Monday, July 17, 2006

HELLO BLOG WORLD

Hello blog world… its nice to be back!
I got sick kasi kaya ‘di ako nakapag-update ng blog. Halos one week akong nag-suffer dala ng high fever, cough and colds (sigh). But anyway, back to blogging na ako, meaning, okay na ako and thanks to my mom at sa lahat ng tita and tito ko na nag-alaga sa akin!
Moving forward, Friday na ako nakabalik ng office for work. Though ‘di pa ako ganu’n kagaling, nang magkayayaan na mag-Shawarma, sumama ako (matagal na kasing plano ang mag-Shawarma) though ‘yung Shawarmahan na kakainan namin ay nasa Fairview pa… imagine, from Quezon Ave. to Fairview, ganu’n kalayo, so sinong mag-aakala na may sakit pa ako noon at ‘to pa ang exciting.
Twenty-four years of my existence rito sa mundo… at nilalagnat-lagnat pa nga ako last Friday, naranasan kong magtulak ng sasakyan! Yes, nagtulak kami ng sasakyan pagkatapos naming kumain ng Shawarma to think na puro kami mga babae. Mahina na kasi ‘yung battery ng sasakyan (Adventure) kaya ‘yun, tulak mode kaming lahat at umaambon-ambon pa — parang ‘di ako nilalagnat! Ganu’n pala ‘yun, nagba-bounce back pala ‘yung sasakyan kapag mag-i-start na at mahirap din palang magtulak.
Ang nakakatawa pa, akala ng mga taong nandoon ay nagbibiruan kami na magtutulak ng sasakyan kaya naman pinagtatawanan nila kami (sabagay, nagtatawanan din kasi kami) at tinulungan lang nila nang makitang seryoso naming itinutulak ‘yung sasakyan namin (nakailang tulak din kami bago kami tinulungan ng mga tao roon).
Anyway… nakaauwi naman kaming maayos at ‘yun nga okay na ako ngayo!
.
HAPPY MONDAY EVERYBODY!

11 comments:

Anonymous said...

hello wendy!nice to see you back!
ingat na di mabinat...

gnon akala trip nyo lng magtulak?
thanks nman at may tumulong din.

have a nice week a head of you*.*

Anonymous said...

glad your ok now!
hope you have a great week!

Unknown said...

mapalad ka meron kang mommy na maasikaso at inaalagaan ka kapag may sakit.

welcome back wendy!

Wendy said...

Yorokobee... Thank you! Kakaibang trip naman yata 'yun gurl. Ang dami-raming puwedeng pagtripan... pagtutulak pa ng Adventure... gurl bigat nun.
Anyway... thank you sa muling pag-welcome sa akin!

Cha... Yeah... oks na ako ngayon... you too, have a great week!

Cruise... Yup! So lucky to have a mom na maasikaso pa rin. Thank you sa pagdalaw sa bahay ko!

Anonymous said...

welcome back dude... dami naman nag-aalaga sau...

ang lapit lang ng quezon ave to fairview hehehe.... dere-derecho lang naman un eh... naglakad na lng sana kayo pauwi hahahhaha

happy tuesday...

Wendy said...

Kneeko... Dami bang nag-aalaga... hehe... mahal na mahal ako eh... naks!
Malayo rin mula QC Ave., papuntang Fairview. Mula sa may Sto. Domingo Church hanggang Fairview, doon sa may arkong bato at saka gabi na 'yun dude.
Anyway... Thank you sa pag-welcome ulit sa akin.

JM said...

pagaling ka ng maigi ha!

Anonymous said...

kahit unang dalaw ko dito, binabati kita sa pagbbalik mo sa blogging. :D

Wendy said...

Juana... Thank you! Magaling na ako ngayon, 'yun nga lang, continue pa rin 'yung mga gamot na iniinom ko. Salamat sa dalawa!

Jhay... Salamat, salamat sa pagbisita! Bibisita rin ako sa space mo!
Pabasa (dalaw) ka ulit dito sa blog ko!

Flex J! said...

Hello! nanggaling ka rin pala sa sakit at nagtulak pa (Hmmm pusher?) ng sasakyan! (Bad trip noh?)lolz

'Hope you're very well na...Wecome back to blogging! Ingat sa binat!

God Bless...

Wendy said...

Flex J... Thank you! Lagi kasing nag-uulan last week eh... naulanan kasi ako last last saturday kaya 'yun, nilagnat si ako. Sa bagay, kahit naman ngayon, umuulan-ulan pa rin, pero oks lang... I love the rain... naks!

God speed!