalungkot at may na-miss kasi ako... then naramdaman ko na lang na nangingilid na ang luha sa aking mata until… sh*t… naiiyak ako?! Bumaling ako kay Fhaye saka sinabi sa kanya na “Mamu may emosyon nga, naiiyak ako,” sabay punas sa luha ko bago pa tuluyang bumagsak at tawa ako nang tawa (huh?! parang baliw yata ako noon, umiiyak tapos tumatawa.)
Pag-iyak... it helps a lot to release pain, sadness, burdens, emotions and what so ever. It’s better to cry rather than to keep stuffs na magpapabigat sa buhay mo, right? ‘Yung mga bagay na ‘di kayang tumbasan ng salita, may luhang pantapat dito. Ang tuwa o ligaya, puwede ring iluha… luha na ang bahala sa mga ‘di kayang ilabas ng bibig!
.
PS
Have a nice day!
.

1 comment:

Kat said...

i agree wends. ako rin madaling umiyak pati sa movies kaya i can relate. pero natuwa ako sa kwento mo when you suddenly cried and then tumawa..

happy weekend! salamat sa dalaw.