Monday, October 02, 2006

UNTITLED

DAPAT hindi naman kasi... 'di naman kailangan, pero bakit?
Dapat walang luha sa mata ko, pero 'di ko mapigilan.
Gustuhin ko mang magtanong, pero para saan pa, halatang mukhang 'di naman sasagutin.
Hindi ko alam kung magagalit na lang ako at magmakaawa para mawala ang aking nadarama, pero para saan pa... wala rin naman itong magagawa.
Inaasahan ko naman posibleng mangyari 'yun, posibleng gawin mo... pero sh*t, ganito pala feeling kapag nandiyan na talaga.
Nanlalamig ang kamay ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko... pero wala naman akong magawa kundi ang tumingala.
Buntung-hininga lang ang tanging magagawa ko sa tuwing sasagi ka sa isip ko at maiisip ko ang aksiyong ginawa mo... wala naman akong mamagawang iba, kung mayroon man... ewan ko lang.
YOU HATE ME?!
Sana naisip mo kung dapat ba ang ginawa mo...
Sana hinayaan mo na lang na nandoon 'yun...
Masaya ka na ba sa ginawa mo?
Ito ba ang ganti sa naging sagot ko na tama lang naman?
Naman oh!... bakit ba ako nagkakaganito, eh TAMA NAMAN TALAGA ANG GINAWA KO!

11 comments:

Unknown said...

whatever situation your going through, i hope you feel better soon. cheer-up

Anonymous said...

e ano ba yun?
whatever it is "chill" ka nlng!
cheer-up sis*hugs nlng kita*

Wendy said...

Cruise... Thank you... am doing good now... promise!

Yorokobee... Na-puzzle ka ba sis?! Anyway oks na... thanks sa Hugs... i can feel it.. naks!

lws said...

kung alam mong nasa "tama" suportahan kita *mahigpit na mahigpit na yakap*

alam mo sis natuto na ako noon pa:D hinding hindi ko hihilingin kailanman
ang pag-ibig ng isang taong hindi ko naman naramdaman oh men! tungkol ba'to sa love?hehe mahirap na topic pero mabigat hehe

Iskoo said...

maraming pwedeng magyari sa buhay natin na hirap ispelengin kung bakit nangyari. isipin nalang natin na sa bawal trahedya na darating sa atin sana may matutunan tayo making us a better not bitter person, chee-up wendy. everything will gonna be fine soon.

Anonymous said...

Whatever it is ipaglaban mo yung tama. Magigising din sya at maliliwanagan.

Wendy said...

Ladywhitespirit... Thanks for dropping by! Yeah... tama ang ginawa ko, walang pagdududa na tama talaga.

Yeah you're right, hindi hinihingi ang pag-ibig, naggo-grow ito sa bawat isa... *big hugs din sa'yo sis.* :-)

o0o

Iskoo... Amen! May natutunan at nalaman ako sa nangyaring ito... promise! Hindi dapat ako umiyak o mainis... smile and chill lang pala dapat!

o0o

'Te Ann... Yeah... I'll go for the right thing!

Anonymous said...

baka nawawala lang siya sa sarili niya. buhusan mo kaya ng isang timbang may yelong tubig. hahaha...

dont worry di ikaw nawalan kundi siya.

Wendy said...

Juana... Tubig na may yelo... yaikkssss... ang lamig nun!
Thanks sa comment!

Anonymous said...

I guess its my time to say...chill ka lang!

whatever it is, Someone above saw it and knows if you are right!

have a nice week!

Wendy said...

Ate Cha... Am doing well right now. Thanks Ate Cha!