Friday, June 30, 2006

BLOODY PROBLEM

WALA ang remote ng TV sa bahay at kailangan talaga ito para mabuksan siya, at dahil wala ngang remote, ‘di kami makanood ng TV… ang lupet! Pagdating sa bahay, chill lang sa kuwarto ang drama. One night… naiinip din siguro, pinuntahan ako ng pinsan kong si Lenix sa room para makipagkuwentuhan. Kuwentuhan lang ng kung anu-ano hanggang mauwi ang kuwentuhan sa pagsagot sa mga ganitong usapan/tanong;
.
Una:
Isang castle na may pitong palapag at bawat palapag ay may bantay. Nasa pinaka-top na palapag ang princess at kailangan mo siyang puntahan. Kailangan mong magdala ng prutas, at kalahati ng prutas na dala mo ay ibibigay mo sa bantay na nasa unang palapag at sa prutas na ibinigay mo sa bantay, kailangang bigyan ka niya ng isa, ganu’n din sa mga susunod na palapag. At dapat, pagdating mo sa top, sa princess, dalawa ang prutas na matitira sa’yo.
.
Question: Ilang prutas ang dapat mong dalhin?
.
Pangalawa;
May dalawang water container na ‘di transparent. Isang 5 litters at isang 3 litters. Kapag lalagyan mo ng water ang mga container, dapat laging puno at kapag tatanggalan mo naman ng water, dapat ubos din.
.
Question: Paano mo malalaman na ang inilagay mong water sa isa sa kanila ay 4 litters na?
.
Pangatlo;
May nine balls at isang timbangan. Walo sa siyam na bola ay pare-pareho ng bigat at ‘yung isa ang pinakamabigat.
.
Question: Paano mo malalaman kung alin ang pinakamabigat na bola kung dalawang beses mo lang magagamit ‘yung timbangan?
.
Ganyan ang naging takbo ng kuwentuhan namin hanggang sa maubusan na kami. Sabi ko kay Lenix, “question pa!” Then kumuha siya ng one whole yellow paper at may isinulat, after that, ibinigay niya sa akin…
.
BLOODY PROBLEM!!!
.
Find x and y
.
15 = 3x + 9y
18 = 6x + 24y
.
My goodness… bigyan ba naman ako ng isang math problem?! I HATE MATH!!!
Anyway, dahil talagang wala akong magawa, pinatulan ko ‘yun, sinubukan kong I solve. and I found out na ‘di pa pala nawawala “sakit” ko pagdating sa Math. I really hate Math, though sinasabi ng iba na madali lang daw ito kasi walang memorization. My goodness, mag-memorize na tayo ng isang libro, ‘wag mo lang akong bigyan ng isang Math problem, nagdurugo utak ko rito no!
Going back… I found out nga na ‘di pa nawawala ang “sakit” ko sa Math, ganito ‘yon. After 30 minutes na ‘di ko talaga makuha ‘yung pinaso-solve ni Lenix, ‘yun na… naiinis na ako, nagagalit at nakasimangot na ako! Ginugusot at itinatapon ko na ang paper kung saan ako nagso-solve, ilang yellow paper na rin ang nasayang ko sa kaka-solve no.
Paglipas pa ng ilang sandali, suko na ako, sabi ko, ayoko na! Then he smiled at me, at sabi kaya mo ‘yan. Inis na inis na talaga ako hanggang sa si Lenix na ang nag-solve.
Ano ang sagot sa math problem? Try ninyong i-solve baka kayo masagot ninyo.
.
Happy weekend!

Monday, June 26, 2006

WHATTA MONDAY... WILL I SURVIVE?

