Saturday, June 13, 2009

UPDATING...

SINISIPAG mag-update!

Yup... March pa yata when I had my last post here... kawawa naman ang blog ko, inagiw na at makapal na makapal na ang alikabok.

What are the reasons behind kung bakit nga ba ako natigil sa pagba-blog? Aummm... busy, walang alam maisulat, walang idea kung ano magandang i-post, tinatamad kung minsan (gaano kadalas ang minsan?) <-- movie ito ah? Hahaha

Anyway... kumusta na kaya sina Mareng Sashing, Ate Ann at hubby niya na si Kadyo and their kids, Nona gurl, Mommy Cess na preggy, Roanne, Ate Melai, Mommy Ghee, Kuya Dom, Mommy Liz, Schumey (tama ba ang spelling) and other people na na-meet ko sa kaba-blog. 'Di na rin kasi ako masyado nakakagala sa blog at 'di nasisilip ang kanilang mga bahay... but I know na active pa ang kani-kanilang mga blog.

About me.... update-update-update... here, medyo nawiwili na naman sa pagbabasa. Malabo na mga mata ko and actually, next week, ayayyy... naka-eyeglass na rin ako. Lolang ganap na ang lola mo!

Katatapos ko lang mabasa kagabi ang bagong libro ni Bob Ong na Kapitan Sino. Medyo may hawig sa movie na I am Legend ni Will Smith ang istorya, tingin ko lang, hehe. Siyempre, funny at entertaining pa rin... nakakatanggal ng inip sa gabing 'di ako makatulog at napapraning.

Next to read... hehe, huli man, Angels and Demons ang nasa lineup ko. My goodness, palabas na sa theater, babasahin ko pa lang... anyway... better read than never... NAMAN!

Next week, palabas na (yata) sa sine ang Harry Potter and The Half-Blood Prince and yet, 'di ko pa siya nababasa pero trip ko siya basahin. Gonna barrow the book pa kay Valerie na may collection ng Harry Potter, naks! Si Mareng Sasha kaya, ano kaya ang binabasa ngayon? Hmmm... Medyo mahaba na itong post ko ah.

Hopefully, magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ko sa blog world... sayang naman ang aking nasimulan... NAMAN!

2 comments:

ann said...

Akala ko nga namalikmata lang ako...hehehe. Magkasunod pa kayo ni Karen parang nag-usap.

Sana nga makabalik ka na talaga at wag na tamarin sa pagsusulat ulit.

Sasha said...

Mare!!! Natatawa naman ako sa post na ito! Alam mo ba, patapos na ako sa Angels and Demons! Hahaha! Binasa ko uli kasi when I watched it, naloka ako at di ko na maalala! Kaya eto, basa uli. Grabe ang gwapo ni Ewan McGregor! Napanood mo na ba? Ang ganda ng movie!

Kakabasa ko rin lang ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Preparation for the upcoming movie. At may bago akong vampire series din na binabasa hehehe

Miss u, mare! Miss ko na talaga mga kachikahan natin! Hehehe