It was a breezy Saturday morning - sarap matulog! Wala dapat akong pasok ngayon, kaso 'di ako pumasok last Wednesday kaya pumasok ako ngayong Sabado. Around 8:00am nang mag-alarm phone ko, so I grabbed it at in-adjust ng 8:30, tumawad ng 30 minutes kasi inaantok pa ako, 10:00am pa lang naman kasi pasok ko. Nag-alarm ng 8:30am, ayoko pang bumangon, tawad uli ng 30mins, 9:00am na ko babangon. Pero pagdilat ng mata ko, 9:15am na kaya dali-dali akong bumangon at nagmadaling iniligpit ang bed, hinala ang bathrobe at towel, patakbong bumaba ng hagdan at muntik pang mahulog. After 20 minutes natapos ako sa CR… 9:35am na… may 10mins pa para mag-ayos, dapat kasi eksakto 9:45 ay paalis na ako ng bahay para ‘di ma-late. Suot ang uniform, itali ang buhok kahit ‘di sinuklay, konting blush on, powder, spary ng cologne at pwesto, eksakto 9:45am, nasaan na ang bag ko, papasok na ako… sa office na ako mag-aalmusal!
Sakay sa FX Taxi, alam ko na ‘di ako male-late, pero parang pinaglaruan ako ng pagkakataon… SOBRANG TRAFFIC, arrrrggg…destined na ma-late ako ngayon. Sa loob ng FX taxi na sinasakyan ko, ‘di ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawang mommy tungkol sa Pasko. Pinamili na raw nila ang kanilang mga anak ng gamit para sa Pasko… bagong damit, sapatos at kung anu-ano pa.

Kahit mabagal ang usad ng trapiko, after 10 years nakarating din ako sa office. Inilapag ang bag sa table ko at sandaling nanahimik at naiisip pa rin ang pag-uusap ng dalawang mommy sa FX taxi, habang naiinisip 'yon, ‘di ko naiwasan ang mag-reminisce, naikumpara ko ang Pasko ko noong bata pa ako at ang Pasko ngayon na malaki na ako at may sariling trabaho.
NOON: Ipinamimili ako ng daddy at mama ko ng mga bagong gamit para sa Pasko.
NGAYON: Ako na ang namimili ng sarili kong bagong gamit para sa Pasko at pati na rin para sa daddy at mama ko pati na mga kapatid ko.
.

NGAYON: 'Di na kami nangangaroling.
.
NOON: Nakaupo kaming magkakapatid at mapipinsan sa may Christmas tree at nag-aabang ng alas-dose para mabuksan na ang mga regalo.
NGAYON: Nakaupo pa rin naman kaming magkakapatid at magpipinsan sa may Christmas tree pero ‘di para magbukas ng regalo, kundi para panoorin ang mga parents namin at mga tito at tita na magbukas ng kani-kanilang regalo na galing sa amin.
NOON: Ako ang namamasko… wala pang inaanak.
NGAYON: Pinupuntahan na ako ng MGA inaanak ko at maging mga ‘di ko inaanak.
NOON: Tinatanong ko sa mama ko kung kani-kaninong ninong at ninang ako mamamasko.
NGAYON: Mga ninong at ninang ko na ang namamasko sa akin.
NOON: Tinatanong ko sa mama ko kung anu-ano ang handa namin sa 24 ng gabi.
NGAYON: Ako na ang tinatanong kung ano ang ihahanda namin para sa 24 ng gabi.
NOON: Foods, fruits and juices lang ang nasa table.
NGAYON: Food, fruits and beers ang nasa mesa.
NOON: Pagkatapos ng maghapong pamamasko… paramihan ng nakuhang regalo.
NGAYON: Pagkatapos ng mga namasko sa bahay… titingnan ang wallet at magpapasalamat dahil may natira pa na gagastusin para sa mga susunod na araw.
At higit sa lahat…
NOON: Pasko, nasa bahay ako.
NGAYON: Pasko, nasa opisina ako, nagtatrabaho.
Though may mga nag-iba, mayroon din namang nanatili…
NOON: Sabay-sabay kaming nagsisimba ng December 24 ng gabi.
NGAYON: Sabay-sabay pa rin kaming nagsisimba ng December 24 ng gabi.
NOON: Sabay-sabay kaming nagno-Noche Buena.
NGAYON: Sabay-sabay pa rin kaming nagno-Noche Buena.
May mga nabago man… may mga bagay pa rin na ‘di kailanman magbabago kahit baligtarin mo ang mundo… ito ay ang saya na nararamdaman ng buong pamilya ko kapag magkakasama kami sa araw na ‘yon at higit sa lahat, ang tunay na diwa ng Pasko!

MERRY CHRISTMAS EVERYBODY!
5 comments:
ang diwa ng Pasko talaga ay nasa puso natin.Merry Christmas damang dama ko ang Pasko din:)
Maligayang Pasko!!!
Pasko! Pasko! Pasko na namang muli...
noon: hinahabol ko mga ninong ko na nagtatago para sa aguinaldo.
ngayon: hinahabol ko mga ninong ko para magpaturo pano magtago sa mga inaanak.
J - Yeah it's absolutely true na nasa puso ang diwa ng Pasko.
VELVET - Gurl, how are you? Merry Christmas din.
C SAW - Pasko! Pasko! Pasko na naman muli... ANG PAG-IBIG ANG SIYANG NAGHARI.
OBI MACAPUNO - Hahaha... nice one! Hide and seek with inaanak! Unang makakita sa'yo malaki ang regalo!
Post a Comment