ALAM mo na buhay ka kapag nakakaramdam ka ng saya, lungkot, tuwa, nasasaktan, namumrublema, nagiging mabait, nagagalit and what so ever. Bali-baligtarin mo man ang mundo, hindi mo ito matatanggal… kakambal yata ito ng tao o bahagi ng pagiging tao.
Wala na sigurong tatalo sa buhay sa pagiging mapaglaro… masaya ka ngayon, oppsss… relax lang, 1-2-3… malungkot ka na. May oras na walang hustle, ang dali ng mundo, pero minsan, split seconds lang, galit ka na. Kahit gaano ka kabait, may sandali na lalabas ang sungay mo. Ma-anticipate mo man ang susunod na mangyayari sa’yo, minsan namamali ka pa rin. Maliban kung nakaplano na ang gagawin bukas, pero minsan pa rin, kahit nasa plano na… iba pa rin ang nagiging resulta… hindi ang inaasahan mo!
Playful ang buhay… may pagkakataon na ibibigay sa’yo ang lahat ng bagay o pangyayari na makapagpapasaya sa’yo na minsan, hinihiling na sana ‘wag ng matapos pa. Pero ‘wag ka, darating at darating ang sandali na halos ayaw mo ng huminga dahil sa hirap na nararanasan. Iikot ulit ang kamay ng panahon, pagkatapos ng sobrang lungkot… ‘yan na naman, para ka na namang baliw sa sobrang tuwa.
Hahayaan kang ma-in love ng buhay… kapag lunod na lunod ka na sa dagat ng pag-ibig, saka siya bubuwelta… masasaktan ka! Kapag na-overcome mo na ang sakit at nakitang okey ka na, ‘yan na naman… bibira na naman siya… iibig kang muli at pagkatapos… luluha na naman. Isa pa… ngayon may pera ka, pero bukas, kung kailan naman na kailangang-kailangan mo… wala ka sa bulsa... "Life... oh life... oh life... oh life!"
Sa kabila ng mga ito, pagkatapos ng sobrang saya, kasunod ay lungkot, pagkatapos ng masayang pag-ibig, kasunod ay luha at marami pa, nasasabi na balance lang ang buhay. Hindi magiging buhay ang buhay kung wala ang mga ito… pambalanse. Hindi puwedeng sa lahat ng araw masaya ka, ‘di sa lahat ng sandali malungkot ka. Hindi sa lahat ng panahon namumroblema ka. Hindi mag-e-exist ang salitang ligaya kung wala ang lungkot. Parang araw at gabi, hindi mo masasabing araw na kung hindi gagabi at paano mararamdaman ang tuwa kung hindi naging malungkot at marami pa.
Balance lang ang buhay ‘di ba? Sasabihin ng iba, “hindi” kasi mas marami pang araw o panahon sa buhay nila na problemado kaysa sa hindi. Huh? Hindi kaya masyado lang nilang dinidibdib ang problema at ‘di nila masyadong nabigyan ng pansin ang masasayang araw sa kanilang buhay? Sa bagay nga naman, sabi, mas madaling makalimutan ang isang masayang bagay kumpara sa malungkot na pangyayari… kailan nangyari ang huling pinakamasayang araw ng buhay mo at kailan ka rin namrublema… alin sa dalawa ang mas mabilis mo nasagot?
Mapaglaro man ang buhay dahil binibigyan ka ng tuwa at lungkot, saya at hirap, problema at kung anu-ano pa… relax lang… chill! Sakyan mo lang siya, kung masaya ka sa buhay mo ngayon… e ‘di okay! Kung malungkot naman… okay lang din, matatapos rin naman ang kalungkutan. Kung may problema ka, relax ka lang, walang problemang walang solusyon.
‘Yan ang buhay, mapaglaro! Mapaglaro siya dahil gusto ka niyang matuto. Matuto kang makipaglaro sa kanya… dahil ‘yun ang gusto niya. Kailan sasabak sa hamon niya at kailan naman mananahimik… kumilos ka lang habang kumikilos siya… ‘di mo rin naman kasi siya matatakasan na buhay!
Happy weekend!

19 comments:
ganyan ata cyle ng buhay, o mas kilala sa tawag na gulong ng palad (buhay).
Iskoo... Gulong ng Palad? Hindi ba kanta 'yan? Hehe.. anyway, thank you sa comment and Happy Saturday!
Minsan nga walang dahilan pero parang malungkot tayo at may problema. Pero sa bawat pagsubok na malampasan natin ang importante ay may natututunan tayo.
Malungkot na pangyayari sa buhay ko, medyo matagal na pero tama ka malinaw pa rin sa isip until now.
oh life!
sometimes you're up!
sometimes you're down!
just learn the balance of life
and all will be fine!
what a life!
Te Ann... "sa bawat pagsubok na malampasan natin ang importante ay may natututunan tayo." Absolutely right!
Mmy-lei... sometimes you're up!
sometimes you're down!
just learn the balance of life
and all will be fine!
Yeah... what-a-life!!!
lilipas din yang ganyang feeling, kahapon ganyan din ako pero ngayon sunny na ulit ang weather ko, haha. sabi nga ni kuya kim ng channel 2 news, ang buhay ay parang weather weather lang. cheer up wendy!
life oh life....
life is a gift from heaven's above..
deep, deep ! life is beautiful, whatever comes our way..life is still beautiful!
enjoy the week !
Cruise... "Lilipas din ang ganyang feeling." ... siyempre naman, walang bagay na 'di lumilipas *wink*
Thanks sa comment
Kneeko... Life is a gift from heaven's above... Amen!
Ate Cha... Na-miss kita! Absolutely, life is beautiful! *kisses from me*
great topic here ! related to sa topic sa bahay ko. blog hopped from cruise1
kind regards!
enjoy life!
without that spices life would not be life*.*
tahan na wendy. tayo ka na dyan sa couch, hehe. have a nice day wendy
Eden... Thank you sa pagpasyal dito *kisses*.
Thank you rin sa comment *hugs*
Yorokobee... Nice picture, really! Pang-cosmopolitant *wink*
Thank sa comment gurl!
Iskoo... Ayoko pang tumayo, masarap magpahinga. Thank you sa pagbalik iskoo... *hugs*
hai.. that's life, diba't in those things we learned lessons, and that's why pencils has eraser.. isn't it? so we can make things ryt.. :p
Jennifer... Thanks sa pagbalik and thanks sa comment... ang lalim ah! *smile always*
yeah, Life...really is too ironic to understand...malalim, may kababawan...kailangan maranasan mo ang lungkot para malaman mo kung paano maging masaya...
by the way, salamat sa pagdaan and dropping a line.:)balik ka...
Life is like a river whichflows thru many turns.
God has a reason for allowing things to happen, we may never understand His wisdom but we simply have to trust His will..
Nona... Thanks sa pagdaan and thanks din sa comment. *Smile* bi-visit ulit ako sa bahay mo. Happy weekend!
Richard... Thank you sa nice comment. Happy Friday!
Post a Comment