Saturday, October 28, 2006

WHO WOULD YOU CHOOSE?

So weird kapag sa isang buong araw ay ‘di nag-beep ang mobile ko! Kahit sino naman siguro, magtaka ka kapag walang nag-text kanya, knowing na regular ka nakakatanggap ng mga text message.
Sa tagal ko ng may mobile, at sa dalas na rin ng mga taong nagtete-text sa akin, alam ko na ang style nila when it comes to texting. The way they use period, comma, dash, letters and the lots. Am so thankful na kahit ‘di ako madalas makapag-reply sa mga nagte-text sa akin, they keep on texting me pa rin. Sending me inspirational quotes and jokes and even mga chain text… thanks guys!
Anyway… may forwarded message sa akin ang pinsan kong si Lenix and nagustuhan ko talaga siya kaya I want to share din sa inyo. Probably, may nakatanggap na rin nito sa inyo, but anyway… here is the text message.
.
Quiz given to 200 applicants for a single job.
Situation: You’re driving along a stormy night. You pass by a bus stop where you see three people waiting.
.
1. Elderly woman who’s about to die.
2. An old friend who once save your life.
3. The perfect mate you’ve been dreaming about.
.
Who would you choose knowing there could only be one passenger in your car?
.
Opppsss… saka ko na lang ipo-post ‘yung sagot ng taong na-hired *wink*
I want to know your answer first… Happy weekend!

Wednesday, October 25, 2006

Friday, October 20, 2006

LIFE IS SUPERB

We feel bad about life when we have problems.
Ang bilis nating magalit kapag sunud-sunod ang problemang dumarating sa atin. Timba-timbang luha ang lumalabas sa ating mata kapag nasasaktan. Kung sinu-sino ang sinisisi kapag nagkakamali ng desisyon. Nagagalit sa ating sarili kapag nire-reject ng ibang tao.
May mga pagkakataon na nagagalit tayo sa ating sarili at sinisisi ang buhay dahil sa mga ‘di magagandang nararanasan. Kino-compare ang sarili sa iba at sinasabing ang suwerte ng iba, walang problema. Ang suwerte ng iba, ang saya ng buhay. Ang suwerte ng iba ang galing-galing nila. At pakiramdam natin, aping-api tayo ng kapalaran at wala tayong suwerte.
Read this… suwerte pa rin ang tao kahit may problema at may dahilan pa rin to give thanks kahit may mga problema. Dahil sa kabila ng mga problemang ito, buhay pa siya, humihinga, may lakas na magpatuloy at nakakasabay sa agos ng buhay sa araw-araw.
We don’t need to feel sorry for our self, because we’re lucky kahit may problema at kahit maraming hirap na nararanasan. Dahil nariyan ang ating mga kaibigan na mas nararamdaman na laging nasa tabi natin, handa tayong damayan at ‘di napapagod na i-motivate tayo.
Napapagod sa pare-parehong ikot ng mundo? *smile* Thankful pa rin dapat dahil nariyan ang ating pamilya na puwede nating takbuhan kapag ‘di na talaga kaya. Our family na come what may, ay laging nariyan na handang mag-comfort sa atin.
In every negative things na nararanasan ng tao, laging may positive … all we need to do is to look for that positive thing para hindi masyadong mabigat ang nararanasan. Hindi natin kailangang i-focus lang ang sarili sa negatibong bagay na nararanasan. Hanapin ang positive thing sa negatibong bagay and you’ll see, everything will be okay!
And remember... there Someone up there na laging gumagabay sa atin, laging nandiyan through thick and thin.
Despite of the depressing things in life… still, life is superb.
Happy weekend!

