1. Anong oras ka gumising kaninang umaga?
9:10am sa relo namin pero alam ko advance ‘yun, ‘di ko lang alam kung ilang minuto.
2. Ano ka sa dalawa morning person o night owl?
Depende.
3. Anong huling pelikula ang napanood mo sa sinehan?
Charlie and The Chocolate factory kasama kapatid ko. Harry Potter 4 panonoorin ko na rin.
4. Anong paborito mong TV show?
Smallville sa studio 23 every Tuesday. Isama mo na rin ang Engcantadia at Sugo.
5. Anong kinain mo sa agahan?
Coffee na lang dear… mamadali na kasi ako, baka ma-late ako at saka ubos na rin kasi ‘yung tinapay.
6. Ano ang iyong panggitnang pangalan?
S for Silvestre
7. Ano ang paborito mong lutong pagkain?
Dinuguan… nakakain ko ito kahit na walang kanin at puto… swear!
8. Anong pagkain ang ayaw mo?
Mami… ayoko talaga ng mami, ewan ko… sabi nila masarap daw pero basta, ‘di talaga kayang tanggapin ng panlasa at sikmura ko ang mami.
9. Paboritong araw?
Linggo… magaan ang araw na ito para sa akin.
10. Paboritong CD sa ngayon?
Throwback ng BoyzIImen… ‘di pa ako nagsasawa!
11. Paboritong sandwich?
Chicken and egg sandwich.
12. Anong katangian ang ayaw mo?
Traydor at sinungaling… alam mo ‘yun, ‘yung ang laki ng tiwala mo sa tao ‘yun pala… siya ang magiging dahilan upang mapahamak at masira ang buhay mo.
13. Anong ginagawa mo kapag nababagot ka?
Surfing the net, wala ng iba eh, lalo na kapag may tao na sa senado.
14. Kung magbabakasyon ka sa ibang bahagi ng mundo, saan ka tutungo?
Absoulutely… Vatican City!
15. Paboritong tatak ng damit?
Wala… kahit ano, basta bagay sa akin at komportable ako oks na ‘yun!
16. Saan ka pinanganak?
Pampanga, dito na ako lumaki at nagkaisip, nag-aral ng elementarya, high school at college.
17. Ano ang pinakamagandang alaala ng iyong kamusmusan?
Marami… sobra! Ilan dito ‘yung paglalaro sa bukid tuwing summer o ‘yung anihan ng palay, ‘yung gagawa ka ng bahay na yari sa lupa na ang bubong ay tuyong dayami. Masaya rin noon kapag naglalaro na ng moro-moro, patintero, taguan, siyato, piko, langit-lupa, chinese garter (magaling ako rito, tuma-tumbling pa ko), baseball, tag-of-war, touch the color, luksong baka, sipa, sopo, tumbam preso, jackstone (magaling ako rito pero hustler dito ‘yung kapatid ko na hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin siya matalo), karera ng bike (grade 2 pa lang ako marunong na akong mag-bike), pamimingwit, unahan sa pag-akayat sa puno, picnic kasama ang mga kalaro na ang pagkain ay itlog na maalat, tuyo, bagoong, adobong kangkong at may mga sitsirya rin gaya ng pritos ring, pompoms, pee wee, richie at kung anu-ano pa… basta marami… colorful ang childhood days ko! Kung pwede nga lang ibalik, ibabalik ko… sana may makaimbento na ng time machine.
18. May alaga ka bang hayop?
Oo, si Kwee, isa siyang pusa, kaso ‘di ako nag-aalaga sa kanya ngayon kasi nasa Pampanga siya at ako naman ay narito sa Manila.
19. Mayroon ka bang bagong balita na gusto mong ibahagi sa lahat?
Tungkol sa akin? Wala pa naman.
20. Ano ang gusto mong maging nu’ng musmos ka pa?
Gusto kong maging Sundalo, Doctor o kaya Lawyer… kaso ‘di kaya ng budget ng magulang ko.
21. Mga trabahong napasukan mo?
Ang trabaho ko ngayon… ito first job ko!
22. Ano ang nauna, manok o itlog?
Manok!… Maki-MANOK… ‘wag mag-ITLOG!
23. Sinu-sino ita-tag mo?
Pwede sa isang tao lang? Time to update your blog… RICO!
No comments:
Post a Comment