Thursday, September 21, 2006

PASS-IT-ON EMAIL

FEW weeks ago, nakatanggap ako ng email (siguro may nakatanggap na rin sa inyo ng email na ito) at sabi sa email, the system is getting too crowded daw, we need daw to forward the email to at least 20 people in able for them to find out which users daw are actually using their account. Kapag daw ‘di nai-send ‘yung email to at least 20 members, they will delete your account.
Hindi ko pinasa ‘yung email, dahil ‘di ako naniniwala. Kung totoo man, i-delete nila account ko, tapos gagawa na lang ako ng bago, da ba?! Pero sa tagal ng mga araw na lumipas, wala pa rin namang nangyayari sa account ko.
Bakit ‘di ako naniwala sa email?
Una… kapag ina-upgrade yung system, once na in-open mo ‘yung site, laging may advisory na ina-upgrade nila ito at nagso-sorry sila for inconvenience. At bakit sila mag-a-upgrade? Siyempre, para ma-accommodate nila ang dumaraming bilang ng mga members nito, da ba?
Pangalawa… they want to know daw which users are actually using their account. May goodness, naire-record nga ng system kung kailan huling nag-login ‘yung user, paanong ‘di nila malalaman kung sinu-sino ang gumagamit ng account… hmmm? Pati nga kapag may nag-a-update ng blog, nagagawa nilang itong ipagbigay-info, tapos para malaman lang kung sino ‘yung mga gumagamit ng account ay idaraan pa sa “pass-it-on email?”
Pangatlo… kapag may bagong feature yung system, ini-info nila mismo through email ‘yung mga members nito. So, bakit pa nila idaraan sa “email to at least 20 members” ang information na they want to know which users are actually using their accounts… da ba? Puwede namang i-email nila mismo ‘yung members nito, ‘da ba?
Anyway… twice kong na-received ‘yung email na ‘yun (mula sa magkaibang tao) pero parehong ‘di ko ginawa, and thankful ako dahil hanggang ngayon, active pa rin ang account ng sister ninyo.
If ever na totoo nga ‘yung email na ‘yun at after kong i-post ito ay bigla ngang na-delete ‘yung account ko… I’ll let you know ('wag lang sanang ma-hack ang account ko at biglang i-delete).
Regarding “chain” pa rin, uso rati ‘yung chain letter, tapos chain email (nagpo-forward din naman ako though 'di ako naniniwala). Ngayon, pati sa text mayroon na rin at madalas akong makatanggap, though I know na ‘yung iba, they don’t mean naman siguro ‘yung ipinapadala nila, probably, way din nila para ipaalala or magparamdam that they’re still there.
There was this incident na nakatanggap ako ng text saying mamamatay daw ako kapag ‘di ko nai-send ‘yun sa ibang tao. Napa-nyi ako nang matanggap ko ‘yun kasi, that time, I was sick… umabot ng 40 degrees ‘yung lagnat ko. Whewww… tapos nakatanggap pa ako ng text na mamamatay kapag ‘di pinasa ‘yung text.
Anway… ‘di ko ipinasa ‘yung text (and until now, am still breathing pa naman ang thank God). What is the connection of that text to my existence? ‘Di ko ma-gets ang logic! Nang dumating ako sa mundo, wala namang nag-text sa mother ko na nagsasabing ipapanganak niya ako at pagkatapos, through text din malalaman kung mamamatay na ako or whatever.
Hanggang dito na lang itong post na ‘to, wala na kasi akong idea kung paano ito tatapusin… hehe… see yah!

13 comments:

JM said...

ang tawag dyan hoax o hocus pocus lamang walang katuturan kaya sa basurahan lang ito nababagay.

Iskoo said...

di na ako masyadong pumapatol sa mga emails na parang chain letter, hehe. di naman totoo yun, ako di ne lete ko lang wala namang nangyayari sa akin ;)

Wendy said...

Juana... Yeah, tama ka... sa trash lang dapat, 'di nakakatuwa kasi minsan eh, da ba?

Iskoo... Thanks for dropping by ulit. Thanks sa comment and you're right, 'di nga dapat patulan 'yung mga walang kakuwenta-kuwenta.

Anonymous said...

madami tlagang spam email...kaya your right! just ignore it.
me too i dont believe sa mga chain emails nayan, just a waste of sending charge pag-ipapasa mo sa kung ilang tao yong sinabing rules hehehe*wink*

how are you WEndy? L0L nahuli daw ba ang pagbati! hehe
anyway bcoz namiss din kita here
is a big *HUUGGZZZ* and kisses *mwaah*,*mwaaaH*,*mwaah*

Wendy said...

Yorokobeeeee... Miss ko rin ikaw, miss ko mga post mo... my goodness ang tagal mo nawala. Ang tagal kong 'di nakita ang name na "yorokobee" sa shoutbox at comment box ko.
Thanks sa comment and so glad na nagbalik ka na sa blogword... weebee yorokobee!

Anonymous said...

chain letters are highly being discouraged sa company email, pwede mag clogg ang system pero wala naman masyadong basis ang sinasabi ng mga chain letters :)

Wendy said...

Cruise... happy Sunday (though naiinip at inaantok ako sa trabaho). Thanks for the comment!

Anonymous said...

Kanina naman may pumasok sa celpone ko na nanalo daw ako ng P800,000..wow! Tawagan ko raw yung number na yun. Ibang raket naman .

Wendy said...

Ann... My goodness! Isipin mo nga naman, hanggang diyan pala umaabot ang ganyang racket?
Nakakatawa... nangyari rin sa akin 'yan, may nag-text din na nanalo raw ako ng P500 load, sinong 'di matatawa, nanalo ako ng load e wala naman akong sinasalihang raffle at 'di naman ako naglo-load.
Meron pa... 'yung "pasaload." Nanalo rin daw ako ng P500 load. Ang gagawin ko lang daw ay i-type ang 500 then i-send ko sa number niya at palitan ng 2 ang 0 then yung 10 digit number niya... e, may tama pala siya eh, 'di naman ako ignorante para 'di malaman na nagpapa-pasaload lang siya. Hay naku talaga!
Anyway... happy Sunday 'te Ann.

Anonymous said...

ignore mo na lang mga ganyan....

Wendy said...

Kneeko... Happy Monday!
yeah you're right... i-ignore na lang ang mga ganu'ng trip.

Mmy-Lei said...

kapag nakaka-receive ako ng forwarded emails at alam kong walang kwento, delete ko agad!

nadali na kasi ako dati ng trojan virus jan sa email na yan eh!

Wendy said...

Mmy lei... 'Yung mga chain email minsan ay may kasamang virus, kaya dapat, delete agad at 'wag bubuksan.
Trojan virus, 'di ko matandaan kung ako o 'yung officemate ko ang nadale ng virus na 'yan. Anyway... thanks sa comment... Happy Monday!