PINALITAN ko ang background music ng blog ko, from I'll Be Over You ng Toto to Kiss from A Rose by Seal "you remain my power, my pleasure, my pain... baby," line from the song. Pinalitan ko rin ang background nito ng roses... but, masyadong gurly so I decided na ibalik na lang sa dating background... guitar!
Anyway... happy weekend! But what-a-week for me, why? Dahil maraming pagkakataon ng linggong ito na badtrip ako. May times na sa sobrang badtrip, parang gusto kong manapak nang walang kaabug-abog. Naroon din 'yung kapapasok ko lang sa office, sa sobrang badtrip, parang gusto kong bitbitin na lang ulit ang bag ko at lumabas na lang, umuwi at matulog. May pagkakataon din na sa sobrang badtrip, tinatamad akong magtrabaho... whewww! Pero 'di ko ginawa ang mga ito, responsable kasi ako sa trabaho (naks!).
Nabanggit o nai-post ko na rati na nadagdagan ang workload ko... trabaho ng dalawang tao ang hawak ko ngayon (suicide?) 'Di naman, naha-handle naman, hangga't kaya, go lang! 'Di tulad ng iba riyan na reklamador at kulang sa sistema!
Nabanggit o nai-post ko na rati na nadagdagan ang workload ko... trabaho ng dalawang tao ang hawak ko ngayon (suicide?) 'Di naman, naha-handle naman, hangga't kaya, go lang! 'Di tulad ng iba riyan na reklamador at kulang sa sistema!
Moving forward... uuwi na lang ako ngayon, bigla pang nag-iba ang twist ng mundo... a great ball of fire came down from the sky!!! (lupet). Nagkaroon ng aberya ang pag-uwi ko at regarding ito sa work, wherein I need to verify some stuffs and though na-verify naman, but still, dala ko pa rin ito hanggang sa pagtulog mamaya... pang-insomnia ba... I mean, 'di ako makakatulog kakaisip nito at 'di ito titigil na iikot sa utak ko kahit nanonood ako ng TV. 'Di ito mawawala hangga't 'di dumarating ang bukas, at saka pa lang ako makakahinga ng hayyyyy.... maluwag!
But anyway, despite of these kinds of incidents, thankful pa rin ako because am still breathing *smile*
O siya siya... happy weekend ulit!
7 comments:
Tama! Be thankful sa lahat nang dumarating sa buhay, blessings or trials man yan, dyan tayo tumitibay. Happy weekend!
toxic talaga ang work, hehe. lalo na kung sobrang dami ng workload. kausapin mo amo mo sabihin mo magdagdag ng tao, hehe
Ann... Thank you sa pagdalaw!
Yeah, right... be thankful sa lahat ng dumarating and keep on smilin' siyempre... :-)
Kolletzki... Toxic kapag pine-pressure ka sa work... pero kung hindi naman, wala lang, easy-easy lang... makukuha sa chill *wink*
ayan nakakapagcomment na kaming mga 'OTHERS' hehehe..
hapi sunday po...nakalimutan ko na sasabihin ko kahapon eh wheew
Kneeko... Nakalimutan mo ba? Ngek... nasa chat box kaya. If you don't mind sige, lipat mo na lang sa comment box... hahaha... joke lang! Salamat sa pagdaan...
yeah! agree with Ann said...
to have a job is a thing to celebrate life everyday, kasi marami dyan they want to work pero wlang mahanap!
enjoy your busy week!
Yorokobee... Thanks for droppin' by! You're right! Chill lang ng chill kahit pine-pressure, smile lang ng smile... :-)
Post a Comment