Tuesday, December 27, 2005

TIME OUT

TIME out muna ako sa ginagawa ko… gusto ko lang sabihin ‘to…
My goodness… Ano ba? ‘Di ko alam kung anong trip meron sa araw na ito. Tahimik ako kanina, aaminin ko na sumasagi ka isip ko, then out of the blue, 'di ko talaga inaasahan, nag-buzz ka, sinagot ko, kinumusta ka, sumagot ka naman, pero iilang salita lang.
Pinilit kong gumawa ng conversation pero bigla kang nawala… huh?! Nag-text ako, ‘di ka naman sumasagot… bakit kaya... ummmm...
10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1 enggggg... tapos ko na ang post na ito ‘di ka pa rin sumasagot… tawagan na kaya kita? ‘Wag na lang, baka mapahiya ako!
Isipin ko na lang na kaya 'di ka na sumagot ay dahil;
a. May iba kang kausap as in importanteng kausap
b. Naubusan ka ng Internet Card
c. Biglang nag-brown out sa inyo
d. Kaya 'di ka nag-text dahil naubusan ka ng load o sadyang tinamad ka
Ah whatever!
‘Yun lang… back to work na ako…

No comments: