Monday, October 10, 2005

MY FIRST TAG

FOR the very first time... after a long long long month dito sa blogspot... na-tag ako! Tag ako ni Malaya... anyway... parte yata ang "tag-tag" na ito ng cybercitizenship kaya 'to na sagot ko sa tag mo...
.
1. It is really bad to stare? / Masama ba talagang tumitig?
Hindi naman masamang tumitig... siguro nagiging masama lang ang tumitig kapag tumitig sa mga hindi dapat titigan... gets?

  • Kung kaya ka nakatitig sa isang bagay o tao dahil nagagandahan ka... oks lang tumitig!
  • Kung kaya ka nakatitig sa isang bagay ay dahil malalim ang iniisip mo... oks lang ang tumitig!
  • Kung kaya ka nakatitig sa isang bagay dahil na-amaze o na-curious ka... oks lang ang tumitig!

PERO

  • Kung ang tinititigan mo ay ang mga kasakay mo na nagpi-PDA... masama ang tumitig.
  • Kung makatitig ka na parang huhubaran mo ang taong kaharap mo... masama ang tumitig.

Oks na ba ang sagot ko sa 1st question? Sana...

2. Do you have a favorite song? / May paborito ka bang kanta?
Oo marami... ilan dito ang Superman ng Five for Fighting, Is There Something ni Cristopher Cross at I Don't Wanna Miss A Thing ng Aerosmith.

3. Tag 7 peeps / Tag ang pitong tao.
Anne (Many Wonders of my life)
Jack (Jack's Blog)
Janice (The Creature)
Karen (Ponkanita)
Carmi (Kablogan Ko)
Lenix (Lenixevolution)
Marlon (Lonsky)

No comments: