Wednesday, August 30, 2006

KA-BADTRIP!

Nakaka-badtrip...
Naba-badtrip ako!
Nakakaasar...
Naaasar ako!
Nakakainis...
Naiinis ako!
Nakakagalit...
Nagagalit ako!
Nakaka-piss off...
Napi-piss off ako!
Bottom line nito... what-a-bad day!

Monday, August 28, 2006

THE WORKLOAD AND THE TEXT

HAPPY Monday!
The last time na mag-update ako ng blog, nai-post ko na pasamantalang nadagdagan ang workload ko… whew… mukhang 'di na ito pansamantala, pansamantagal na yata… shaiks… (tingala sa langit) sa bagong workload ko ngayon, my goodness, kilala ko pa kaya ang sarili ko pagdating ng gabi, alam ko pa kaya pangalan ko paglabas ko ng office? Whew?!
Anyway… Ibinigay sa akin ang workload na ito, meaning naniniwala sila na kaya ito ng powers ko… so, kaya ko ‘to… time management lang! *wink*
.
Next… Am not a text addict! Bihirang-bihira rin akong makipagpalitan ng mga text messages. Even my officemates/friends, alam nila na ‘di ako madalas mag-reply kung ‘di rin lang kailangan ng reply. Kung sakaling late ng uuwi ang grupo dahil sa pagch-chill… ‘di ako nagte-text para sabihin na oks na ako sa bahay, but I rather give them a ring. ‘Di rin ako mahilig magpo-forward ng mga text quotes (bihirang-bihira kong gawin ‘to), kaya ‘yung mga mahilig magpadala ng mga chain text, sensiya na, ‘di uubra sa akin ‘yan!
Okay, it’s like this… may isang tao na nagte-text sa akin, and it seems na kilala niya ako at kilala ko rin siya, alam kasi niya ang routine ko. But never siyang nagpapakilala kung sino siya, though may naiisip na ako kung sino siya, but yet, I need a confirmation pa. Sobrang pissed off na ako sa kanya… sobra! Am pretty sure na nasa friendster list ko siya dahil naba-browse niya ang friendster space ko, to think na naka first degree ako, (mga nasa friendster list ko lang ang makaka-browse ng site ko) alam niya ang URL ng blog ko na naka-post naman sa friendster site ko. Alam niya ang mobile number ko, to think na ‘di ako basta-basta nagbibigay mobile number.
Anyway… kung sino man ang taong ‘to… makikilala ko rin siya! At makilala ko lang siya, dahil ‘di na ako natutuwa sa kanya… ‘wag niyang sasabihin sa akin na binibiro lang niya ako… dahil hindi nakakatuwa ang biro niya!
Aabot sa kanya ‘to, kasi, sabi ko nga binabasa niya ang blog ko!
So there… Thank God, lumipas nang maayos ang walo, este siyam na oras (10:00am to 7:00pm) ko rito sa office nang maayos!
.
Happy Monday ulit!

Friday, August 25, 2006

HANDLE THIS

BUSY… Yeah right! Aside sa mga regular workload ko na mag-encode, mag-edit at mag-proofread ng mga column, (mag-blog hop at mag-update ng personal blog… huh?!) Pansamantala, nadagdagan ang workload ko, am the one who take charge ngayon sa mga phone calls na dumarating dito sa office (yeah, try mo mang tumawag ako ang sasagot). Ako rin ang nagte-take charge sa mga dumarating na news dito sa office at nagbe-verify ng mga ito, nagmo-monitor ng mga news sa mga newspaper (ilang newspaper mayroon tayo?) ganu’n din sa radio and television… my goodness gracious great ball of fire, can I handle this? Of course I can… time management lang!
O siya siya… happy Friday sa lahat!

Saturday, August 19, 2006

ANYWAY...

People are unreasonable, illogical and self-centered...
Love them anyway.
.
If you do good, people will accuse you of selfish ulterior motives…
Do good anyway.
.
If you are successful you win false friends and true enemies...
Succeed anyway.
.
The good you do today will be forgotten tomorrow...
Do good anyway.
.
Honesty and frankness make you vulnerable...
Be honest and frank anyway.
.
People favor underdogs but follow only top dogs...
Fight for some underdogs anyway.
.
What you spend years building may be destroyed overnight...
Build anyway.
.
People really need help but may attack you if you help them...
Help people anyway.
.
Give the world the best you have and you'll get kicked in the teeth
.
Give the world the best you've got ... ANYWAY.
.
- Unknown

Friday, August 18, 2006

TO BEBE

GASGAS na ang salitang ito pero gagamitin ko pa rin…
I feel sad kasi aalis ang isang taong malapit sa akin… yet, masaya rin naman kasi, for her own good naman kaya siya aalis… career move!
Last day na ni Bebe Jackie sa work… meaning resign na siya. Later tonight ang kanyang despedida party, kaya magbaon na ng maraming tissue ‘yung mga iyakin diyan.
Bebe…
Don’t forget to eat suman na may ternong nilagang baka este tinola kapag madaling-araw ng Pasko ko, ha.
‘Wag ka ring matakot kapag narinig mong umaataol ang aso.
Kapag sinisikmura ka, magpalit ka ng shampoo.
‘Wag kang magpaplantsa kapag basa ang buhok mo, baka mapasma ka.
Alam kong kahit nasa malayo ka na, panonoorin mo pa rin ‘yung favorite reality show mo na Max Factor (Fear Factor)
Hayyy... sigh, gonna miss you a lot bebe...
Love you Bebe!
And to all... Happy weekend!
.
PS
Sa mga medyo na-confuse kung ano 'yung mga huling naisulat... well...

