Sunday, January 28, 2007

SO TIRED...

Am tired... absolutely I am! And probably not only me, but also my officemates. Imagine your self working seven days a week, from 10:00am to 7:00pm and sometimes (gaano kadalas ang sometimes na 'yan?) 'till 8:00pm... ka-stress, 'di ba?
.
We're so so so busy here in the office this past week, kulang kasi kami sa tao kaya 'yun, work kung work talaga... and last Friday, naningil siguro katawan ko sa sobrang pagod na naranasan nitong nagdaang linggo.
.
Last Friday... a very exhausted day, so tired, promise! Oks lang sana kung physically tired, puwedeng ipahinga ang katawan mo. Pero hindi kapag mentally tired ka, tapos, nasa trabaho ka... ang hirap! Ito ang nangyari sa akin last Friday... I hate it! 'Yung tipong 'di mo alam kung ano ang masakit sa'yo at 'di mo na maintindihan ang sinasabi ng mga kasama mo na pati ang one plus one ay 'di mo na masagot. 'Yung tipong punumpuno na ang utak mo pero ang dami pang ipinapasok... kung may screen lang ako sa noo, malamang nag-appear na ang "NO MORE SPACE FOR NEW TASKS." Dumugo talaga utak ko last Friday at mangiyak-ngiyak ako. I was at the layout section discussing something na 'di ko naman ma-absorb, my goodness, ang hirap... nasabi ko na lang in a high pitch voice... "ayoko na... uuwi na ko." Pero 'di pa rin ako umuwi... nagtrabaho pa rin ako... hehehe!
.
Gustuhin ko mang tawagan si Sasha gurl that day para may makausap na iba ang nature ng trabaho sa trabaho ko, to set aside kahit sandali lang ang mga bagay na tumatalun-talon sa utak ko regarding my work. Pero naisip ko naman, baka lumalangoy din siya sa dami ng trabaho at makaistorbo ako. So what I did, bumaba na lang at tumambay muna sa canteen at uminom ng malamig na chocolate drink... habang pina-ponder ang madalas sabihin sa akin ng daddy ko kapag nakikita niya akong nakasimangot dahil sa pagod... "anak, 'wag mong abusuhin sarili mo, magpahinga ka."
.
Arrggghhh... I REALLY WANT TO GIVE MY SELF A BREAK... WHEN? ASAP? Arrggghhh... I DON'T KNOW!!!
.
Well... *deep breath* tomorrow, another working week na naman... at malayu-layo pa ang Friday, am hoping na 'wag ko ng maranasan (keep my fingers cross) 'yung naranasan ko last Friday... my goodness... please no!
.
Anyway... Happy Sunday to all!

15 comments:

Anonymous said...

isagaw mo lang yan! pampatanggal ng stress.

cess said...

a perfect opportunity for a spa-break... sana nga lang may oras ka :)

Anonymous said...

Sa susunod kasi mare, wag ng mag-atubiling tumawag sa akin ok? Ayos lang ako :) Dinaraanan ko yan madalas. Si kuya naman ang iniistorbo ko nga hehehe... Basta next time if you need someone to talk to, just call me. You know my number naman :)

And just like what I've told you sa text, a 7-day workweek for 4 years is just too damn much! Take a break! (Have a kitkat! Hehehe) Wala ka pang pamilya, mare kaya pwede ka pang mag-isip ng ibang options. And think of those options while you still can.

God bless! And remember, I'm just one call/text away... Labyu, mare!

Anonymous said...

take a break!!! wends. oo nga naman daig mo ang pamilyado, sabagay...sometimes it's not the pay but sa dedication mo sa work. hmm, but of course you deserve a break. Take care of your health kasi kapag iyon ang bumigay mas lalong mahirap. Oks ba?...kung me magic lang ako bibigyan kita ng powers! hehe...just making you laugh ah, *hugs*

Anonymous said...

