Saturday, June 27, 2009

REVENGE OF THE FALLEN

HAPPY Saturday! Woohooo!

Natapos na naman ang isang linggo ng trabaho... fruitful ba? Definitely!
Ang bilis ng araw, parang kailan lang Monday, ngayon Saturday na... tapos Monday ulit... tapos Saturday ulit... Monday ulit... Saturday ulit... Monday... Saturday... Hehehe

Nothing much happened to me this week... everything is find and smooth naman ang flow ng bawat araw ko. But... (thinking) there are some sappy times/moments at night na little complicated because of having unoccupied mind to comprehend complicated things (NAKANAMAN!). But it's okay... nadadaan naman sa tulog at panonood ng sine.

Panonood ng sine? Thumbs up for Michael Bay! Wohoo! More... more... more!

I've watched TRANSFORMERS: Revenge of the Fallen last Thursday with my officemate Valerie. Transformers: Revenge of the Fallen... type ng movie na 'di dapat ma-miss! Kahit mag-isa ako, panonoorin ko pa rin ang movie, but thank God na nariyan si Valerie na big fan din ng TRANSFORMERS na naghintay sa akin ng isang oras so we can watch the film together.

Awesome film... absolutely! Jam pack with action and a touch of comedy... na-appreciate ko talaga at hindi ako magsasawang panoorin nang paulit-ulit. Of course, naroon pa rin ang original cast at may ilang nadagdag. Mikaela (Megan Fox) is so gorgeous, Sam (Shia LaBeouf) looks more good now, but I like the most is Major Lennox (Josh Duhamel) and Mojo (Sam's pet) is still there and cute pa rin, ahihihi... at kasama pa rin si "Mr. Sector 7" and find out kung ano na trabaho niya ngayon sa Transformers: Revenge of the Fallen... hahaha!

Konting review...

Transformers 1... Megatron, a decepticon, came to earth for the Allspark that can turn machines into robots. The Autobots led by Optimus Prime came to earth too to stop Megatron from having the Allspark. Moving forward... the Allspark was destroyed and so Megatron when Sam put it to Megatron's chest.

Transformers: Revenge of the Fallen... There's a piece of the Allsparks left and when Sam touched it, it leaves an inscriptions in his mind. The inscriptions will lead them to the Matrix. Kung ano ang Matrix na 'yun at paano nila ito natagpuan... better watch the movie *wink*

May mga bagong character robots din sa movie at maaaliw ka talaga sa kanila. Now, waiting na ako sa Transformers 3... anong taon kaya ito maipapalabas?

Anyway... for now... next in line namin ni Valerie ay ang... naman... what else...
HARRY POTTER and the Half Blood Prince. Na-miss ko tuloy si Mareng Sasha na Harry Potter fanatic din.

Happy Saturday po sa lahat!

Wednesday, June 24, 2009

SO MANY QUESTIONS

ANOTHER cloudy Wednesday!

Okay lang... at kahit umulan, oks lang din basta 'wag lang kalakasan, baka bumaha eh. Okay na 'yung tamang pamatay lang ng alinsangan.

Same old routine... am here in the office, doing some warm ups before I start my works. Actually, am almost done na with my major works for today, tinapos ko na kagabi... so chill chill muna ako ngayon... relax relax lang... blog blog muna.

'Yun ang kinaganda kapag sinusumpong ako ng sipag sa trabaho (Naks! Model employee... isang malaking CHARING!) natatapos kaagad ang major works, magaan ang araw ng trabaho... tanging pabigat na lang ay 'yung mga "out of the work" stuffs na naglalaro sa utak ko kaya mentally stress ako minsan (again, gaano kadalas ang minsan?).

Eto pa... four consecutive days na akong hindi late... ACHIEVEMENT!
Suko na raw boss ko sa tirediness ko eh... kaya ngayon... papakabait na 'ko... NAMAN!

