Wednesday, November 01, 2006

SO SO RED

MATATAKUTIN ako, so… ngayon wala akong kasama sa bahay mamaya rito sa Manila, uuwi na lang ako ng province then balik ng city bukas kasi may pasok (kapagod). Anyway, oks lang din naman kahit umuwi ako ngayon, at least magkikita-kita kaming magpipinsan na ayon sa text ng aking younger sis, ako na lang daw ang wala *wink*
Last night, what do you expect sa mga palabas sa television kapag Halloween, siyempre nakakatakot and because of that, mga cartoons ang pinanood ko dahil matatakutin ako. Sabagay, kahit naman hindi Halloween ay ‘di ako nanonood ng nakakatakot.
Sabi nila, ayaw ng mga ghost sa kulay pula. When I was child, kapag pupumunta kami sa ibang province, laging red ang pinapasuot sa akin kapag matutulog na para ‘wag daw lapitan ng mga ibang elemento.
At dahil ayaw daw ng mga ghost sa kulay red at dahil sa matatakutin ako, hahaha, ako rin, pinagtawanan ko sarili ko nang humarap ako sa salamin kagabi bago matulog, kasi… naka-red shirt ako, red short at red socks… SO SO RED, nyahahaha (Dapat yata nag-red contact lense rin ako para ‘di makapag eye-to-eye sa akin ang multo). Lalo pa akong natawa nang makita ko ang bed… hahaha, October 31 pa lang kasi nagpalit na ako ng pillow case at blanket at ang kulay na ipinalit ko… KULAY RED DIN! Ewan ko lang kapag may ibang elemento pang maglakas loob na lapitan ako… bwahahahaha!
HAPPY HALLOWEEN!
.
o0o
.
Sa post ko doon sa text, may nakakuha ng sagot — si Bistado! And thank you sa lahat ng sumagot. Majority ng sagot, ‘yung elderly woman ang isasakay and even me, nang matanggap ko ang text na ‘yan, unang pumasok sa isip ko na isasakay ang ‘yung lola.
.
Eto ‘yung complete text…
.
Quiz given to 200 applicants for a single job.
Situation: You’re driving along a stormy night. You pass by a bus stop where you see three people waiting.
.
1. Elderly woman who’s about to die.
2. An old friend who once save your life.
3. The perfect mate you’ve been dreaming about.
.
Who would you choose knowing there could only be one passenger in your car?
.
The answer of the one who was hired was
.
I would give my car keys to my friend who was once save my life and let him take the elderly woman to the hospital. Then, I would stay behind and wait for the bus with the person of my dream.

16 comments:

Iskoo said...

alam ko na sekreto para di ako matakot sa muluto, mag susuot ako ng red! thnx

happy halloween :)

cybertimes said...

ingat ka, baka harangin ka ng isang LALAKING MAY PULANG-PULANG MGA MATA, ngiiiiiiii.

Anonymous said...

Sana kinunan mo ng pics yung bed mo na red na red. Parang narinig ko na rin yan dati sa amin.

Eh yung friend ko hindi raw marunong mag drive kaya pala dream man din nya yung guy..hahaha!

Anonymous said...

bwahahaha! bulag yong multo kaya di nya makikita kung naka-red ka or what! basta magmumulto lang siya!!!

hehehe joke lang*wink*

ingatz lagi!

about the hula....ganon nga dapat perfect answer yun! pero diko naisip yun ah! hahaha

Wendy said...

Iskoo... now you know kung ano ang gagawin kapag nag-iisa at iniisip mong baka multuhin... MAG-RED KA! (effective nga kaya ito?)

Cybertimes... Haharangin ako? 'Di bale, magaling ako sa patintero! Maiiwasan ko siya... nyahahahaha

Ann... Oks sana 'yun kaso wala akong cam *ngiti*

'Di ba marunong mag-drive 'yung friend mo? Ipatulak mo na lang 'yung kotse... ahihihi

Yorokobee... Hindi siya magmumulto kasi ayoko! AYOKO... 'DI PUWEDENG MAGMULTO, 'DI AKO READY!... nyahahaha

Anonymous said...

hahaha... parang toro at baka ang multo galit sa red kaya naghahabol ...

lalo kang tinakot! dasal lang panlaban dyan.

JM said...

pang ghost buster pala ang red! ang alam ko lang diyan eh masuwerte daw ang red sabi ng mga chinese.

Wendy said...

Mousey... 'Di na multo 'yun kapag nanghabol, member na 'yun ng akyat-bahay gang... hahaha! *kisses*

Rho... Takot din ba sa kulambo? Naku, wala pa naman kaming kulambo rito sa manila, paano na 'yan? 'Di bale, okay na 'yung mga color red ko sa room.

Juana... Yeah, sabi kasi, happy color 'yung red kaya hate daw ng mga multo. Suwerte na rin 'yun kasi 'di ka lalapitan ng multo kapag naka-red ka, 'di ba? *wink*

Miss Blogger said...

Hahaha

Natawa ako sa sobrang pagka-red mo, Wendy! Ganyan din kami dati nung buhay pa ang mom ko. Dapat daw red ang kumot or blanket para di ka lapitan ng multo. Hehehe

Di ka nood ng horror? Ako kahit duwag nanonood pa rin. Kaya kahit sa banyo lang nai-imagine ko pang meron nakatayo sa likod ko! Hahaha

Wendy said...

Sasha... Ayokong nanonood talaga ng horror movies. Commercial nga lang ng mga horror movies ayokong makita. Sobra akong matatakutin... promise!

Miss Blogger said...

Ahihihi

Cge don't worry di kita tatakutin... pero kung gusto mo na ikwento ko sayo yung Sukob, pwede rin! hahaha joke lang Wendy!

Mare, link kita ha :)

Glenda said...

hehehe..love your posts! they are definitely must-reads... link ex naman...^^

Anonymous said...

ayaw pala ng multo sa pula? sigurado takot sila sa mga adik hehehhe.... adik sa blog hahahha

Wendy said...

Sasha... Hahaha, 'yung sister ko at iba naming mga pinsan pinanood ang Sukob. Pagdating nila sa bahay, kinukuwento nila sa akin... huh... lumabas talaga ako ng room dahil ayokong marinig 'yung kuwento... ang weird no?!

Glenda... Thanks sa pagpasyal sa blog ko. And thank you rin of course sa comment. *beso-beso*

Kneeko... Sabi ayaw ng mga multo sa pula, ewan ko lang din kung totoo. Sa mga adik sa blog... ewan ko rin *wink*

Anonymous said...

hahahaha, why didn't I think about that answer. Guess I'd never be accepted in that company.

Me ,I'm not matatakutin. Infact favorite ko pa nga panoorin ang mga horror movies eh. But I'm a cautious person, and very much afraid of live, bad people. And creepy crawlies!

enjoy!

Kat said...

wha! as in, oo nga naman. ayos ung sagot nya.