Thursday, November 10, 2005

THE MOVES

THE MOVES… salitang ipinamana ng mga taga-LXG na hanggang ngayon, paminsan-minsan ay ginagamit ko pa rin naman.
Ano ba ang ibig sabihin ng THE MOVES? Hindi naipaliwanag sa akin ng mga taga-LXG kung ano ba talaga ang kongretong kahulugan ng THE MOVES. At habang inoobserbahan sila sa tuwing ginagamit nila ang THE MOVES… parang nakuha ko na meaning nito… parang ganito...
.
THE MOVES... kapag dumidiskarte sa babae o lalaking crush/type mo.
THE MOVES… kapag may nagtanong sa’yo kung anong oras na gayung may relo naman siya.
THE MOVES… kapag pinakikilig ka lang ng kausap mo.
THE MOVES… kapag sinasabing na-miss ka raw ng isang tao kahit hindi naman totoo.
THE MOVES… kapag nagpapaawa epek ang kausap mo gayung ‘di naman talaga siya kawawa. Kumbaga, kinukuha lang simpatya mo para maka-lean siya sa shoulder mo (Chansing!)
THE MOVES… kapag sinabing ki-kiss ka ng kausap mo kapag nagkita kayo na ‘di naman niya magagawa.
THE MOVES… kapag sinabing maganda ka ngayong araw na ito pero kapag tumingin ka sa salamin, parang 10 years kang di natulog dahil sa laki ng eyebag mo.
THE MOVES... THE MOVES 'yung mga taong nagmamagaling na 'di naman talaga magaling.
THE MOVES... THE MOVES 'yung mga taong laging pabida.
THE MOVES... THE MOVES 'yung mga nagmamaganda.
.
Oks lang ding gawing expression ang THE MOVES... wala lang... THE MOVES lang!
.
Ilan lang ‘yan sa mga THE MOVES… so in short… kung susuriin mong mabuti… ang ibig sabihin ng THE MOVES… BOLA at FEELING!
Pina-astig na salita para sa salitang BOLA at FEELING… THE MOVES!

7 comments:

CoB said...

nice observation huh... ang pagco-comment ba sa blog ng iba "the moves" din :-) joke... Nice post nakakarelate ako hehe...

Wendy said...

to coin operated boy...
Pag-aaralan natin 'yan...
Thanks for droppin' by!

kukote said...

the moves! o come on!

velvet said...

tks gurl. can't post w/ ur tagboard... sigh. anyway, happy weekend to you!

Flex J! said...

Mahihirapan siguro ang mga guys na ligawan ka...kabisado mo na ang mga moves eh. They have to come out with something new and original....

binisto mo naman lahat....hehehehe

smiles..

lws said...

maganda pala ang version ng the moves naniniwala ako :D

velvet said...

im back... wala lng. hehehe.