Tuesday, January 23, 2007

MY ONE AND ONLY PINOY POP SUPERSTAR!

I love music and I love singing... but I don't have the voice for it... pero oks lang, I can dance naman... naks! And I admire people who have talent for singing... really!
I love Nyoy Volante's voice, so beautiful and relaxing. Aminado ko na crush ko talaga si Nyoy, makita ko lang siya sa TV, oks na ko.
.
May isa pa akong ina-admire when it comes to singing. Napaka-angelic ng boses ng batang 'to, sarap pakinggan... promise! Who is he?
MY ONE AND ONLY PINOY POPSUPERSTAR... Harry Santos!
.
Harry Joseph Santos ang buong pangalan niya. Una ko siyang nakita sa Pinoy Popsupertar Season 1 ng GMA 7. Contender siya ni Brenan Espartinez, but sad to say... natalo siya that time and I thought 'di ko na siya makikita at 'di ko na maririnig ang boses niya. Pero, if am not mistaken, nagkaroon ng callback ang Pinoy Pop at isa siya sa mga natawagan para bumalik para sa season 2 at nakapasok nga siya para sa Pinoy Popsuperstar Season 2 and this time, umabot siya hanggang finals.
.
My goodness... mula noon, lagi ko na siyang inaabangan sa SOP (variety show sa GMA 7) at SIS (talk show sa GMA 7) na kung saan, madalas siyang mag-guest at favorite rin siya ni Janice De Belen.
.
Pati story ng buhay niya sa Magpakailanman... hehe... pinanood ko rin *wink.*
'Di sinasadyang nagkaroon din ako ng chance makita si Harry Santos nang personal nang minsang mag-show ang finalist ng PPS S2 sa SM North Edsa at fortunately, nandoon kaming mag-o-officemate. My goodness... papasok pa lang kami ng mall nang marinig ko ang boses niya at sabi ko sa mga kasama ko... "si Harry 'yan!" At 'di nga ako nagkamali. Hahaha... nakipagsisikan pa ako sa mga tao that night makita lang siya.
.
Dumating ang finals ng Pinoy Popsuperstar Season 2... *sigh*... hindi siya ang nanalo. Pero oks lang... crush ko pa rin siya at magkaroon lang siya ng album, bibili ako. 'Di man siya nanalo sa Pinoy Popsuperstar Season 2, well... siya pa rin ang aking ONE AND ONLY PINOY POPSUPERSTAR!
.
Check his video and listen to his angelic voice...

9 comments:

Anonymous said...

yung sinasabi nilang ka-boses ni josh groban ? natutuwa din ang asawa ko sa kanya kasi favorite naman niya si josh groban.

Anonymous said...

mahilig din ako kumanta pero walang hilig ang kanta sa akin, hehehe. in other words i dont have talent for singing hehehe.

Anonymous said...

Susme! Fave mo pala si Harry. Kapatid siya ng barkada ng sis ko. Schoolmate namin yan. Gulat nga kami maganda pala voice niya!

Mas guapo ang kuya niya sa kanya hehehe

Anonymous said...

sayang nga siya, gusto ko siya ang manalo, pogi na maganda pa boses...

ako...may boses, boses palaka! hahaha! mahilig kumanta rin...trying hard! hahha!

Good day, wendy gurl!! musta na? ngayon lang nakahinga sa paglipat, nakakanose bleed pala hehe.

Wendy said...

Cess... 'Yeah... siya nga 'yung kaboses ni Josh Groban. O 'di ba, pati hubby mo natuwa sa kany Harry Santos.

Happy Friday Mommy Cess!

o0o

Iskoo... Hahaha, same here. I love to sing, pero wala talaga akong talent pagdating sa pagkanta... Pero, kanta pa rin ako nang kanta. ahihihi...

o0o

Sasha... Gurllll... talaga, kapatid ng barkada ng sis mo si Harry. Shaiks, sino sa kanila, 'yung eric ba? 'Di ba, limang magkakapatid na lalaki sina Harry at siya ang bunso? 'Di ba, October 16 ang birthday niya?

Hahaha... 'di halatang isa ako sa mga fans ni Harry *wink*

o0o

Nona... Nona gurl! Hahaha, pinadugo ba ng paglipat mo ng bahay ang ilong mo? Oks lang 'yan... ganda naman ng bahay mo ngayon eh.
Si Sashing, bagong lipat din, ano naman kaya ang dumugo sa kanya sa paglipat niya ng bahay... hahaha

Happy Friday... *kisses*

Anonymous said...

napanood ko na yung video. oo nga magaling nga siya at gwapings pa. kahit di siya ang grand champioin mukhang sisikat din siya.

Anonymous said...

wow grabe ang lamig ng boses, mala JG nga!

pero wala pa ring tatalo sa boses ni kuya kd... hehehe, parang hinukay... hihihi

Wendy said...

Iskoo... 'Di ba, galing ng boses? *wink*
Yup... sana maging malayo pa maabot ng singing career niya... *smile*

o0o

Mmy-lei... Josh Groban kung Josh Groban... bibihira lang ang mga may ganyang boses...

Hahaha... wala bang tatalo sa boses ni KD? Aba, siyempre... siya ang Pinoy Pop Superstar ni Ate Ann... *wink*

Ann said...

Di ko sya kilala pero maganda nga ang boses, may hitsura pa. Pero totoo nga walang panlaban yan kay kd sa lakasan ng loob...hahaha!