Sunday, January 28, 2007

SO TIRED...

Am tired... absolutely I am! And probably not only me, but also my officemates. Imagine your self working seven days a week, from 10:00am to 7:00pm and sometimes (gaano kadalas ang sometimes na 'yan?) 'till 8:00pm... ka-stress, 'di ba?
.
We're so so so busy here in the office this past week, kulang kasi kami sa tao kaya 'yun, work kung work talaga... and last Friday, naningil siguro katawan ko sa sobrang pagod na naranasan nitong nagdaang linggo.
.
Last Friday... a very exhausted day, so tired, promise! Oks lang sana kung physically tired, puwedeng ipahinga ang katawan mo. Pero hindi kapag mentally tired ka, tapos, nasa trabaho ka... ang hirap! Ito ang nangyari sa akin last Friday... I hate it! 'Yung tipong 'di mo alam kung ano ang masakit sa'yo at 'di mo na maintindihan ang sinasabi ng mga kasama mo na pati ang one plus one ay 'di mo na masagot. 'Yung tipong punumpuno na ang utak mo pero ang dami pang ipinapasok... kung may screen lang ako sa noo, malamang nag-appear na ang "NO MORE SPACE FOR NEW TASKS." Dumugo talaga utak ko last Friday at mangiyak-ngiyak ako. I was at the layout section discussing something na 'di ko naman ma-absorb, my goodness, ang hirap... nasabi ko na lang in a high pitch voice... "ayoko na... uuwi na ko." Pero 'di pa rin ako umuwi... nagtrabaho pa rin ako... hehehe!
.
Gustuhin ko mang tawagan si Sasha gurl that day para may makausap na iba ang nature ng trabaho sa trabaho ko, to set aside kahit sandali lang ang mga bagay na tumatalun-talon sa utak ko regarding my work. Pero naisip ko naman, baka lumalangoy din siya sa dami ng trabaho at makaistorbo ako. So what I did, bumaba na lang at tumambay muna sa canteen at uminom ng malamig na chocolate drink... habang pina-ponder ang madalas sabihin sa akin ng daddy ko kapag nakikita niya akong nakasimangot dahil sa pagod... "anak, 'wag mong abusuhin sarili mo, magpahinga ka."
.
Arrggghhh... I REALLY WANT TO GIVE MY SELF A BREAK... WHEN? ASAP? Arrggghhh... I DON'T KNOW!!!
.
Well... *deep breath* tomorrow, another working week na naman... at malayu-layo pa ang Friday, am hoping na 'wag ko ng maranasan (keep my fingers cross) 'yung naranasan ko last Friday... my goodness... please no!
.
Anyway... Happy Sunday to all!

Tuesday, January 23, 2007

MY ONE AND ONLY PINOY POP SUPERSTAR!

I love music and I love singing... but I don't have the voice for it... pero oks lang, I can dance naman... naks! And I admire people who have talent for singing... really!
I love Nyoy Volante's voice, so beautiful and relaxing. Aminado ko na crush ko talaga si Nyoy, makita ko lang siya sa TV, oks na ko.
.
May isa pa akong ina-admire when it comes to singing. Napaka-angelic ng boses ng batang 'to, sarap pakinggan... promise! Who is he?
MY ONE AND ONLY PINOY POPSUPERSTAR... Harry Santos!
.
Harry Joseph Santos ang buong pangalan niya. Una ko siyang nakita sa Pinoy Popsupertar Season 1 ng GMA 7. Contender siya ni Brenan Espartinez, but sad to say... natalo siya that time and I thought 'di ko na siya makikita at 'di ko na maririnig ang boses niya. Pero, if am not mistaken, nagkaroon ng callback ang Pinoy Pop at isa siya sa mga natawagan para bumalik para sa season 2 at nakapasok nga siya para sa Pinoy Popsuperstar Season 2 and this time, umabot siya hanggang finals.
.
My goodness... mula noon, lagi ko na siyang inaabangan sa SOP (variety show sa GMA 7) at SIS (talk show sa GMA 7) na kung saan, madalas siyang mag-guest at favorite rin siya ni Janice De Belen.
.
Pati story ng buhay niya sa Magpakailanman... hehe... pinanood ko rin *wink.*
'Di sinasadyang nagkaroon din ako ng chance makita si Harry Santos nang personal nang minsang mag-show ang finalist ng PPS S2 sa SM North Edsa at fortunately, nandoon kaming mag-o-officemate. My goodness... papasok pa lang kami ng mall nang marinig ko ang boses niya at sabi ko sa mga kasama ko... "si Harry 'yan!" At 'di nga ako nagkamali. Hahaha... nakipagsisikan pa ako sa mga tao that night makita lang siya.
.
Dumating ang finals ng Pinoy Popsuperstar Season 2... *sigh*... hindi siya ang nanalo. Pero oks lang... crush ko pa rin siya at magkaroon lang siya ng album, bibili ako. 'Di man siya nanalo sa Pinoy Popsuperstar Season 2, well... siya pa rin ang aking ONE AND ONLY PINOY POPSUPERSTAR!
.
Check his video and listen to his angelic voice...

