Tuesday, August 23, 2005

RIGHT BRAIN AND LEFT BRAIN

LB - Left Brain
RB - Right Brain
.
LB: Try ko kayang marinig siya?
RB: ‘Wag na lang… baka mapahiya ka!
.
LB: Ano, one try pa?
RB: ‘Wag na… tama na… sige ka, ikaw din.
.
LB: Hindi, pakikinggan lang ang boses niya…
RB: Kulit mo rin ano?
.
LB: Bakit?
RB: Minsan mo ng ginawa ‘yan.
.
LB: Hindi oks lang!
RB: Paano kung mapahiya ka.
.
LB: Okay lang… at least nag-try…
RB: Tapos ano, mangiyak-ngiyak ka…
.
LB: Naiisip siya eh…
RB: Ibaling mo sa iba…
.
LB: Ginawa ko na dati, wala rin…
RB: Hay naku!
.
LB: Ano, try ko na ba?
RB: Mapapahiya ka, ‘di ba galit siya?
.
LB: Malay mo lumipas na…
RB: Kung lumipas na siya mauuna…
.
LB: Tulad nang mag-text siya ala-1:00 ng madaling araw?
RB: Yup!
.
LB: Kailan kaya ‘yun?
RB: Hmmm… ‘wag mong isipin kung kailan…
.
LB: Hindi, try ko na ngayon, malay mo hinihintay ako…
RB: Mag-isip ka nga… ano ba huling sinabi niya sa’yo?!
.
LB: Pls. don’t txt anymore…
RB: Kita mo… pls. don’t txt anymore daw…
.
LB: MISS KO SIYA EH…

No comments: