Wednesday, November 08, 2006

MISTAKES MAKES PERFECT

SHUSHUNGA-SHUNGA KASI KAYA TULOY, NAGKAMALI-MALI NG SINAKYAN.
Ito ang nangyari sa amin ng cousin kong si Jel-Jel kaninang umaga papuntang Baclaran Church. We don’t know what exactly happened to us kung bakit nagkaganu'n… inaantok pa siguro... hehe
May kanya-kanya kaming lakad ni Jel-Jel ngayong araw na ito kaya kagabi pa lang gumawa na kami ng time table…
.
6:00am gigising to prepare our self.
7:00am aalis ng bahay papuntang Baclaran.
8:00am nasa Baclaran Church na.
.
Nasunod naman namin ‘yan. Ang problema, tamang praning… tama bang magkamali kami ng sinakyang LRT at napansin na lang namin na mali ang nasakyan namin nang makarating kami ng Monumento — last station! My goodness… meaning nakarating kami sa dulo at ‘yung station na dapat naming babaan pa-Baclaran ay nasa kabilang dulo pa.
Dinaan na lang namin ni Jel-Jel sa tawa ang nangyari, alangan namang mainis kami. May fault din naman kasi kami, ‘di kami naging aware na dinaraan namin, na sana, bago kami nakarating sa Monumento station ay nakababa na kami at ‘di napalayo nang ganu’n.
.
LESSON: Maging mapagmasid sa daraanan para malaman kung naliligaw na or what!
.
Kahit ganu’n ang nangyari, sira na ‘yung time table namin… tumuloy pa rin kami ng Baclaran Church… mas jahe kapag ‘di kami tumuloy, ‘di ba? Kaya from Monumento, sakay ulit ng LRT papunta naman sa kabilang dulo… WOW, JOYRIDE!!!
Pauwi na kami sakay ng LRT, naaalala pa rin namin ni Jel-Jel ang nangyari and she uttered… “Oks lang magkamali… coz mistakes makes perfect, hindi na tayo magkakamali next time”… tawanan na naman kami.
.
I feel bad… am sick! Nahawa yata ako ni Jel-Jel… rest muna ko.
Anyway… open pa rin naman ang bahay ko, pasyal-pasyal lang kayo!
God speed blogmates!

8 comments:

Anonymous said...

san ba kayo galing? nalayo ng baclaran ah hehhee

baka napasarap kayo sa kwentuhan kaya di namamalayan ang mga stations...

Ann said...

Ok yan , bagong kasabihan yata..hehehe. Buti may kasama ka at tinawanan nyo lang. Pag nag-iisa ka kasi malamang mawala ka pa sa mood.

Anonymous said...

it happened to me too! hay kakaloka,nangyari naman sa akin nagkamali ako ng sakay kasi yung basa ko sa chinese character kala ko dun sa pupuntahan ko yun pala sa ibang ibayo! hahaha buti nalang merong shinning armour to save me always! hehe

JoLoGs QuEeN said...

kung hindi ka maliligaw
d mo matatandaan ung lugar
for sure un (^_^)

Miss Blogger said...

Nangyari na sa akin yan sa MRT naman. Kakamadali para makauwi na at hinahabol ko pa ang Meteor Garden dati, nakarating ako sa may Taft na! E dapat sa Quezon Ave ako hehehe

Ayos lang yan, dagdag adventure in life :)

Wendy said...

Kneeko... Galing kami ng bahay, papuntang Baclaran Church.

'Di kami nagkukuwentuhan... nagbabasa lang ng newspaper... hahaha *nahiya*

o0o

Ann... Nagkamali so next time, 'di na magkakamali... ahihihi. True, nakakawala sa mood kapag naligaw ka, wala kang kasamang tatawa sa kamaliang nagawa. *wink*

o0o

Rho... Oo, mahaba pa lakbayin namin noon... nasa dulong station pa... nyahahah, PEACE.

Thanks gurl... yeah, magpapagaling ako kaagad. *kisses*

o0o

Yorokobee... Naks naman, dumating naman pala knight shinning armour mo kaya oks lang kahit maligaw ka... kaloka talaga kapag ganyan.

o0o

Jologs queen... Yeah, for sure kapag napadpad ka ulit sa lugar kung saan ka naligaw masasabi mo na... "Shaikksss... dito ako naligaw noon." *wink*

o0o

Sasha... F4 fanatic ka pala..a hahaha. 'Yan kamamadali, sa halip na makauwi ng bahay, napatagal pa... hahaha... kakainis ang ganyan gurl.

Anonymous said...

ang sarap ng joy ride nyo, oks naman sa lrt kasi di tulad ng jeep or bus eh mauusukan ka. oks din yun kasi nagkaroon kayo ng time ni jel-jel na mag bonding sa tren :)

Anonymous said...

it really happens, nga lang sa lrt di pwede mag round trip na libre, kailnagan mo bumabaat magbayad ulit, unlike sa mrt or lrt2 pwede ka magpabalikbalik na walang extra na bayad :)