Friday, October 13, 2006

LIFE... OH LIFE... OH LIFE

ALAM mo na buhay ka kapag nakakaramdam ka ng saya, lungkot, tuwa, nasasaktan, namumrublema, nagiging mabait, nagagalit and what so ever. Bali-baligtarin mo man ang mundo, hindi mo ito matatanggal… kakambal yata ito ng tao o bahagi ng pagiging tao.
Wala na sigurong tatalo sa buhay sa pagiging mapaglaro… masaya ka ngayon, oppsss… relax lang, 1-2-3… malungkot ka na. May oras na walang hustle, ang dali ng mundo, pero minsan, split seconds lang, galit ka na. Kahit gaano ka kabait, may sandali na lalabas ang sungay mo. Ma-anticipate mo man ang susunod na mangyayari sa’yo, minsan namamali ka pa rin. Maliban kung nakaplano na ang gagawin bukas, pero minsan pa rin, kahit nasa plano na… iba pa rin ang nagiging resulta… hindi ang inaasahan mo!
Playful ang buhay… may pagkakataon na ibibigay sa’yo ang lahat ng bagay o pangyayari na makapagpapasaya sa’yo na minsan, hinihiling na sana ‘wag ng matapos pa. Pero ‘wag ka, darating at darating ang sandali na halos ayaw mo ng huminga dahil sa hirap na nararanasan. Iikot ulit ang kamay ng panahon, pagkatapos ng sobrang lungkot… ‘yan na naman, para ka na namang baliw sa sobrang tuwa.
Hahayaan kang ma-in love ng buhay… kapag lunod na lunod ka na sa dagat ng pag-ibig, saka siya bubuwelta… masasaktan ka! Kapag na-overcome mo na ang sakit at nakitang okey ka na, ‘yan na naman… bibira na naman siya… iibig kang muli at pagkatapos… luluha na naman. Isa pa… ngayon may pera ka, pero bukas, kung kailan naman na kailangang-kailangan mo… wala ka sa bulsa... "Life... oh life... oh life... oh life!"
Sa kabila ng mga ito, pagkatapos ng sobrang saya, kasunod ay lungkot, pagkatapos ng masayang pag-ibig, kasunod ay luha at marami pa, nasasabi na balance lang ang buhay. Hindi magiging buhay ang buhay kung wala ang mga ito… pambalanse. Hindi puwedeng sa lahat ng araw masaya ka, ‘di sa lahat ng sandali malungkot ka. Hindi sa lahat ng panahon namumroblema ka. Hindi mag-e-exist ang salitang ligaya kung wala ang lungkot. Parang araw at gabi, hindi mo masasabing araw na kung hindi gagabi at paano mararamdaman ang tuwa kung hindi naging malungkot at marami pa.
Balance lang ang buhay ‘di ba? Sasabihin ng iba, “hindi” kasi mas marami pang araw o panahon sa buhay nila na problemado kaysa sa hindi. Huh? Hindi kaya masyado lang nilang dinidibdib ang problema at ‘di nila masyadong nabigyan ng pansin ang masasayang araw sa kanilang buhay? Sa bagay nga naman, sabi, mas madaling makalimutan ang isang masayang bagay kumpara sa malungkot na pangyayari… kailan nangyari ang huling pinakamasayang araw ng buhay mo at kailan ka rin namrublema… alin sa dalawa ang mas mabilis mo nasagot?
Mapaglaro man ang buhay dahil binibigyan ka ng tuwa at lungkot, saya at hirap, problema at kung anu-ano pa… relax lang… chill! Sakyan mo lang siya, kung masaya ka sa buhay mo ngayon… e ‘di okay! Kung malungkot naman… okay lang din, matatapos rin naman ang kalungkutan. Kung may problema ka, relax ka lang, walang problemang walang solusyon.
‘Yan ang buhay, mapaglaro! Mapaglaro siya dahil gusto ka niyang matuto. Matuto kang makipaglaro sa kanya… dahil ‘yun ang gusto niya. Kailan sasabak sa hamon niya at kailan naman mananahimik… kumilos ka lang habang kumikilos siya… ‘di mo rin naman kasi siya matatakasan na buhay!
Happy weekend!

Friday, October 06, 2006

SOMETIMES I DO... SOMETIMES I DON'T...

SOMETIMES… I do understand myself, and sometimes I don’t.
I know what I feel but sometimes I pay no attention to it.
… a complicated response for a lucid situation.
Sometimes, some simple things are too hard for me to comprehend.
I cry when I feel bad… and I cry also when am happy.
My heart want to do this thing but my mind refuse.
My mind wants to do this thing but my heart decline.
I want to like this thing… but I can’t.
I want to hate this thing… but I can’t.
I’ll be happy if I do this stuff, but others might get hurt or vice versa.
Simple “yes” or “no” to a simple question but rather I answer, “I don’t know!”
Am living in a world of reality, but sometimes, my mind is in the world fantasy.
Magulo? Oo... ewan! Pero lahat ng ito... naging ganyan dahil may rason!
Sa kabila ng mga ito, I thank God for being always there for me!
Happy weekend!

