Sunday, October 23, 2005

OH BOY, WHAT WENT WRONG?!

Last night, attend kaming mag-o-officemate ng SMB Oktoberfest at EDSA Central. But before that, first week pa lang ng October, check na namin dito over the net ng sked kung sinu-sino ang mga banda ang magpe-perform para sa Oktoberfest sa iba't ibang location. Upon checking the sked and the bands, it was so loud and clear na si NYOY VOLANTE ang magpe-perform sa EDSA Central sa October 22 which is yesterday and that's why, I told my officemates na kung a-attend kami ng Octoberfest, October 22 na lang kami pupunta at sa EDSA Central kami and they have no rights to say NO! (ang tapang!). And I don't know what went wrong, naduling ba ako or namalik-mata ba ako nang tumitingin ako sa sked ng SMB Oktoberfest na nasa net or what... why? Continue reading...
Dumating ang October 22 and I was soooooooo excited. I told my self na yes, for the second time around, makikita ko ulit si NYOY VOLANTE... I dooooo really like/love this guy... yes... am a big fan of him. Around six in the evening when I texted Jenny that am already fixing my self... from head to toe... hahaha... pinaghandaan ko talaga... from my dangling earings, my bracelets, my "diamond" hairpin, the plunging blouse, the jeans that really fits me, the shoes na ka-shade ng blouse ko and even my bag... so san ka pa?! In short... I do really really look good that night... i feel very pretty... echos!
About 8:30 nang umalis kami ng office, me, Jen and her friend Ryza, Talen, Fhaye and Tita Linda. MRT pa lang, kita na ng mga kasama ko ang excitement sa mga ngiti ko. Bibiruan pa kami na relax lang daw ako kapag nakita ko si Nyoy, 'wag daw akong magtatago and the stuffs. And... and... Jenny told me na 'wag akong masyadong ma-excite baka raw kasi pagdating ko roon ay madismaya ako dahil wala si Nyoy. Moving forward... nasa EDSA Central na kami and all I know talaga ay si Nyoy ang magpe-perform doon, that's why I asked the guy na um-assist sa amin na bigyan kami ng magandang pwesto sa harapan at ang ganda nga naman talaga ng pwesto namin.
Heto na… hindi pa kami nakakaupo nang sabihin ng host kung sino ang magpe-perform… Silver, Mylk, Rocksteddy and Cueshe. After kong marinig ‘yun, isa lang ang nasabi ko, “NASAAN SI NYOY?” I really can’t help my self, I asked the host kung sino ba talaga ang magpe-perform then he showed me the list na hawak niya… at hindi ako makapaniwala na wala nga si Nyoy… Grrrrr... UUWI AKONG LUHAAN! Even my officemate/friend Fhaye, nagtanong din siya at sabi sa kanya, baka raw nasa Blue Wave. Kung hindi lang siguro kami naka-order ay baka nagpilit ako na pumunta kami ng Blue Wave. Pissed off talaga ako, wherein tawa naman nang tawa ang mga kasama ko, kasi nga naman kita nila kung gaano ako ka-excited na makita si Nyoy then wala siya. Ang saya-saya nila, kasi gusto nila ang Cueshe na isa sa mga magpe-perform. Pissed off... Blue Wave... Blue Wave and Blue Wave... you know what, I was blah blah blah night... grrrrr. sana...
Anyway... nandoon na rin lang kami, sayang naman ang "effort" kung uuwi na lang kami dahil wala lang si Nyoy. Magaling din naman ang mga banda kagabi, pero mas masaya sana ako kung si Nyoy Volante ang nasa EDSA Central kagabi. Whew... nandun na nga kami, we have to enjoy the night kahit disappointed ako, basta, on my birthday na lang... I make it sure na makita ko si Nyoy. At dahil nga nandoon na kami, we have to enjoy the night nga, enjoy the bands, enjoy the music, enjoy the food, enjoy the beer, enjoy the crowd and enjoy. Anyway... Oks ang pagkakakanta ng Cueshe sa song na RADIO GAGA kung 'yun nga ang title ng song na 'yon... hehehe. Bait din nila kasi nakapag-papiture kami. Check our other pix! 'Yung ibang bands na oks din naman 'yung performance nila, sorry 'di namin sila nakunan ng picture kasi, nag-aasaran pa kami kasi nga na-disappoint ako dahil wala si Nyoy, kasi talagang akala ko siya ang nandoon.

6 comments:

Inya said...

eto lang masasabi KO
WAHAHAHAHA! AKO ANG HAPI KAGABI! THAT WAS MY NIGHT!
UNEXPECTED TALAGA! WOHOOOO!

SORRY FRIEND, PERO HINDI KAYO ITINADHANA NI NYOY KAGABI...HEHEHE.

PUNTA TAYO SA KAYE RYAN'S
AWIT NA AWIT NA KO EH!

kukote said...

blue wave... blue wave...

wala lang =)

Flex J! said...

Fans ka rin pala ni Nyoy! pareho tayo..Great Dude!

Wendy said...

Yes flex j... pareho tayong fan ni Nyoy... every Wednesday yata ay may gig siya sa baga berde, sa may Pasig. :D Punta tayo!

lws said...

mahilig ka din pala sa mga acoustic gusto ko din si nyoy halos sila sila nina paolo s.

di bale next yr oktober fest ulih abangan mo ulih siya:)have a great day.at God bless din sa'yo.salamat sa pagsasabi mo din ng God bless binabalik ko din ang blessings din sa'yo dahil karapatdapat din sa'yo.thank's ha:)

velvet said...

hi wendy,

hindi ako makapost sa tagboard mo. anyway, naka-link kana sa bahay ko.