Friday, July 28, 2006

SENTI 102... BABY DON'T YOU BREAK MY HEART SLOW

But I'd rather you be mean than love and lie
I'd rather hear the truth and have to say goodbye
I'd rather take a blow at least then I would know
But baby don't you break my heart slow
.
Vonda Shepard

Tuesday, July 25, 2006

SENTI 101... NEVER MIND

Sometimes, when nothing goes just right and worry reigns supreme, when heartache fills the eyes with mist and all things useless seem, there's just one thing can drive away the tears that scald and blind — someone to slip a strong arm 'round and whisper, "Never mind."
.
No one has ever told just why those words such comfort brings; Nor why that whispers makes our cares depart on hurried wing. Yet troubles say a quick "Good-day," we leave them far behind when someone slips an arm around, and whispers, "Never mind."
.
But love must prompt that soft caress — that love must, aye, be true or at that tender, clinging touch no heart ease come to you, but if the arm be moved by love, sweet comfort you will find when someone slips an arm around, and whispers, "Never mind!"

Monday, July 24, 2006

SONA NI GLORIA

MAY bagyo sa 'Pinas... si Glenda!
Sinabayan ang SONA ni Gloria!
.
Inulan ang mga raliyista,
Sarado ang ilang mga kalsada.
.
Antabayanan, SONA ni Gloria
Ilang oras ang itatagal ng kanyang SONA?
Ilang beses kaya siyang papalakpakan?
Ilang standing ovation ang kanyang matatanggap?
.
Ano ang kabuuan ng kanyang ulat sa taumbayan... antabayanan!
.
HAPPY MONDAY TO ALL!

Friday, July 21, 2006

HAPPY FRIDAY!

Life is what we make it. Always has been,
always will be. — Grandma Moses
.
HAPPY Friday!
Halos okay naman ang linggo kong ito, though ‘di natin maiiwasan talaga na minsan, may mga unexpected twist or situation na nagiging dahilan upang bumaligtad ang mundo mo, personally or maging sa trabaho… well… thank you pa rin kasi nakukuha naman sa CHILL… *wink*
.
MONDAY… With my pink uniform, oks ang Monday ko. Blessing in disguise ‘yung pagkakasakit ko nang almost one week, kasi… ahihihi, pumayat ako at nagkasya ang lahat ng bago kong uniform. Kasi rati, nang dalhin dito sa office ‘yung uniform, nang isukat ko, obviously na kailangan talagang ipa-repair, but buti na lang… hahaha (natuwa pa) nagkasakit ako at ‘di ko na kailangan pang magpa-repair ng uniform… saktung-sakto na!
.
OA TUESDAY… Yeah, OA Tuesday, kasi naman, green ang uniform namin at okay sa akin kasi favorite color ko ang green, pero, kapag sobra na, ‘di rin masyadong maganda… OA na! It’s like this kasi… Tuesday, uniform namin green, may suot akong bracelet na kulay green, ang bag ko kulay green, ballpen ko green, face powder ko green at ang housing ng cellphone ko, green. Nang uwian na, biglang umambon, shemps, kailangang magpayong… and my goodness… payong ko kulay green at ang nasakyan ko pa pauwi… kulay green na Adventure… whew!
.
WEDNESDAY… Bit busy with our yellow uniform nang araw na ito at para ‘di sumakit ang ulo ko sa dami ng ginagawa… chill lang ako habang nag-sounds.
.
THURSDAY… Rest all day sa bahay ang drama ko! My goodness… OA na rin… kasi 2:00pm na ako nagising… sabagay, Wednesday night pa lang naman kasi ay naka-set na sa utak ko na wala akong pasok at empty battery ang cellphone ko kaya ‘di siya nag-alarm para gisingin ako… anyway… ang sarap-sarap talagang magpahinga!
.
FRIDAY… With our maroon uniform, picture taking dito sa office para sa aming ID. Am hoping na magiging maganda ang takbo ng araw kong ito at sa inyong lahat din dear bloggers!

