Monday, May 08, 2006

64, HEAT CONDUCTOR AT TAXI

64! — My officemate uttered (in a loud voice) when I asked her 4x4… Buti na lang kokonti ang tao at walang masyadong nakarinig, maliban lang doon sa dalawang lalaki na katabi namin ng table sa starbucks!
Okay okay… last night, after the 7:00pm to 8:00pm mass at Sto. Domingo Church, we decided to chill at starbucks! At ‘yun nga nangyari, I asked my officemate, ‘di ko na sasabihin pangalan baka masapok na niya ako… hahaha! I asked her na itupi ang starbucks tissue nang “secret” times at pantay-pantay… edge to edge… gets n’yo? But my officemate Fhaye, sabi “secret” times daw, anyway. I told my officemate na magtutupi ng tissue na kapag nagawa niya, every visit namin ng starbucks, sagot ko... as in treat ko. At nagsimula na siya, mahirap talagang itupi pero possible na maitupi ito ng “secret” times. Habang nagta-try siya na maitupi ang tissue, rito na pumasok ang question na “4x4.” I asked, 4x4 and then she answered in a very confident and loud voice “64!” Kapag nabigla ka nga naman ano, kung anu-ano nasasagot mo, at ano pa nga ba kasunod kapag narinig mo ang ganu’ng sagot? Malakas na tawanan! My goodness, ang tinatanong ay “4x4” at 'di “4x4x4” para ang sagot ay maging 64!
Moving forward, hindi niya nagawang itupi ang tissue ng starbucks ng “secret” times… hanggang nine lang ang nagawa niya… hahaha, panalo ako, ‘di ko siya treat every visit namin sa starbucks! Better luck next time!
.
PS
Sensiya na 'di ko sinasabi kung ilang tupi, sa halip ginawa kong secret... basta, secret na lang.
.
o0o
.
Habang ginagawa rin ang tupi-tupi moves na ‘yan, napasok din sa usapan ang “paggamit ng spoon and fork sa pagluluto, specifically sa pagpapalambot ng karne.” Explanation… spoon and fork are good conductor of heat. Dahil doon, kapag mas mainit ang tubig, mas mabilis na lalambot ang karne. Try gumamit ng spoon and fork kapag nagpapalambot ng karne, mas mabilis itong lalambot.
.
PS
Basta ang gagamiting spoon and fork ay metal, 'wag plastik, dahil kapag plastik, puwede ring ilagay 'yun, 'yun nga lang mag-iiba lasa ng karne at 'di mo na puwedeng kainin.
.
o0o
.
Uwian na, while waiting ng masasakyan, libangan na namin ang magbiglang ng taxi ni Fhaye, at ang taxi na binibilang namin… MGE! Nakakaaliw gawin, nakakatawa. Last night din binigyan na rin naming ng taxi na bibilangin sina Jenny at Anne, si Jenny magbibilang ng taxi na EMP at si Anne… Wallis!
.

No comments: