Monday, October 02, 2006

THE WORK MUST GO ON

Pagkatapos ng bagyong si Milenyo, pagkatapos ng pa-blog hop-blog hop lang… nakapag-post na ulit ako.
I got sick! Hindi dahil sa naulanan ako, kundi dahil sa sobrang init sa loob ng office noong kasalukuyang bumabagyo!
Anyway, Wednesday night pa lang naman, I feel bad na, emotionally… naks! Then Thursday morning, dahil sa lakas ng hangin at ulan at sa dami ng nagbagsakang puno, billboards at mga poste… brownout!
Hindi nasuspinde ang trabaho namin, though lahat kami that time ay hoping na masuspinde sana ang trabaho, pero ‘di pa rin… lupet! Gamit ang generator na ang kayang patakbuhin lang ay ilaw at mga computer at hindi ang aircon… so, imagine your self working sa isang box, walang bintana, walang aircon — sobrang init! Ganito ang setup namin sa office for almost four days!
Kasagsagan din ni Milenyo, oh my… feeling ko, call center agent ako, phone-in ang karamihan sa mga news dahil walang linya ng kuryente… walang fax, walang email… daldal-encode mode ako na sa tingin ko, isa ring reason kung bakit ako nagka-sore throat.
Knowing myself, kapag sobrang init at feeling ko ay nauubusan ako ng hininga dahil sa sobrang init, at kapag bumahing ako… ‘yun na ‘yun, sign na ‘yun na magkaka-sore throat ako. At kapag nagka-sore throat, sasakit ang ulo ko, at kapag sumakit ang ulo ko, sisipunin ako at kapag sinipon na ako… jarannnnn…. MAY LAGNAT NA SI WENDY!
Though may sakit na ako, the work must go on pa rin… pumasok pa rin ang sister ninyo! Anyway… thank God at mabilis naman akong naka-recover sa lagnat, ‘di na ako nilalagnat ngayon pero inuubo pa rin.
Aside from that… sa kasagsagan din ni Milenyo, that time, nasa loob lang kami ng “box” (office) dahil umuulan sa labas… to break the ice, naglaro na lang kami, anong laro?
Paramihan ng masasabing salita na natatapos sa “tion”… e.g. addiction, convention, multiplication, subtraction at hangga’t may nasasabi pa tuloy ang laro hanggang sa may matirang isa (Haha… ako panalo sa round na ito… yabang!). Kapag may nanalo na, iba naman, words ending in “er,” “ed,” “ness” “ly” at marami pa. Masaya ang laro, nakakatawa, mag-iisip ka talaga! Try din ninyo ‘yung game, kahit dalawa lang kayo puwede.
Naglaro rin kami ng Eat Bulaga’s Pinoy henyo!
Happy Monday!

1 comment:

Anonymous said...

kaya pa ba? baka lalong sumama pakiramdam mo.. di ka pala sanay sa init... baka naman nagpatuyo ka ng pawis wheeew

ingat nalang po..

mukhang ok nga laruin ung sinabi mo ah :)