Moving backward... I wasn't feel good last night. Nope, am not sick... wala akong lagnat nor sore throat... hindi ako infected ng A (H1N1). It's just that, medyo na-emotionally stress lang ako kagabi. But am good now... nasama na sa agos ng ulan kagabi 'yung stress na 'yun... NAKANAMAN!

Emotionally stress? Hmmm... I having an hard time kasi comprehinding some personal questions that keeps running and running in my mind. Oks lang... there are some questions na nasagot naman. But still, may mga tanong na mahirap talagang sagutin and on the other hand... may mga questions din na wala talagang sagot for now but in time (kailan kaya ang time na 'yun?) na masasagot din naman. And sabi nga ng sister ko when we talked way way back... there are some questions that better left unanswered. Hmmm... tamaan nga kaya ng malakas na ulan ang Metro Manila dahil sa bagyong Feria? Nagtatanong lang po.

After moving backward... moving forward naman. Time to park this post... and since about questions naman ang nai-post ko rito... let me leave this quotes by James Thurber and of course... about question pa rin.

"It's better to know some of the questions than all of the answers."

Saturday, June 20, 2009

DADDY, DADA, PAPA, PAPI, TATAY, TATA, ITAY, DUDEY

I thought June 15 ang Father's Day that is why last Monday, June 15, on my way to work, I texted BF's Mom to extend my Happy Father's Day greeting to BF's Dad. After that, I called my Mom naman so I can talk to my Dad and greet him a Happy Father's Day;

Me: Daddy, Happy Father's Day!
Dad: Salamat... ngayon ba 'yun?
Me: Oo, June 15, hindi ba?

Then I heard him asking my Mother;
Dad: Lyn (my Mom), ngayon ba Father's Day?
Mom: Hindi, every 3rd Sunday ng June. Mother's day every 2nd Sunday of May. Bakit?
Dad: Nag-greet 'tong anak mo eh.

Then Dad talked to me again;
Dad: Hindi ngayon ang Father's Day... Sa June 21 pa!
Me: Ha? Hindi ba ngayon? O, sige 'di bale... advance na lang.

Then I hanged up the phone. Patay! Nag-greet pa naman ako kay BF's Father... 'yun pala, next week pa... nakakahiya! When I reached the office that day... nag-confirm pa ako sa aking mga officemates kung sa June 21 pa talaga ang Father's Day and they said YES! Nag-check pa ako sa net at tumataginting na June 21, 2009 nga ang Father's Day! Bigla akong nahiya nang maisip kong nag-text kay BF's Mom at iparating kay BF's Dad na Happy Father's Day! Nyaaaaaa... hahaha

Am a Daddy's Little Girl... though am turning 28 this year, I stay malambing pa rin to my Father. But... even though am his "Little Girl," 'di pa rin ako nakaligtas sa mga pangaral niya...

I was in Grade Five (yata) nung huli akong mapalo sa daddy ko... umakyat kasi ako sa may bubong ng bahay noon to fix the television antenna kasi ang labo ng TV namin when he saw me pagbaba niya ng sasakyan galing trabaho... 'yun, pinalo ako sa paa at promise, nag-marked talaga... sakit! Two weeks ago lang nang huli akong pangaralan ng daddy ko *smile*

I was in High School when my dad got sick at na-confined nang matagal sa hospital. Sumakit ang sikmura niya noon and that was the first time na I saw my Dad in pain, ako kasi ang nagbabantay sa kanya and my Mom naman ay may inaasikasong mga papers needed for the hospitalization ng father ko noon. My sister also was in the hospital that time but she can't enter the room dahil natatakot siya to see our Dad in pain... umiiyak at sumisigaw dahil sa sakit... I HATE THAT MOMENT! Thank God... really really thank God that we surpass that. PRAISE GOD!

Moving forward... I am so proud to my Father! Of course, sino bang anak ang hindi magiging proud sa kanilang Ama na laging nandiyan na always ready to support. Ready mag-extend ng hand when you're in need, attentively listening to your problems and handa laging mangaral when you made mistakes and open his hands widely to accept you despite of the wrong things you did. I love my Dad so much!

Tomorrow, Father's Day na... sure na talaga, promise! So, to all the fathers out there... to Daddy, Dada, Papa, Papi, Tatay, Tata, Itay at kung ano man ang tawag natin sa kanila... HAPPY FATHER'S DAY!

Friday, June 19, 2009

GOOD OLD DAYS

FINE weather... better than the past few days na maulan at ma-traffic.

From my table here in the office, tanaw ko ang sa labas. Maganda ang sikat ng araw, malakas ang hangin, halata, kasi kitang-kita ko mula sa galaw ng mga puno at tama lang para hindi maalinsangan.

Everytime na makikita ko ang galaw ng mga puno dahil sa lakas ng hangin, I can't help but to reminisce my childhood days in the province especially during summer at katatapos lang ng anihan ng palay wherein you can play in the rice field. With my brother, sister, cousins and playmates... akyat kami sa puno ng acacia, habulan, pagpapatung-patungin ang bitak-bitak na lupa ng palayan at gagawing bahay na ang bubong ay hay. Pagandahan ng gawang scare crow na magkakalaro, manghuhuli ng isda, lulutuin at pagkatapos ay magpi-picnic. Nangunguha rin na kung tawagin sa amin sa Pampanga ay APULID and sorry 'di ko alam ang tawag sa Tagalog. Black and brown ang kulay niya at maliit lang, mas malaki pa ang ubas. Nakukuha sa lupa sa may palayan after mag-harvest ng palay at masarap siya.

Last time, nag-browsed ako ng album at nakita ko 'yung mga picture naming magkakalaro. I smiled when I saw the pix... bumalik lahat ng funny things noong mga bata pa kami at inisa-isa ko ang aking mga kalaro kung nasaan na 'yung iba. 'Yung iba, nakikita at nakakakuwentuhan ko pa... occasionally na nga lang at 'yung iba naman... wala na akong news regarding them.

After that, before going back to Manila, senti mode... pinasyalan ko 'yung lugar kung saan kami madalas maglaro na magkakalaro which is malapit lang naman sa bahay namin. Ibang-iba na noon, may tubig at maraming water lily at 'yung acacia na inaakyatan namin, nandun pa rin naman pero halatang marupok na. 'Yung rice field na laruan namin, hindi na nawalan ng tubig... hindi na puwedeng maglaro doon.

Nag-iba ang hitsura ng playground naming magkakalaro at nawala ang iba kong mga kalaro... still, kasama sila lagi sa mga eksena kapag nare-reminisce ko 'yung good old days namin.

Tuesday, June 16, 2009

BRING IT ON!

IT'S raining... oh baby it's raining!

Yup yup yup... it's raining! And what will you expect when it rains — TRAFFIC! Naman!
Not just simple traffic, huh... but SUPER HEAVY TRAFFIC than can make your fifteen minute travel into 1 and 1/2 hour! Grabe!

Am back into sports now... badminton! First day ko kanina after a longgggggggggg rest from playing the said sport. At ano ang sumalubong sa akin? Ulan at traffic!

I left the house as early as possible para makarating nang maaga sa venue kung saan maglalaro with my officemates bago pumasok ng office. I told my self that am gonna play at least 1 and 1/2 hour so I won't be late to work. But the thing is... nang dahil sa ulan at suppppeeeeeeeerrrrrrrrr traffic, nasira ang time plan ko. Late na ako nakarating sa venue kaya adjust ang time and here... late aketch sa work (what's new?). Well, am trying to be good kasi na 'wag ma-late... God's grace, who knows... makapag-leave naman ako ng mahaba-habang araw... mga three days... NAMAN!

They say that playing badminton can reduce weights... well, let's see... hehe. Sabagay, playing badminton can make you sweat a lot. At the same time, there's an invitational badminton tournament kasi wherein kasama sa mga in-invite ang aming office and am gonna play... wohoo! Reason kung bakit nagkaroon ulit ng dahilan to bring my racket out and play!