Kung pwede nga lang kitang payuhan ng "get married and be a stay-home-mom." Naranasan ko rin kasing ma pressured sa trabaho kaya kita ko yung difference ng walang inaalala kundi yung lulutuin ko mamayang pagdating ni kd at mga kids.

Anonymous said...

kaya ate, ipahinga mo naman yang sarili mo!! cool ka lang.. yaan pa nga yang trabahong yan!!

ito ang laging sinasabi ng supervisor ko sa akin... "don't let your work rule you" kung hinde e baka magtu-tumbling-tumbling na ako dito!! kaloka yan..

ito ang hug ko para sayo... mwuahugggggzzz! God bless te!

Anonymous said...

take a break Wnedy, you need it, we actually need it. syiempre napapagod din at kailngan mag recharge both yung body and mental natin :)

Wendy said...

Juana... 'Yan ang gusto kong gawin Mama Juana. kaso baka kapag ginawa ko rito sa city, isipin ng mga makarinig ay nag-aamok ako. *wink*

o0o

Cess... Mommy Cess, masarap ngang magpa-Spa... 'yun nga lang, ang oras naman. Kung puwede lang makabili ng oras para magkaoras na makapagpa-Spa... bibili ako... ahihihi...

o0o

Sasha... Yeah gurl... I need KitKat... hahaha. Thank gurl!!! O sige next time, 'wag kang magugulat kung may biglang may magngangawa sa'yo sa telepono... hahaha...

o0o

Nona... Gurl, I need a break... am gonna give my self a break once na nakumpleto kami ng tao rito sa office...
MAGSU-SWIMMING AKO!!!

o0o

Ann... Gusto kitang yakapin Ate Ann sa sinabi mo... *mwah*

*Thinking* "Kanino kaya ako magpapakasal?" Hahaha...

Am looking forward na time will come, tulad mo na rin ako (full time Mom) na wala ng iniintindi pang mga paperworks sa office... *wink*

o0o

Rho... *kisses for you Rhoanne*
Am gonna give my self a break, promise! Magsu-swimming talaga ako!

o0o

Iskoo... Kailangan mo na rin ba ng KitKat (break)? Whewww... buti ka pa yata, may isang araw na walang pasok... magagawa mo, ako... looking for a perfect time pa! *wink*

Anonymous said...

waaa! *singhot* ayaw pa rin sa akin ng taggie mo?...
Good evening wendy girl! *xoxo*

Anonymous said...

gusto mo bang tumawa? gusto mo bang mag-unwind? gusto mo ba ng payo pano ang magandang pose sa pagtapon ng mga papers works mo sa bintana ng building nyo... ???

nandito lang si mmy-bru este mmy-lei pala...bibigay ko fone number ko syo para tumawag ka! nyahahaha! ubos ang load mo!

tara na kita kits na tayo sa thailand, isang bungee jump lang yan!

smile ka nalang, wrikles lang aabutin mo.

Anonymous said...

ayan malapit na friday, actually bukas na... relax relax...

Anonymous said...

you deserve a break wendy. hope pagbalik ko dito may bago ka post saying you are doing great!

Wendy said...

Nona... 'Di ka pa rin makapag-tag... may cookies pa rin ba? Shaiks... paano kaya maaayos 'yun?
Happy Saturday Nona gurl!

o0o

Mmy-lei... Hahaha, paano ba 'yung pose na sinasabi mo... *wink*

Keep on smiling too, Mmy-lei! *mwah*

o0o

Iskoo... kumipas na nga ang Friday, Saturday na ngayon!
Happy Saturday!!!

o0o

Cruise... Yeah... may bago na akong post!
Happy Saturday Cruise!

Anonymous said...

break ka d'yan?
dapat kasi layasan na lang natin bigla ang trabaho, hehehe.
tapos sigurado kinabukasan, tayo ang banner WANTED na tayo. harharhar

Wendy said...

Malaya... ano, sabay-sabay ba?