Tuesday, November 07, 2006

INIS

MARAMING ang pumapasok sa utak ko lalo na kapag walang ginagawa at nakatitig lang sa isang bagay na parang ang laaaaaaaaaalim-lalim ng iniisip. Pati ‘yung mga bagay na ayaw maisip, bigla-bigla na lang nagpa-pop.
Okay sana kung ‘yung mga bagay na pumapasok lang sa utak mo ay ‘yung mga bagay na kapag naalala mo ay bigla ka na lang matatawa kahit mag-isa ka na para kang sira ulo.
Oks lang kung ‘yung mga naaalala ko ay noong madulas ako sa may EDSA dahil sa pagmamaganda. O kaya nang magkamali ako sa pagbili ng Cathedral Window sa Goldilocks na sa halip na Cathedral Window, dahil sa kaartehan… Johari Window tuloy ang nasabi ko. O kaya naman ay nung nalaglag ako sa gitna ng jeep dahil bigla itong nag-break. Puwede rin nung nagsasasayaw ako rito sa office with my officemates at ginagaya si Pilita Corales na ‘di ko alam na nakikita pala ng General Manager namin. O kaya naman ay ‘yung pinakaunang pagkakataon na napagalitan ako ng publisher namin na halos tatlong araw akong umiiyak… kapag mga ganito ang naiisip ko, natatawa o nangingiti ako kahit mag-isa.
Pero paano kung ‘yung mga naiisip mo ay ‘yung mga bagay na nakapagpainis sa’yo? Nakakainis… sobra! Tulad ngayon, naisip ko ‘yung dahilan kung bakit ako nalungkot kaya ko nai-post ito. Kapag naiisip ko ito ngayon, naiinis pa rin ako! ‘Yung sa sobrang inis ay kayang-kaya mong makipaglaban kay Darth Vader kahit wala kang lightsaber. At ‘yung inis na gusto mong manugod gamit lahat ng baril ni Lara Croft. Ganu’n ‘yung inis na nararamdaman ko kapag naaalala ko ang bagay na ‘yun… shaiks!
But anyway… am looking forward now na darating din ang araw na ang kapag maiisip ko ang bagay na ito ay tatawa na lang din ako… lilipas din ito, sooner or later! And for the meantime… chill lang muna *wink*

3 comments:

Iskoo said...

tama ka normal yan, nakakainis tlaga sa ngayon pero pasasaan at lilipas din yan, kapag sumagi sa isip mo walang epekto na sayu yun kasi lumipas na ang panahon, kung baga sa sugat naging kalyo na kaya di ka na makakaramdam ng kahit na ano kahit malala mo pa yun.

nakakatuwa naman yung mga experiences mo, yan nalang ang alalahanin mo para matawa ka . cheer-up wendy

Anonymous said...

haha. ganyan talaga. hindi ba't ang saya? hehe

things that make or break you... you make sense of the stuffs that happen to you... cherish the moments. learn from mistakes, laugh about shit. live life. every little thing's a part of it! cheer up! cheers! :)

Wendy said...

Iskoo... yeah right, walang bagay na 'di lumilipas, 'di ba?
Thank you sa comment *smile*

Ralpht... "learn from mistakes," you're absolutely right... coz mistakes makes perfect... huh?!
Thank sa comment *wink*