Bring it on!

Sunday, June 14, 2009

SUNDAY...

HOW'S your Sunday?!

Hindi pa ako nakaka-attend ng mass today but I'll make sure na makaka-attend ako bago matapos ang araw na 'to. Amen!

What am I doing right now... here, listening to music... Rainbow by South Boarder... paulit-ulit. I can't remember kung pang-ilang ulit na itong pinakikinggan ko ngayon while doing this post. I love every lyrics of the song... it gives spirit. Nakanaman!

Tomorrow Monday... bago uniform namin dito sa office... naman! Wala pa akong sapatos... bukas na ako makikigulo sa mga estudyanteng magla-last two minutes sa mall sa pagbili ng school stuffs. Payday pati, kaya may budget ang aketch. But still, am not into expensive shoes... yung kaya lang ng bulsa at matibay at maaasahan... lalo na kapag baha sa may Espanya kapag umuulan kung saan 'yun ang way ko pauwi.

Ilang ko na rin ang tumikim ng tubig baha sa Espanya tuwing umuulan... MARAMI NA! But I've learnt my lesson now kapag umuulan... alam ko na mga way para iwas sa paglusong sa baha... bwahahaha!

Nothing much to share for today... gusto ko lang na may update ang blog ko.
Anyway... thanks Ate Ann for dropping by sa blog ko and of course, thanks sa comment!
7:26 pm na, out na 'ko ng office ng 7:30 dahil hahabol pa ng last mass.

Happy Sunday!

Life's full of challenges not all the time we get want we want
But don't despair my dear
You'll take each trial and you'll make it through the storm 'coz your strong
My faith in you is clear
So I say once again this world's beautiful
Let us celebrate life that is so beautiful
So beautiful...

Rainbow
South Boarder

Saturday, June 13, 2009

UPDATING...

SINISIPAG mag-update!

Yup... March pa yata when I had my last post here... kawawa naman ang blog ko, inagiw na at makapal na makapal na ang alikabok.

What are the reasons behind kung bakit nga ba ako natigil sa pagba-blog? Aummm... busy, walang alam maisulat, walang idea kung ano magandang i-post, tinatamad kung minsan (gaano kadalas ang minsan?) <-- movie ito ah? Hahaha

Anyway... kumusta na kaya sina Mareng Sashing, Ate Ann at hubby niya na si Kadyo and their kids, Nona gurl, Mommy Cess na preggy, Roanne, Ate Melai, Mommy Ghee, Kuya Dom, Mommy Liz, Schumey (tama ba ang spelling) and other people na na-meet ko sa kaba-blog. 'Di na rin kasi ako masyado nakakagala sa blog at 'di nasisilip ang kanilang mga bahay... but I know na active pa ang kani-kanilang mga blog.

About me.... update-update-update... here, medyo nawiwili na naman sa pagbabasa. Malabo na mga mata ko and actually, next week, ayayyy... naka-eyeglass na rin ako. Lolang ganap na ang lola mo!

Katatapos ko lang mabasa kagabi ang bagong libro ni Bob Ong na Kapitan Sino. Medyo may hawig sa movie na I am Legend ni Will Smith ang istorya, tingin ko lang, hehe. Siyempre, funny at entertaining pa rin... nakakatanggal ng inip sa gabing 'di ako makatulog at napapraning.

Next to read... hehe, huli man, Angels and Demons ang nasa lineup ko. My goodness, palabas na sa theater, babasahin ko pa lang... anyway... better read than never... NAMAN!

Next week, palabas na (yata) sa sine ang Harry Potter and The Half-Blood Prince and yet, 'di ko pa siya nababasa pero trip ko siya basahin. Gonna barrow the book pa kay Valerie na may collection ng Harry Potter, naks! Si Mareng Sasha kaya, ano kaya ang binabasa ngayon? Hmmm... Medyo mahaba na itong post ko ah.

Hopefully, magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ko sa blog world... sayang naman ang aking nasimulan... NAMAN!