Monday, July 17, 2006

HELLO BLOG WORLD

Hello blog world… its nice to be back!
I got sick kasi kaya ‘di ako nakapag-update ng blog. Halos one week akong nag-suffer dala ng high fever, cough and colds (sigh). But anyway, back to blogging na ako, meaning, okay na ako and thanks to my mom at sa lahat ng tita and tito ko na nag-alaga sa akin!
Moving forward, Friday na ako nakabalik ng office for work. Though ‘di pa ako ganu’n kagaling, nang magkayayaan na mag-Shawarma, sumama ako (matagal na kasing plano ang mag-Shawarma) though ‘yung Shawarmahan na kakainan namin ay nasa Fairview pa… imagine, from Quezon Ave. to Fairview, ganu’n kalayo, so sinong mag-aakala na may sakit pa ako noon at ‘to pa ang exciting.
Twenty-four years of my existence rito sa mundo… at nilalagnat-lagnat pa nga ako last Friday, naranasan kong magtulak ng sasakyan! Yes, nagtulak kami ng sasakyan pagkatapos naming kumain ng Shawarma to think na puro kami mga babae. Mahina na kasi ‘yung battery ng sasakyan (Adventure) kaya ‘yun, tulak mode kaming lahat at umaambon-ambon pa — parang ‘di ako nilalagnat! Ganu’n pala ‘yun, nagba-bounce back pala ‘yung sasakyan kapag mag-i-start na at mahirap din palang magtulak.
Ang nakakatawa pa, akala ng mga taong nandoon ay nagbibiruan kami na magtutulak ng sasakyan kaya naman pinagtatawanan nila kami (sabagay, nagtatawanan din kasi kami) at tinulungan lang nila nang makitang seryoso naming itinutulak ‘yung sasakyan namin (nakailang tulak din kami bago kami tinulungan ng mga tao roon).
Anyway… nakaauwi naman kaming maayos at ‘yun nga okay na ako ngayo!
.
HAPPY MONDAY EVERYBODY!

Saturday, July 08, 2006

CHILL

If you can attain repose and calm, believe that you have seized happiness. — Julie-Jeanne-Eleonore de Lespinasse
.
PAGKATAPOS kong ma-disappoint kahapon, mukhang may continuation pa ang pagkaasar ko ngayong araw na ito.
Para akong ipinag-imbita ng pitong demonyo sa mga sandaling ito, na tila ba sinasabi sa akin na ilabas ko ang galit na nararamdaman ko ngayon.
Buti na lang at hindi ako isang sira at kalahati para patulan ang nakapalibot sa akin. Buti na lang may mga tao na nagpapaalala sa akin ng salitang "CHILL!" Wala nga namang mangyayari kung papatulan ko at hindi rin naman ako yayaman. Saka dagdag kalasanan pa kapag pumatol ako.
My goodness! Ulanin pa sana ako ng maraming-maraming pasensiya nang makapagpasensiya pa ako. Patuloy pa sanang humaba ang pisi ko upang 'di ako madala ng galit o bugso ng damdamin at makayanan ko pa sanang magpigil o magtimpi ng sarili at emosyon! At lagi ko sanang maalala at maisip ang salitang... "Wendy, Chill!"

Friday, July 07, 2006

JOKER

FRIDAY na!
Maganda ang start ng linggo ko, oks ang Monday ko at oks din ang Tuesday, Wednesday and even Thursday. But minsan, ‘di yata talaga puwede oks ang lahat, kumbaga, laging may joker, akala mo okay na, ‘yun pala hindi.
This Friday… may in-expect kasi ako ngayong araw na ito and am so excited actually na makarating ng office. But suddenly, ‘di nangyari ang aking inaasahan… na-disappoint talaga ako… really! Buntong hininga na lang ang aking nagawa nang ‘di nangyari ang inaasahan ko, napayuko sa may table ko and asking my self “why?”
But anyway… ganu’n talaga siguro. I feel bad at masyadong na-disappoint kasi masyado rin akong nag-expect.
Anyway... happy weekend pa rin sa inyo!
.
As distant prospects please us, but when near, we find but desert rocks and fleeting air. — Sir Samuel Garth

Monday, July 03, 2006

YIPPEE

NEVER continue a job you don’t enjoy. If you’re happy in what you’re doing, you’ll like yourself; you’ll have inner peace. And if you have that, along with physical health, you will have had more success than you could possibly have imagined. Johnny Carson
.
HAPPY Manic Monday to all!
Compare last Monday (June 26) ok ang Monday ko ngayon, 'di ako tinanghali ng gising, 'di ako nadulas sa CR at 'di ako na-late at 'di na 10php ang laman ng wallet na dala ko. Yippee!
.
o0o
.
Malapit-lapit na ulit kaming mag-uniform, probably, next week or next next week... in short, tama na ang "japorms!" Nahhh... dumating na kasi ang bago naming uniform... And make a wild guess kung ano ang kulay ng mga ito. clue: "BIO TEAM FIGHT... BIOMAN!" Oo, red, green, blue, yellow and pink ang kulay ng uniform namin... whew! Anyway... mukhang keri naman namin... naks!
O siya... siya... siya... happy Monday sa lahat!