Wednesday, March 07, 2007

DAY OFF

I wasn't able to update my blog this past few days... busy? Absolutely! And at the same time, am running out of idea on what to post... inagiw tuloy ang site ko!
Anyway... last March 3, 2007, Saturday, I had my first whole day leave for 2007 (am wondering now kung kailan ito mauulit.) at saan ako nag-chill? MANILA ZOO!
So nice to be back in Manila Zoo, kid pa ako nang huli kong punta rito. Ang dami ng bago, under renovation ang zoo at kokonti na lang ang mga animals.
May snake (Python) at nahawakan ko siya... 'di naman ako takot sa snake... pero 'yung kasama ko, pati sa bulate takot... nyahahaha. PEACE!
May monkey rin... may monkey... may monkey... at may monkey... in short, maraming monkey!
May mga birds na iba-iba ang lahi, pero birds pa rin!
May tiger din... 'yun nga lang, ulo lang nakita ko at nakatalikod pa... whewww
May hippopotamus... 'yun nga lang, 1/8 lang ng katawan niya ang nakita ko, kasi nakalubog siya sa tubig... huh?!
Nakapagpa-picture rin naman kami sa elephant... 'yun nga lang, estatwa lang kasi wala na 'yung tunay na elephant at 'yung giraffe naman, wala na rin.
May Ostrich din... trivia; an ostrich's eye is bigger than its brain.
For more wento about this post, kindly check Sasha's blog... may mga picture kami roon... promise.
O siya siya siya... bye bye na, uwi na ko.
HAPPY WEDNESDAY!

28 comments:

Anonymous said...

bago ka pa magpost dito,nakita ko na pics niyo at iba pang kwento about sa bonding nyo ni Sash.
pretty ka rin pala!

ansaya gurl! to the max ang lakwatcha nyo ni Sashing.

ganda ba nung movie na pinanood nyo? di ko pa napanood yun e.

ganda na pala ng MLA. ZOO, wow thats good, dafat lang 2007 na. happy ako pag may naririnig akong pag-unlad ng pilipinas kong mahal, i thank you bow! nyahahaha

Anonymous said...

ayan naunahan ko sila, ganda palang mamasyal dito ng ganitong oras habang tulog ang lahat ako andito,hahahah

Anonymous said...

hi wendy :)napadaan ...kumusta pala din kay malaya

Wendy said...

Yorokobee... Gurl!!! Hahaha, late na ba saka ko na-realize na dapat akong mag-post regarding sa chill namin ni Sasha? Next time... susubukan kong maunahan si Sasha. *wink* Or... hilingin ko kay Sasha na ako na lang ang magpo-post, 'wag na siya... hahaha

Maganda rin ba lola mo? Naman!!! Pinag-aralan ko smile na 'yan, siyempre, para kahit sa picture e, makita ganda ng lola mo... hahaha

o0o

LWS... So nice to see you here again... really! Salamat! Don't worry, ia-hi kita kay Malaya.
Happy Thursday!

Anonymous said...

yun ang malaking tanong, KAILAN KAYA ULI MAUULIT ANG DAY-OFF?

nasaan ang iba pang pics?

Anonymous said...

my comment disappeared, i wonder why.

snakes! you're not afraid of them?

timely, coz i posted a snake story last night

http://dine.racoma.com.ph/fun/never-again/

Wendy said...

Malaya... Malapit ka na ring makapag-leave... papayagan ka, timingan mo pagpapaalam... hahaha

o0o

Sexy Mom... Hello! Thanks for droppin by. Thank you... thank you... gonna visit your site...

Happy Tursday!

Anonymous said...

oh yes!i saw the pics at Sasha,you re cute pala,Wendy :)

takot din ako sa snakes,at sa lahat ng mga gumagapang..

you got your day off pala finally?gosh!you`re working too hard gurl,sana nga maulit uli para makapag chill na naman :)

Anonymous said...

Natutuwa ako sobra at ang day-off mo na mahirap nang maulit pa ay natapat pa sa bonding natin! Sayang at wala si Nona gurl... sana 3 tayong nag-bonding hehehe

Labyu girl and don't change ha? Mwuaaah!!!

Wendy said...

Ghee... Finally gurl! Nakapag-day off din ako!

Pareho kayo ni Sasha... takot sa snake.

o0o

Sasha... Hope next time e kasama na si Nona gurl.
Don't changer rin... *hugs and kisses*

Anonymous said...

ang saya-saya naman ng bonding nyo ni te sash!! hehehe! buti ikaw di ka takot sa snakes... yaaaay! nakakakilabot kaya!

sana maulit muli ang iyong day off para pag time na nating mag-meet e okay na okay ka! wag mong itanong kung kelan dahil hindi ko pa rin alam... basta, magkikita tayo! nyahahaha!

happy weekend sister! mwuahugggzz! God bless! regards na lang kay ate karen!

Anonymous said...

hello hello wendy gurl, hahaha....aha! at last nagbonding na rin kayo ni sashing. uy dapat dagdagan ko na prettywendygurl! hehehe, ayan!
basta day off lang ng day off, kapag nagalit boss mo, sagutin mo na lang ng "eh ano, magalit ka hindi naman ako galit" haha! di ba? ako ang iyong konsensiya? *hugs and kisses*

Wendy said...

Rho... Basta magmi-meet tayo... kung kailan, 'di natin alam, *wink*

Happy weekend!

o0o

Nona... gurllllll... halos mahulog ako sa kinauupuan ko while reading your comment...

Oo nga kunsiyensiya kita... last Christmas... kunsiyensiya kita... kaya nga 'di ako pumasok noon eh... hahaha

Love you Nona gurl!

Anonymous said...

Saan na napunta yung elephant?

Syempre cute and pretty si wendy kase cabalen ko yan eh...hahaha!

Wendy said...

Ann... 'Di ko nga alam kung nasaan na 'yung elephant! Pati 'yung giraffe wala na rin...

Thanks din 'Te Ann... siyempre... gandang kapampangan... mabuhay!

Anonymous said...

ang saya saya ng gimik niyo ni sashing at malagu ang mga models dun sa pics not the animals ha.

Wendy said...

Juana... Mama Juana, next time sama ka ha... sild life naman *wink*

Happy weekend!

Anonymous said...

Ehem wendy, sana makadalaw ka sa bahay ng mga D'Magiba :)

Wendy said...

Family... walang problema... dadalaw ako, magkano ba pamasahe papunta roon? Me pamiryenda ba? Hahaha...
Promise... dadalaw ako.

Anonymous said...

naku nakaka-relate ako sa post mo, alam mo ba na mag-isa ako nag-ikot sa manila zoo at nag enjoy ako makita ang mga kalahi kong unggoy hahahaha

Wendy said...

Iskoo... Oo nga, I remember, nag-post ka rin before about Manila Zoo...
Pano, next time wild life naman?

Happy Sunday!

ninong said...

helo po... first time...

hmmm... matagal na akong di nakakapunta ng manila zoo... kahit na isang jeep lang yan mula sa skul ko... haha...

nagsawa ako dyan nung bata pa ako... pano ba naman mula kinder hangggang grade 4 laging dyan ang field trip namin... tsk tsk...

yun lang po... :D

Wendy said...

Ninong... Salamat sa pagdaan at maging sa comment.
Madalas sana na maligaw ka rito.
Happy Monday!

Anonymous said...

tanong ko lang bakit manila zoo? :)

Anonymous said...

aba aba.... anong kaguluhan to hehehe...
binulabog nyo pala mga kamag anak ko huh

Wendy said...

Melai... Ewan din namin eh, napagtripan lang din namin ni Sasha sa Manila Zoo... baka next time, wild life naman... ahihihi...

Thanks din sa pagdalaw!

o0o

Kneeko... Hahaha, ramdam nga presence mo nung araw na 'yun... PEACE TAYO! *smile*

Anonymous said...

wendyski - kala ko pumasok yung comment ko dati pa - hindi pala.
nakalimutan ko na hehehe.

anyway, gusto ko lang sabihin hello, have a nice day, at .... totoo ba na kaya na-ospital si kris ay hindi dahil sa stress kundi dahil uminom ito ng sleeping pills???????

tanong mo kay cristy ha :Dhehehe!

Wendy said...

Lady Cess... Gald to meet you in person Mommy Cess! *kisses for you*

Hahaha... you ha... shobiz ka.