Sunday, January 14, 2007

THE GIFT, THE BLOGGER AND THE TAG

To Ate Ann, Kd and to their three Apples...
Thank you sa gift...
More blessings to come and God speed!
.
o0o
.
Isang gabi, may dumalaw dito sa aming opisina.
Isa siyang blogista... dala niya ay saya sami ni Malaya.
May dala pang padala galing kina Santa.
Mabait siya talaga, at 'di siya suplada.
Nang siya ay makita, may ngiti na siya sa labi.
'Wag kang mag-alala, makikita mo rin siya.
O, ano kilala mo na ba siya?
Kung hindi pa... kilalanin mo na siya.
Teka, sino ba siya?
.
o0o
.
First tag ko ngayong 2007... dahil love ko ang nag-tag sa akin, kahit medyo nahirapan ako... go pa rin ako at tinapos.
.
TEN THINGS I WOULD NEVER DO (AGAIN)
.
1. Hindi na ako iinom ng gin.
*** Allergic kasi ako! Super pantal ang inabot ko noon nang uminom ako ng gin! Ayoko nang maranasan pa ang naramdaman ko that time kaya 'di na ako ulit iinom ng gin.
.
2. Hindi na ako maglalaro ng kunwa-kunwariang Bioman na tatalon sa pader habang sumisigaw ng "red one, green two, blue three, yellow four, pink five, bio team fight... bioman!"
*** Malaki na kasi ako, nakakahiya na, baka kapag may nakakita pa sa akin, isipin may konti ako.
.
3. Hindi ko na papuputol ang buhok ko everytime na inis na inis na inis ako.
*** Papuputol ko na lang siya kapag may split ends na at kapag gusto ko ng bagong hair cut.
.
4. Hindi na ako male-late ng isang oras sa pagpasok sa office. (Minutes na lang... ahihihi)
*** Last month ng 2006 at 1st and 2nd week ng January 2007... my goodness, ang dami kong late na tig-iisang isang oras. Nyaiiii...
.
5. Hindi na ako magbabasa sa isang lugar na insufficient ang ilaw.
*** Feeling ko ngayon... konti na lang ay masisira na ang mga mata ko kababasa sa lugar na medyo madilim.
.
6. Hindi na laging "oo" ang isasagot ko kapag may hinihinging pabor sa akin.
*** Pipilitin kong humindi naman paminsan-minsan lalo na kung oks lang naman. Minsan kasi, kahit ayoko, oo pa rin ako nang oo. I found out na sa kao-oo, there are some instances na naba-bypass ko ang sarili kong kasiyahan.
.
7. Hindi ko na hahayaang abusuhin ng iba ang kabaitang mayroon ako.
*** *Smile*
.
8. Hindi na ako maiinis kapag may medyo may napapatagal ang tingin sa akin.
*** Sinisimangutan ko kasi ang mga medyo napapatagal ang tingin sa akin, reason kung bakit ako napagkakamalang mataray. Ayokong mapagkamalan nilang mataray kaya sige, 'di na ako maiinis kapag ay medyo tumatagal ang tingin sa akin.
.
9. Same as Sasha... Hindi na ako mag-a-add sa friendster ng hindi ko kilala or hindi ako interesadong kilalanin siya.
*** *wink*
.
10. Same as Sasha gurl again... I will never ever again assume that I love someone just because I like the person's personality.
*** *wink*
.
Happy Sunday!
.
Note: Pasensiya na kung 'di ako madalas makapag-update. Gustuhin ko man, ang bagal pa kasi ng net... wink

13 comments:

nona said...

kilalang kilala ko SIYA!
"Hindi na laging "oo" ang isasagot ko kapag may hinihinging pabor sa akin."
parang nakakarelate ako dito wends...*smile*
talaga, di ka na maiinis kapag titingnan kita ng matagal pag nagmeet tayo? :D

Anonymous said...

Teka, kilala ko rin yan ah! Hahahah! Uy, mare, walang halong kaplastika ito... sobrang natuwa ako sa iyo! As in! Feeling ko matagal na kitang friend pwamis! I really hope na maging friends tayo for life! Mwuaaah!

Dati akong suplada, mare! Nagbago na lang at ayaw kong maging old maid heheheh...

Ayoko rin ng gin, mare! Asus naman! Kalakas sumipa! Hahahah... Pang-vodka at tequila lang byuti ko weeheheh

Mabuti ka pa, mare at pasira pa lang ang mata. Ako? Naku, kung walang salamin puro anino ang nakikita :(

Mabuhay ang ating mga don't sa taong ito! Nyahahaha

Anonymous said...

napadaan....

ms. wendy, kilala ko rin sya! cute sya diba?

Anonymous said...

Grabe uminom ka ng gin dati? Beer nga nahihilo na ako agad.

Ako, di ko sya kilala...hehehe.

Anonymous said...

kelan kaya dadalaw sa aming opisina si sasha? hehe. joke. i heard nagkitakita rin sila nila vince, nona, at ghee. very nice.

ako din ayaw ko na malalate pumasok, matutulog na ako ng maaga palagi :)

Anonymous said...

di ko yata kilala yun bwahaha...

isa lang nasagot ko dyan haha umiral na naman ang aking tina ---
tina tatamad hehe

ako eh far sighted kaya nung studs pa lang ako lagi ako sa harapan at pag naupo naman ako sa likod dahil alphabetical at tinawag ng tcher na basahin yung nasa board talagang pupunta ako sa harapan.

Anonymous said...

natutunan ko lang sa isang site, pag merong medyo napapatagal ang titig sa iyo, lalo na kung girl din, smile at them :)

kelan kaya kami magkikita ni santa :)

Iskoo said...

may kilala din ako kapag naiinis o gusto mag protest ay nag papakalbo, hehe. wala lang naalala ko bigla nung nabasa ko yung #3 na ayaw mo na gawin although parang malayo naman itong kwento ko sa sinabi mo, hehehe. have a nice day!

Wendy said...

Nona gurl... Kilalang kilala mo ba... mukha ngang 'di ka man pinawisan sa pag-iisip kung sino SIYA... nyahahaha...

Hahaha... tititigan mo ako ng matagal, sige... at nang matago ako. *kisses*

o0o

Sasha... ayyyyy... so sweet naman, ayoko ng iyakan gurl. Yes... we'll be friends forever... mwah!

Oks yan gurl... 'wag ka na suplada... ako na lang, try ko kung bagay sa akin ang magsuplada. ahihihi...

o0o

Rem... Thanks sa dawa... balik ka lang, laging open ang pinto ng bahay ko... mwah!

o0o

'Te Ann... Thank ulit! Nyahahaha... hindi mo ba kilala kung sino ang nagpunta rito sa aming office? Charing!

First time kong uminom ng gin noon tapos yun pa ang inabot ko... nagkapantal-pantal ang balat ko... my goodness at super kati. Kaya mula noon, 'di na ako iinom ng gin!

o0o

Cruise... relax lang, malay mo Dong... bisitahin ka rin niya *wink*

Teka... ikaw kailan papasyal dito sa office?

o0o

Juana... Mama Juana... Susubukang 'di na ma-late... grabe naman kasi si "Tina" kapag dumalaw lalo na sa umaga... ang hirap bumangon... ahihihi

May kaibigan din akong ganyan, as in lalapit muna sa board bago mabasa ang nakasulat doon.

o0o

Cess... Sige sige sige... try natin 'yan Mommy Cess... smile sa mga tititig sa akin *wink*

Don't worry, makikita mo rin SIYA! mwah!

o0o

Iskoo... Ewan ko ba... kapag ako na-bad trip... my goodness... pinapaputol ko kaagad ang buhok ko... as in!

Anonymous said...

musta ka na mareng wendy!

pag matagal ang titig makipagtitigan ka rin tingan molang kung di mapapahiya yan.hehehe

Anonymous said...

ay nako... kilalang-kilala ko rin yan!! yang cute na cute na nilalayang na yan!! weeeee... naiingit talaga ako sa mga EB-EB na yan!

may meme pa nga pala si mommy ann skin! sa susunod ko ng post ilalagay! nyahahaha!

Anonymous said...

wow ang tagal koh ng hindi nakabisita d2... muzta naman d2... i miss yah.. take care always...

Wendy said...

Mousey... Naku, 'di kaya ng powers ko ang ganu'n. Wait.. tagal mong 'di nadalaw dito ah?

o0o

Rho... Yeah, you're right... cute nga siya.
Next time na EB... sama ka!

o0o

Lhady mitch... Pasyal-pasyal ka lang... *wink*