People around me, oks lang sila, meaning okay lang din ang kani-kanilang ginagawa, tahimik sila, pati ako tahimik din, radio lang ang maingay. Dati, ganitong oras nagkakantahan at nagtatawanan na, bakit ngayon, parang iba... 'di ako sanay.
Anyway... blog ang pinagdiskitahan upang 'di ko masyadong maramdaman ang katahimikang bumabalot ngayon "pansamantala" dito sa opisina.
Ano nga ba isusulat ko? Actually, walang malinaw na idea, nag-open ako ng blog kasi naiinip ako... para may magawa!
Halos isang taon na rin akong nagba-blog, imagine nakatagal ako? Impluwensiya ito ni Malaya (ang mag-blog). Dati YM ang ino-open ko kapag naiinip ako, ngayon, blog na. Nag-o-open ng YM pero mga kaopisina ko rin lang ang aking kausap... secret conversation or kapag tinatamad na lumapit sa katrabaho at may gustong itanong... YM ang katapat! Part na ng daily routine ko ang i-check ang aking blog, kung kumusta na ba ito, kung may nadadalaw ba o may nagbabasa.
Ano nga ba mayroon ang blog ko? Iba-iba ang pino-post ko, may kuwento tungkol sa akin, sa mga ginagawa ko, mayroon din namang galing sa net na pino-post ko ulit, lines ng mga gusto kong kanta na sakto sa sitwasyon ko at kung minsan ay bigla ko lang ding narinig sa radyo at naisipan kong i-post, may lyrics din ng buong kanta at na may secret story (naks) din na 'di ko na ipino-post ang mismong story at minsan, trip lang talagang i-post.
Oks ang feeling kapag may nakikita kang ibang blogger na nagko-comment sa mga post mo, oks lang kahit konti, at least may nagbigay ng konting oras para magbasa ng mga post mo. Ang title ng blog ko ay siya ring title ng feasibility na ginawa namin sa college, natuwa ako kaya ito na ang naisipan kong i-title sa blog ko.
Teka, bakit parang ngayon ko lang nasabi kung bakit The Maven ang title ng blog ko, samantalang halos isang taon na nga akong nagba-blog? Anyway, kayo ba, bakit 'yan ang naging title ng blog ninyo?
Have a nice Monday!
7 comments:
thanks for dropping by my blog...
tamang-tama sa weather yung background ah. peo dear, it slows down the page (i think). anyways, just noticed that...
/iambrew... thanks din sa pagdaan dito. Yeah, medyo bumagal nga ng konti (nga ba?) dahil sa background... anyway... oks pa rin naman siya, di ba?
madami akong blog as in halos hindi ko na ma-maintain :) yung fallin' madalas akong mag dive dun doon ko nasasabi yung hindi ko pa nasasabi tungkol sa pamilya,kaibigans,sa pakikipag-usap ko k God,nature at marami pang iba :)
God bless.
napuwing na mata, sa totoo lang wala lang. pero pde ko isipan ng matalinggang pakahulugan kasi madali lang naman yun gawin pero sa totoo lang, wala lang :D
lws... Salamat sa pagdaan. Oo nga, dami mo ngang blog... Sana nabisita/mabisita ko na mga 'to. Have a nice weekend. :-)
C... Salamat sa pagpasyal! Isip din ako ng kahulugan para sa title ng blog... AKING NAKITA, kasi bawat post mo ay may mga pix ng mga bagay na nakikita mo... Oks na ba 'to? Have a blessed weekend!
ei, sowee ngaun ko lang maipost to, ako pa namna yung nagsabing gawing for all yung commenting..hehe! Honestly, wala naman akong important na sasabihin, mangungulit lang poh! Yunhg title ng blog ko, walang relevance nung una, basta naisip ko lang yun bigla kaya nagamit ko, then ginawa ko na lang, unti-unti kong inirelate sa title yung mga post...
Ei... Major, Natuwa naman ako at nakita ko na ang comment mo. Have a blessed weekend!
Post a Comment