Tuesday, May 30, 2006

THE LAST STAND

LAST night, after office work, we decided to watch a movie at SM North Edsa — X-Men, The Last Stand (www.x-menthelaststand.com) and it was a good film!
Sa first two film ng X-Men, I was looking for Beast, napapanood ko na kasi siya na kasama ng gang sa cartoons dati. This time, sa The Last Stand, pumasok na si Beast/Dr. Henry McCoy (Kelsey Grammer) sa eksena. Akala ko makikita ko ng buo ang X-Men, kaso hindi pa rin. Nawala si Cyclops/Scott (James Marsde)… kung paano, panoorin ninyo. Si Jean Grey (Famke Janssen), namatay, kung paano namatay, panoorin din ninyo at si Professor X (Patrick Stewart)… namatay din, panoorin din ninyo para malaman kung paano siya namatay at sino ang pumatay.
May mga bagong character din na pumasok sa film who caught my attention… walang iba kundi si Ben Foster as Warren Worthington III at may mutant name na Angel. Kung bakit niya nakuha ang atensiyon ko, panoorin ninyo ang film, my goodness… abs kung abs!
Anyway… maganda ang film, kaso bitin ako… really! Walang tigil din ang tawanan namin sa loob ng movie house habang nanonood… kung anu-ano kasi ang napapansin eh. Basta… sa lahat ng nakapanood ng X-Men 1 and 2… panoorin na ninyo ang X-Men, The Last Stand nang masagot na kung may mga naka-hang man na question sa isip ninyo nang mapanood ang X-Men 1 and 2 (sobra na sa promotion).
.
PS.
at heto ang malupit... umiyak si Valerie nang mamatay si Professor X.

2 comments:

jho said...

tomorrow pa ako manonood ng xmen. di na ko makapag-antay. hehe!

JoLoGs QuEeN said...

edi manonood ka ng wolverine movie nyan?