Thursday, January 18, 2007

FRIENDSHIP...

(Taken last January 15, 2007... Ann's farewell party)
.
A friend will be there for you when things are good... but a TRUE FRIEND will be there for you when things are good and also when things are very bad... and just when it feels like you will never smile again... she can put a smile on your face with just with a hug!

Sunday, January 14, 2007

THE GIFT, THE BLOGGER AND THE TAG

To Ate Ann, Kd and to their three Apples...
Thank you sa gift...
More blessings to come and God speed!
.
o0o
.
Isang gabi, may dumalaw dito sa aming opisina.
Isa siyang blogista... dala niya ay saya sami ni Malaya.
May dala pang padala galing kina Santa.
Mabait siya talaga, at 'di siya suplada.
Nang siya ay makita, may ngiti na siya sa labi.
'Wag kang mag-alala, makikita mo rin siya.
O, ano kilala mo na ba siya?
Kung hindi pa... kilalanin mo na siya.
Teka, sino ba siya?
.
o0o
.
First tag ko ngayong 2007... dahil love ko ang nag-tag sa akin, kahit medyo nahirapan ako... go pa rin ako at tinapos.
.
TEN THINGS I WOULD NEVER DO (AGAIN)
.
1. Hindi na ako iinom ng gin.
*** Allergic kasi ako! Super pantal ang inabot ko noon nang uminom ako ng gin! Ayoko nang maranasan pa ang naramdaman ko that time kaya 'di na ako ulit iinom ng gin.
.
2. Hindi na ako maglalaro ng kunwa-kunwariang Bioman na tatalon sa pader habang sumisigaw ng "red one, green two, blue three, yellow four, pink five, bio team fight... bioman!"
*** Malaki na kasi ako, nakakahiya na, baka kapag may nakakita pa sa akin, isipin may konti ako.
.
3. Hindi ko na papuputol ang buhok ko everytime na inis na inis na inis ako.
*** Papuputol ko na lang siya kapag may split ends na at kapag gusto ko ng bagong hair cut.
.
4. Hindi na ako male-late ng isang oras sa pagpasok sa office. (Minutes na lang... ahihihi)
*** Last month ng 2006 at 1st and 2nd week ng January 2007... my goodness, ang dami kong late na tig-iisang isang oras. Nyaiiii...
.
5. Hindi na ako magbabasa sa isang lugar na insufficient ang ilaw.
*** Feeling ko ngayon... konti na lang ay masisira na ang mga mata ko kababasa sa lugar na medyo madilim.
.
6. Hindi na laging "oo" ang isasagot ko kapag may hinihinging pabor sa akin.
*** Pipilitin kong humindi naman paminsan-minsan lalo na kung oks lang naman. Minsan kasi, kahit ayoko, oo pa rin ako nang oo. I found out na sa kao-oo, there are some instances na naba-bypass ko ang sarili kong kasiyahan.
.
7. Hindi ko na hahayaang abusuhin ng iba ang kabaitang mayroon ako.
*** *Smile*
.
8. Hindi na ako maiinis kapag may medyo may napapatagal ang tingin sa akin.
*** Sinisimangutan ko kasi ang mga medyo napapatagal ang tingin sa akin, reason kung bakit ako napagkakamalang mataray. Ayokong mapagkamalan nilang mataray kaya sige, 'di na ako maiinis kapag ay medyo tumatagal ang tingin sa akin.
.
9. Same as Sasha... Hindi na ako mag-a-add sa friendster ng hindi ko kilala or hindi ako interesadong kilalanin siya.
*** *wink*
.
10. Same as Sasha gurl again... I will never ever again assume that I love someone just because I like the person's personality.
*** *wink*
.
Happy Sunday!
.
Note: Pasensiya na kung 'di ako madalas makapag-update. Gustuhin ko man, ang bagal pa kasi ng net... wink

Sunday, January 07, 2007

FIRST POST FOR 2007

SA wakas, nakapag-post din!!!
Ito ang first post ko ngayong 2007. Mag-a-update sana ako first day of January para makapag-Happy New Year... my goodness... 'di ko nagawa. Pahirapan kasi ang pagla-login. Dahil sa yata sa nangyaring lindol sa Taiwan kung saan naapektuhan ang net, kaya 'yun, ang hirap mag-sign in.
.
Anyway... Tapos na first week ng January 2007, but still... I want to greet everybody HAPPY NEW YEAR! Daming naranasan ng 'Pinas, lalo na noong last quarter ng 2006. I hope and pray na ngayong 2007, makabawi na ito at dire-diretso na sa pagbangon. *wink*
.
Happy New Year blog-friends!