FINE weather... better than the past few days na maulan at ma-traffic.
From my table here in the office, tanaw ko ang sa labas. Maganda ang sikat ng araw, malakas ang hangin, halata, kasi kitang-kita ko mula sa galaw ng mga puno at tama lang para hindi maalinsangan.
Everytime na makikita ko ang galaw ng mga puno dahil sa lakas ng hangin, I can't help but to reminisce my childhood days in the province especially during summer at katatapos lang ng anihan ng palay wherein you can play in the rice field. With my brother, sister, cousins and playmates... akyat kami sa puno ng acacia, habulan, pagpapatung-patungin ang bitak-bitak na lupa ng palayan at gagawing bahay na ang bubong ay hay. Pagandahan ng gawang scare crow na magkakalaro, manghuhuli ng isda, lulutuin at pagkatapos ay magpi-picnic. Nangunguha rin na kung tawagin sa amin sa Pampanga ay APULID and sorry 'di ko alam ang tawag sa Tagalog. Black and brown ang kulay niya at maliit lang, mas malaki pa ang ubas. Nakukuha sa lupa sa may palayan after mag-harvest ng palay at masarap siya.
Last time, nag-browsed ako ng album at nakita ko 'yung mga picture naming magkakalaro. I smiled when I saw the pix... bumalik lahat ng funny things noong mga bata pa kami at inisa-isa ko ang aking mga kalaro kung nasaan na 'yung iba. 'Yung iba, nakikita at nakakakuwentuhan ko pa... occasionally na nga lang at 'yung iba naman... wala na akong news regarding them.
After that, before going back to Manila, senti mode... pinasyalan ko 'yung lugar kung saan kami madalas maglaro na magkakalaro which is malapit lang naman sa bahay namin. Ibang-iba na noon, may tubig at maraming water lily at 'yung acacia na inaakyatan namin, nandun pa rin naman pero halatang marupok na. 'Yung rice field na laruan namin, hindi na nawalan ng tubig... hindi na puwedeng maglaro doon.
Nag-iba ang hitsura ng playground naming magkakalaro at nawala ang iba kong mga kalaro... still, kasama sila lagi sa mga eksena kapag nare-reminisce ko 'yung good old days namin.
No comments:
Post a Comment