Friday, July 21, 2006

HAPPY FRIDAY!

Life is what we make it. Always has been,
always will be. — Grandma Moses
.
HAPPY Friday!
Halos okay naman ang linggo kong ito, though ‘di natin maiiwasan talaga na minsan, may mga unexpected twist or situation na nagiging dahilan upang bumaligtad ang mundo mo, personally or maging sa trabaho… well… thank you pa rin kasi nakukuha naman sa CHILL… *wink*
.
MONDAY… With my pink uniform, oks ang Monday ko. Blessing in disguise ‘yung pagkakasakit ko nang almost one week, kasi… ahihihi, pumayat ako at nagkasya ang lahat ng bago kong uniform. Kasi rati, nang dalhin dito sa office ‘yung uniform, nang isukat ko, obviously na kailangan talagang ipa-repair, but buti na lang… hahaha (natuwa pa) nagkasakit ako at ‘di ko na kailangan pang magpa-repair ng uniform… saktung-sakto na!
.
OA TUESDAY… Yeah, OA Tuesday, kasi naman, green ang uniform namin at okay sa akin kasi favorite color ko ang green, pero, kapag sobra na, ‘di rin masyadong maganda… OA na! It’s like this kasi… Tuesday, uniform namin green, may suot akong bracelet na kulay green, ang bag ko kulay green, ballpen ko green, face powder ko green at ang housing ng cellphone ko, green. Nang uwian na, biglang umambon, shemps, kailangang magpayong… and my goodness… payong ko kulay green at ang nasakyan ko pa pauwi… kulay green na Adventure… whew!
.
WEDNESDAY… Bit busy with our yellow uniform nang araw na ito at para ‘di sumakit ang ulo ko sa dami ng ginagawa… chill lang ako habang nag-sounds.
.
THURSDAY… Rest all day sa bahay ang drama ko! My goodness… OA na rin… kasi 2:00pm na ako nagising… sabagay, Wednesday night pa lang naman kasi ay naka-set na sa utak ko na wala akong pasok at empty battery ang cellphone ko kaya ‘di siya nag-alarm para gisingin ako… anyway… ang sarap-sarap talagang magpahinga!
.
FRIDAY… With our maroon uniform, picture taking dito sa office para sa aming ID. Am hoping na magiging maganda ang takbo ng araw kong ito at sa inyong lahat din dear bloggers!

9 comments:

Anonymous said...

sana nag-eyeshadow karin ng green!
hehe joke lng hah!

colorful ang week mo!

happy weekend*.*

Anonymous said...

my week wasnt so bad either, finished all my classes then Im on vacation. Next month, summer vacation ng mga school dito eh!

happy weekend!

Anonymous said...

oh, you asked formy url before, its..

http://atecha.blogspot.com

Wendy said...

Yorokobee... Hahaha... mabuti na nga lang wala akong eyeshadow na kulay green, dahil kung nagkatoon... haha, malamang naka-eyeshadow ako na kulay green.

Ate Cha... wow... magbabakasyon grande ka. Anyway, keep on blogging pa rin kahit nakabakasyon ka. *wink*

Mmy-Lei said...

ang cute naman ng uniform nyo! ang kulet ng nakaisip!

san ka ba work at may color coding pa kayo? sigaw mo nalang sa bhay ko... hehehe

Anonymous said...

have a green day!... fave ko rin green.... utak ko green. :)

bat iba iba pala ang uniform nyo?

Wendy said...

Mmy-Lei... Thanks sa pagdalaw. Kulit ba nakaisip ng uniform namin... hehehe... 'yung old uniform nga namin kulay.. orange, blue, brown, violet, pink at gray... laban ka?
Ehem... sa "Daily Planet" po ako nagtatrabaho... ahihihi. *wink*

Have a great weekend Mmy-Lei!


Kneeko... Yes... ang dami natin na green ang favorite color... mabuhay!
Bakit iba-iba uniform namin? Ewan ko eh, nagisnan ko na lang din dito sa office na iba-iba kulay ng uniform namin.

Happy Saturday!

Unknown said...

parang gusto na rin atang magkasakit para pumayat ako hehehe. kahit anong gawin ko dieting or exercise di nababawasan timbang ko at kailangang bumili ng bagong damit.

Wendy said...

Cruise... Makukuha rin yan sa pag-e-exercise at saka adventurous ka naman, 'wag kang magkasakit, dahil sa panahon ngayon, bawal magkasakit.
Thanks sa pagdaan...
Happy Sunday!