Monday, October 02, 2006

UNTITLED

DAPAT hindi naman kasi... 'di naman kailangan, pero bakit?
Dapat walang luha sa mata ko, pero 'di ko mapigilan.
Gustuhin ko mang magtanong, pero para saan pa, halatang mukhang 'di naman sasagutin.
Hindi ko alam kung magagalit na lang ako at magmakaawa para mawala ang aking nadarama, pero para saan pa... wala rin naman itong magagawa.
Inaasahan ko naman posibleng mangyari 'yun, posibleng gawin mo... pero sh*t, ganito pala feeling kapag nandiyan na talaga.
Nanlalamig ang kamay ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko... pero wala naman akong magawa kundi ang tumingala.
Buntung-hininga lang ang tanging magagawa ko sa tuwing sasagi ka sa isip ko at maiisip ko ang aksiyong ginawa mo... wala naman akong mamagawang iba, kung mayroon man... ewan ko lang.
YOU HATE ME?!
Sana naisip mo kung dapat ba ang ginawa mo...
Sana hinayaan mo na lang na nandoon 'yun...
Masaya ka na ba sa ginawa mo?
Ito ba ang ganti sa naging sagot ko na tama lang naman?
Naman oh!... bakit ba ako nagkakaganito, eh TAMA NAMAN TALAGA ANG GINAWA KO!

THE WORK MUST GO ON

Pagkatapos ng bagyong si Milenyo, pagkatapos ng pa-blog hop-blog hop lang… nakapag-post na ulit ako.
I got sick! Hindi dahil sa naulanan ako, kundi dahil sa sobrang init sa loob ng office noong kasalukuyang bumabagyo!
Anyway, Wednesday night pa lang naman, I feel bad na, emotionally… naks! Then Thursday morning, dahil sa lakas ng hangin at ulan at sa dami ng nagbagsakang puno, billboards at mga poste… brownout!
Hindi nasuspinde ang trabaho namin, though lahat kami that time ay hoping na masuspinde sana ang trabaho, pero ‘di pa rin… lupet! Gamit ang generator na ang kayang patakbuhin lang ay ilaw at mga computer at hindi ang aircon… so, imagine your self working sa isang box, walang bintana, walang aircon — sobrang init! Ganito ang setup namin sa office for almost four days!
Kasagsagan din ni Milenyo, oh my… feeling ko, call center agent ako, phone-in ang karamihan sa mga news dahil walang linya ng kuryente… walang fax, walang email… daldal-encode mode ako na sa tingin ko, isa ring reason kung bakit ako nagka-sore throat.
Knowing myself, kapag sobrang init at feeling ko ay nauubusan ako ng hininga dahil sa sobrang init, at kapag bumahing ako… ‘yun na ‘yun, sign na ‘yun na magkaka-sore throat ako. At kapag nagka-sore throat, sasakit ang ulo ko, at kapag sumakit ang ulo ko, sisipunin ako at kapag sinipon na ako… jarannnnn…. MAY LAGNAT NA SI WENDY!
Though may sakit na ako, the work must go on pa rin… pumasok pa rin ang sister ninyo! Anyway… thank God at mabilis naman akong naka-recover sa lagnat, ‘di na ako nilalagnat ngayon pero inuubo pa rin.
Aside from that… sa kasagsagan din ni Milenyo, that time, nasa loob lang kami ng “box” (office) dahil umuulan sa labas… to break the ice, naglaro na lang kami, anong laro?
Paramihan ng masasabing salita na natatapos sa “tion”… e.g. addiction, convention, multiplication, subtraction at hangga’t may nasasabi pa tuloy ang laro hanggang sa may matirang isa (Haha… ako panalo sa round na ito… yabang!). Kapag may nanalo na, iba naman, words ending in “er,” “ed,” “ness” “ly” at marami pa. Masaya ang laro, nakakatawa, mag-iisip ka talaga! Try din ninyo ‘yung game, kahit dalawa lang kayo puwede.
Naglaro rin kami ng Eat Bulaga’s Pinoy henyo!
Happy Monday!