Monday, August 14, 2006

FRIENDSHIP THAT FLOWS FROM THE HEART...

Friendship that flows from the heart
cannot be frozen by adversity,
as the water that flows from the spring
cannot congeal in winter. — James Fenimore Cooper
.
Happy Monday to all!
Whew… ‘di ako maagang nakapag-post ngayon dahil sa dami ng ginawa, late na rin kasi akong pumasok.
Yesterday, umuwi ako ng province… in short, ‘di ako pumasok yesterday, Sunday! Baptismal kasi ni Hayden Kirsten Bacani Torres… baby ng kaibigan ko!
Okay naman sana ang biyahe ko kaso lang… may kasakay ako na bago yata ang cellphone. Oo na, may MP3 ang cellphone niya pero sana… may music na sa loob ng bus, at siya, nagpatugtog pa… resulta, nag-aaway ang dalawang kanta sa loob ng bus… sakit sa ulo! Sana nag-headset na lang siya!
Moving forward… ‘yun nga… baptismal ni Hayden Kirsten, (pang-star wars ang pangalan) 3rd baby ng barkada, pero siya first baby girl ng grupo… dalawang lalaki kasi ang sinundan niya, si Eianne at Aj.
‘Di kami kumpletong magkakaibigan kahapon kasi wala ‘yung tatlo, kaya bahala silang mag-explain kay Mai-Mai (mommy ni Hayden) sa susunod naming pagkikita-kita at malamang December na ‘yun!
Anyway… in some point, nakakatuwa kasi, may bagong baby ang grupo and inaasahan ko na… sa darating na December, tatlong bata na ang kasama naming papasyal-pasyal sa mall.
.
PS
Pasensiya na sa pix... malayo masyado. Third year college kami sa picture na 'yan at kuha 'yan sa Paskuhan Village... pasyal-pasyal lang!

Friday, August 11, 2006

FRIDAY POST

HAPPY Friday to all...
Masyadong maraming trabaho ngayon kaya tuloy, medyo naubusan na ako ng oras para i-post lahat ng idea na nasa isip ko. 'Di man ganu'n kahaba ang post kong ito... ang mahalaga, nakapag-update ako, 'di ba?
About sa changes sa background, dati, ULAN ang background ng blog ko, ngayon, pinalitan ko ng GITARA... bakit? Naduduling/sumasakit daw kasi ang mata ni yorokobee. Oks na rin 'yun sinabi niya, baka kasi may iba ring bumibisita na sumasakit ang mata dahil sa background ko.
O siya... tayo ng tumugtog ng gitara!

Wednesday, August 09, 2006

WEDNESDAY MORNING

I really don't know how to start this post... its just that I feel something inside me that I want to share but I don't know how to start and I don't know why... huh?!
Okay... just let me do it this way...
.
I feel upset!
.
PS.
Buti na lang guest si Nyoy Volante sa Homeboy... kahit paano, nabawasan ang kung anuman nararamdaman ko.

Monday, August 07, 2006

SOMETHING TO PONDER THIS MONDAY

YOU AND YOURSELF
.
It is rewarding to find someone whom you like, but it is essential to like yourself.
.
It is quickening to recognize someone as a good and decent human being, but it is indispensable to view yourself as acceptable.
.
It is a delight to discover people who are worthy of respect, admiration, and love, but it is vital to believe yourself deserving of these things.
.
For you cannot live in someone else. You cannot find yourself in someone else. You cannot be given a life by someone else. Of all the people you will know in a lifetime, you are the only one you will never leave nor lose.
.
To the question of your life, you are the only answer. To the problems of your life, you are the only solution.

Friday, August 04, 2006

LIFE TRULY IS A BOOMERANG...

HAPPY Friday!
August na... konting araw na lang ang papasok na ang buwan ng "BER"... lapit na Pasko!!! Nae-excite talaga ako kapag Pasko... favorite holiday ko eh!
Well... well... well... tapos na senti mode, narito naging takbo ng linggo ko...
Monday — Pina-cut ko ang hair ko!
Tuesday — Chill sa mall with Fhaye!
Wednesday — Chill sa mall with Jenny!
Thursday — Chill sa bahay with the laundry... tsk, nagkasugat ako sa kamay, hand wash kasi eh. Anyway, 'di pa rin naman halata na naglalaba ako kasi malambot pa rin naman sila... naks... yabang!
Friday — Chill dito sa office, hoping na maging maganda ang araw na ito!
So, that's it... naging mabait naman ako sa buhay ko ngayong linggong ito... see, pa-chill chill lang sa mall, sa bahay... hahaha. Yes, we need to be good to our life, para maging mabait din siya sa atin. Dahil kung ano ginagawa mo, 'yun din ang babalik sa'yo... remember...
.
Life truly is a boomerang, what you give, you get! — Dale Carnegie
.
Happy weekend everybody!