Thursday, March 29, 2007

HOLY WEEK: NO BLOG... NO CELLPHONE

MARCH 14 when I had my last post... mag-a-update sana ako last week, Friday, but 'di ko na lang tinuloy, about pain kasi ang mababasa kung sakali mang itinuloy ko ang post na 'yun.
.
As much as I can, ayokong nagpo-post about pain or anything negative, lalo kapag "usapang puso," but I know na 'di naman puwede ang laging ganu'n. Ayoko kasi na pangibabawan ng lungkot that's why "tuloy ang buhay" na parang "am absolutely okay..." pretension bang matatawag 'yun? Sa akin lang kasi, ayokong nadi-disturb ang isang masayang sitwasyon nang dahil sa malungkot kong kuwento.
.
I know na it helps a lot kapag nagre-release ng nararamdaman... Oo naman, nagre-release rin naman ako kapag mabigat na sobra... to my friends and mostly, to my family... and to be honest, 'di ako basta-basta nagsasabi ng problema sa taong alam kong sobrang problemado rin nang mga panahong 'yun... sa akin lang kasi, kung kukuwentuhan ko pa about problems ang isang sobrang problemadong tao... saan uuwi ang aming usapan? Selfishness bang matatawag kung gusto ko na kapag nagsasabi ako ng problema o sama ng loob ay ayokong dinadaingan din ako ng problema ng kausap ko sa oras ding ‘yun? Dapat ba na sabay na nagdadaingan ng problema ang parehong problemado, may maganda kayang payo na maibigay ang isa't isa?
.
Anyway... moving forward, Holy Week na next week... two days kaming walang pasok (ang saya-saya), kung puwede ngang hilain ang mga araw, ginawa ko na.
.
Aside from Christmas, favorite holiday ko rin ang Holy Week, aside from the best time to repent from our sins... chance rin na nagkakasama-sama ang buong pamilya at mga magkakaibigan dahil sa may kanya-kanya ng career (naks).
.
"Bonding week" din ang tawag ng pinsan ko sa holy week. Unlike others, 'di kami nag-a-out-of-town, ayaw ng mga "oldies," (kahit ako, ayokong lumalayo kapag Holy Week) gusto nila sa bahay lang, magkakasama, nagkukuwentuhan, sabay-sabay na kumakain, nagdarasal at tulung-tulong para sa traditional PABASA (mabibilang sa daliri isang kamay kung sino sa amin ang 'di marunong kumanta sa PABASA).
.
So, this Holy Week, expect na ninyo sa akin na NO BLOG and NO CELLPHONE... stay home muna with the rest of the family!

Wednesday, March 14, 2007

SERIOUS

LIFE is fun and full of surprises... every step we take... changes comes next!
Masaya ka ngayon... maya-maya lang... bad trip na.
May times din na you want everything to be okay, pero split seconds lang, lahat ng effort mo turns to nothing!
If you want to be quiet even for a day... dami namang bad air na kung maigsi ang pisi mo, mapipikon ka talaga. Part na yata ng buhay natin ang mga ganitong pangyayari. Kung magpapaapekto... naku... lost ang ganda mo!
Sa nature ng work namin... serious, ma-pressure, laging may deadline... bawat minuto deadline. Kung hindi mahaba pasensiya mo, susuko ka. But to be honest, kapag tapos na trabaho or even kahit kasalukuyang nagtatrabaho at inaatake ng pressure, nakukuha pa rin naming magtawa at magbiro... mahirap na, seryoso na trabaho, seryoso ka pa masyado... saan ka pa, baka bigla na lang mawala sa dictionary mo ang ibig sabihin ng smile, laugh at joke.
Lots of circumstances comes along our way... may sineseryoso, pero mayroon din namang dapat na lang tawanan. May mga seryosong sitwasyon na 'di dapat seryosohin masyado, because sometime, parang nagiging mas complicated kapag sobra-sobrang seryoso na... tatanda agad ang hitsura mo.
Basta enjoy life lang... be happy!

Wednesday, March 07, 2007

DAY OFF

I wasn't able to update my blog this past few days... busy? Absolutely! And at the same time, am running out of idea on what to post... inagiw tuloy ang site ko!
Anyway... last March 3, 2007, Saturday, I had my first whole day leave for 2007 (am wondering now kung kailan ito mauulit.) at saan ako nag-chill? MANILA ZOO!
So nice to be back in Manila Zoo, kid pa ako nang huli kong punta rito. Ang dami ng bago, under renovation ang zoo at kokonti na lang ang mga animals.
May snake (Python) at nahawakan ko siya... 'di naman ako takot sa snake... pero 'yung kasama ko, pati sa bulate takot... nyahahaha. PEACE!
May monkey rin... may monkey... may monkey... at may monkey... in short, maraming monkey!
May mga birds na iba-iba ang lahi, pero birds pa rin!
May tiger din... 'yun nga lang, ulo lang nakita ko at nakatalikod pa... whewww
May hippopotamus... 'yun nga lang, 1/8 lang ng katawan niya ang nakita ko, kasi nakalubog siya sa tubig... huh?!
Nakapagpa-picture rin naman kami sa elephant... 'yun nga lang, estatwa lang kasi wala na 'yung tunay na elephant at 'yung giraffe naman, wala na rin.
May Ostrich din... trivia; an ostrich's eye is bigger than its brain.
For more wento about this post, kindly check Sasha's blog... may mga picture kami roon... promise.
O siya siya siya... bye bye na, uwi na ko.
HAPPY WEDNESDAY!