Friday, June 02, 2006

INIS...

AM done with my work para sa araw na ito, at bago ko simulan ang work para bukas na puwede ng gawin, update muna ako ng blog... 'to na!
I admit na may kalokohan din akong itinitago. For how many years, pinasukan na naman ng kalokohan ang utak ko, how? Here…
Tatlo TV sa bahay, isa sa sala, isa sa kusina at isa doon sa isang kuwarto, at sa tatlong ito, ‘yung 14” TV sa kusina ang favorite ko kasi,
  1. Presko kung saan ito nakalagay.
  2. May papag na puwedeng higaan habang nanonood.
  3. Since na nasa kusina siya, malapit sa pagkain.

Even my younger sister na TV addict, ito ang gustung-gusto niyang binubuksan. Yesterday, while watching TV, my sister grabbed na remote and switched the channel. I told her na ibalik sa dating station, rather na ibalik, she told me na sa sala na lang raw ako manood at ayoko nga… sobrang init kaya roon! Agawan sa remote hanggang sa nainis ako, binunot ko sa pagkaka-plug yung TV and cut the cord using the scissor. Fair na… pareho kaming ‘di nakapanood ng TV.
.
… Next time na pag-uwi ko ng Pampanga saka pa lang ako mapapagalitan ng daddy ko dahil sa ginawa ko, ‘yun ay kung ‘di pa pinalitan/ginawa ng brother ko ‘yung cord ng TV, e, kung ginawa na niya? Absuwelto! At kung hindi, ammmmm…
.
o0o
.
Yesterday din, around 6:00 pm, my mom told na magprito ng bangus, ‘yun daw kasi ang gusto niyang ulam. Oks na sana kung hindi siya naging makulit. Turo siya nang turo kung ano ang gagawin, alam naman niyang marunong akong magluto. Kesyo pati mantika, kawaling gagamitin, siyanse, sabi siya nang sabi, paulit-ulit, parang first time kong magpiprito ng bangus… at ayoko ng ganu’n! Paulit-ulit siya na lagyan ko raw ng asin ang bangus bago iprito, e, alam ko naman ‘yun. Sa inis ko, nilagyan ko ng maraming asin ang isang hiwa ng bangus bago iprinito… sabay sabi sa mama ko, “oks na ba ‘yan, ibinalot ko sa asin ‘yun bangus.”
.
… Nag-enjoy ‘yung mga pusa namin dahil sa ginawa ko!
.
o0o
.
‘Di ko naman gagawin ‘tong dalawang bagay na ‘to kung hindi ako naiinis eh, ‘yun nga lang talaga, ang bilis kong nainis kahapon kaya ‘yun tuloy, kawawang TV at bangus!
.
Have a nice weekend!

No comments: