HOLY Wednesday night, after office work, umuwi na ako ng Pampanga, two days kasing walang pasok, Holy Thursday at Good Friday. Pero bago umuwi, chill muna sa SM North Edsa, sa Ice Monster with Malaya, Valerie, Tita Linda at Hanne. 9:00pm na when we decided na magsiuwi na dahil Pampanga pa nga ako uuwi, unlike them na dito lang sa Metro.
.
10:30 na ng gabi nang makasakay ako ng bus... may goodness, sobrang siksikan talaga, ordinary bus na nasakyan ko at nakatayo pa ako (shaiks... walang nagpaupo sa akin, ‘di umubra ganda ng lola ninyo). 12:00 midnight na nang makarating ako sa bahay, though gabing-gabi na, 'di naman ako masyadong natakot. Kasi, kapag ganitong okasyon, sa lugar namin, may mga club o samahan sa buong bayan na nagpa-Pabasa at sa amin, may Pabasa rin... Samahang Kapit Bahay-Catholic Youth Club o SKB-CYC.
.
.
10:30 na ng gabi nang makasakay ako ng bus... may goodness, sobrang siksikan talaga, ordinary bus na nasakyan ko at nakatayo pa ako (shaiks... walang nagpaupo sa akin, ‘di umubra ganda ng lola ninyo). 12:00 midnight na nang makarating ako sa bahay, though gabing-gabi na, 'di naman ako masyadong natakot. Kasi, kapag ganitong okasyon, sa lugar namin, may mga club o samahan sa buong bayan na nagpa-Pabasa at sa amin, may Pabasa rin... Samahang Kapit Bahay-Catholic Youth Club o SKB-CYC.
.
Holy Thursday, Bisita Iglesia with the Macabebe Parish Choir o MPC! Ehem... 'di po ako member ng MPC, friends ko sila kaya kasama ko sila sa nasabing Bisita Iglesia... narito ang mga Simbahan na aming pinuntahan.
.
Holy Family Parish Church,
Colgante, Apalit, Pampanga
.
St. Peter Parish Church,
Apalit, Pampanga
.
Holy Rosary Church,
Sto. Domingo, Pampanga
.
Sto. Tomas Parish Church,
San Matias, Pampanga
.
Chancery
City of San Fernando
.
Our Lady of Sorrow Church,
Dolores, City of San Fernando
.
St. Augustine Church,
City of San Fernando
.
Around 11:00pm nang matapos ang aming pagbi-Bisita Iglesia, recharge para sa susunod na activity... THE VIA CRUSIS!
.
12:00 midnight nang mag-start ang Via Crusis, kasama ko pa rin ang mga taga-MPC at around 2:30am na nang makauwi ng bahay. Malayo ang narating ko noong Holy Thursday, pero 'di ko masyadong naramdaman ang pagod, dahil in-offer ko buong sarili ko sa mga activity na ito. And I fell so blessed.
.
Good Friday, procession with the family naman. Malayong lakaran, pero oks lang din... walang reklamo.
.
Black Saturday... may pasok na kami. But after office work, umuwi pa rin ako ng Pampanga, hoping na makahahabol sa SALUBONG... but I failed! Anyway, nakita naman ni Lord ang effort ko para makahabol. Kaya 'yun, sunday morning na ako nagsimba bago bumalik ng city.
.
HAPPY EASTER!
15 comments:
Bigla kong na miss ang bisita iglesia namin dati sa pampanga, dyan sa sn fdo at don bosco pinakamalayong nararating namin, more on dito kami sa kabilang part.
Thanks for sharing these photos.
Happy easter wendy!
kaluguran daka (yun lang talaga ang alam ko, hehe!) .
^uuy nag-reminisce si ann , miss na ang bayan :)
wawa ka naman, hindi ka na pinaupo. so halos 2 hours ka nakatayo.
Ann... Happy Easter 'Te Ann!
'Di pa ako nakarating sa Don Bosco... malayo na sa uuwian namin. Hoping next time na kapag mahaba-haba 'yung oras, sana makarating kami roon.
*kisses for you 'Te Ann*
o0o
Cess... Mommy Cess, happy easter!
Oo nga, mukhang na-miss nga ni Ate Ann ang Lenten Season dito sa 'Pinas.
Oo, mother, walang nagpaupo sa akin... uuwi pa lang ako sacrifice na.
Plan B ko 'yung actually... Bus na pa-Bulacan ang sinakyan ko. Then pagdating ng Bulacan, baba ako at sakay naman ng jeep, pa-Pampanga.
Naku, kung hindi ko gagawin 'yun, baka abutin na ako ng sikat ng araw sa sobrang hirap sumakay.
Happy Easter Mommy Cess... regards to Baby Sandra and Troi!
Hindi ba umubra ang byuti mo, gurl? Hehehe.. Di bale, part na ng penitensya mo yun. Akala ko naman nag-leave ka ng Black Sat kaya nasa Pampanga ka pa when I texted u. Dami mong activities! Sulit ang 2-day vacation mo ano? :)
Happy Tuesday, Wends!
Sasha... Wa epek girl... hahaha!
Nung mag-text ka last Saturday, paalis na ako nun ng bahay, papasok sa office. Then kinagabihan, uwi ulit ng Pampanga. *wink*
Miss you!
belated happy easter,Wendy gurl!iba talaga pag nasa pinas ka,feel na feel mo yung ganitong klaseng okasyon.di gaya dito,di uso yan eh,attend ka lang ng mass,then party sa eater sunday after the mass pa rin :)
di ko naranasan ang mag bisita iglesia sa ibat ibang church..ilan lang yata?
anyways,im glad at nakapag relax ka rin nmn pala..easter holidays are really blessings ano? :)
Ghee... Yeah, nakapagpahinga pa rin, 'yun nga lang bitin. 'Yung iba kong mga pinsan ang haba ng bakasyon nila... kainggit!
Hoping na sana ma-experience mo rin ang pagbi-Bisita Iglesia... so galing, promise!
balu mu kabalen daka pala! taga telacsan ku mu, malapit sa colgante apalit pampanga.
ayos na ayos naman pala ang 2 day vacation mo! ang gaganda nung mga simabahan!
belated happy easter sa'yo te! wish ko lang nasa pinas ako para nararanasan ko rin yang mga ganyan, dito kasi ala masyado activities!! hehehe!
Iskoo... What a small world?
Baka naman nakasakay na kita one time sa jeep, 'di ko lang alam... naks naman!
o0o
Rho... Ayyyy, pareho kayo ni Ghee... hoping na para sa'yo na sana maranasan din ang pagbi-Bisita Iglesia... so nice and so galing talaga... Ingat there!
yung mga lugar na sinabi mo naririnig ko lang yan sa tatay ko. may isang simbahan na narating ko na dyan sa san fernando. kapampangan ang misa.
Mousey... Dapat last Chruch na pupuntahan namin sa Cathedral nga... sobrang traffic, kung sisige kami, 'di kami aabot sa Via Crusis ng 12midnight... kaya 'yun, sa San Agustine 'yung last namin.
ganda ng mga pics.. ui.. miss na kita.. belated happy easter.. :)
malapit lang bahay namin sa SM NOrth Edsa, maraming sakayan ng Apalit doon diba?
Cruise... meron nga. Dati, doon ako sumasakay, pero ngayon, mas oks kung sa Muñoz ako sasakay... 'di ako nasisiksikan.
I see, malapit lang pala ikaw sa SM North.
Post a Comment