WHATTA Monday!
Late akong nagising
Na-slide ako sa banyo... result, bruise sa left foot!
Na-late ako ng isang minuto sa pagpasok sa office.
And lastly... 10 pesos lang pala ang pera na nasa wallet na nadala ko ngayon... will I survive?
.
Finish each day and be done with it . . . You have done what you could; some blunders and absurdities no doubt crept in; forget them as soon as you can. Tomorrow is a new day; you shall begin it well and serenely." — Ralph Waldo Emerson

Friday, June 23, 2006

MY WEEK AND MISSING THEM

HAPPY weekend everybody, and here is my post para sa week na ito. 'To naging buhay ko nitong nakaraang mga araw...
.
Monday - Punta sa wake ng lola ni Carpe Diem!
Tuesday - Sa office, working, may pakain sa office... Carbonara. After office work, uwi na!
Wednesday - Sa office lang din, working, may pakain ulit, birthday ng editor namin, may sopas at ginataang bilo-bilo. After office work, uwi na!
Thursday - Nasa bahay, natulog maghapon... sarap!
Friday - Working and at the same time nagba-blog...
.
PS
Uwi lagi ng maaga, from Tuesday to Thursday... walang chill and coffee mode after office work? Hmmm... Nagtitipid? Hahaha... nahhh... kumukuha ng buwelo kasi, sunud-sunod ang mga naka-sked na movie na panonoorin sa movie house *wink*
.
o0o
.
Last night, na-miss ko bigla ang mga kasama ko sa bahay dito sa Manila na umalis na, sina Packie, Dot, Tetet, Jel-Jel at Abby. Parang gusto ko silang makita ulit sa loob ng bahay, ‘di talaga ako mapakali kagabi dahil na-miss ko sila. Naalala ko dati, naghihintayan pa kami sa gabi at sabay-sabay na kakain, may “duties and responsibilities” ang bawat isa, may mamamalengke para sa food namin for one week, may magluluto, may magliligpit ng pinagkainan at mayroong maghuhugas ng pinagkainan. Sa room namin, kapag ‘di nag-aaral ng lessons ang mga kids, kuwentuhan kaming lahat, siksikan kami sa bed. Kapag walang masyadong activities at ‘di busy sa school ang mga kids, we go out to see a movie. Kapag naman nag-aaral sila ng lesson, si Dot, maagang matutulog, ako at si Packie, tv gaga kami sa baba, kasama na ang asaran at pikunan. At kapag December na at start na ang Misa de Galo, sabay-sabay kaming nagsisimba at binubuo namin ito.
Teka, nasaan na ba sila, bakit sila umalis sa bahay? Si Packie, ang unang umalis sa bahay, titira na kasi siya kasama ang sister niya. After how many months, si Dot naman ang sumunod, nagpakasal kaya umalis ng bahay at ngayon nasa Illinois na. Si Abby, lumipat ng school kaya lumipat din ng bahay. At ang huling dalawa na lumabas ng bahay, last week lang actually, sina Tetet at Jel-Jel, graduate na sila ng college at tapos na rin ang kanilang board exam, kaya bye bye na sa bahay. Isa pang nami-miss ko si Ferry, though three months lang siyang nag-stay sa bahay, oks kasi siyang kasama kahit madalas niya akong kiliitin kapag nanonood ng TV.
Si Lenix na lang at ako ang natitira mula sa mga dating magkakasama, nagre-review pa kasi siya para sa board exam… I know… parang kisap-mata lang, ‘di ko mamamalayan na tapos na ang board exam niya.
Basta, bottom line lang talaga nito, nami-miss ko sila.
Anyway, may bago naman akong “kids” ngayon... "J-J Power"… Jun-Jun and Josie! Matagal-tagal ko pa silang makakasama sa loob ng bahay ni tita kasi first year college pa lang sila… kaya chill muna ako with them!
.
Why can't we get all the people together in the world that we really like and then just stay together? I guess that wouldn't work. Someone would leave. Someone always leaves. Then we would have to say good-bye. I hate good-byes. I know what I need. I need more hellos. ~ Charles M. Schulz

Monday, June 19, 2006

ANG ARAW NA ITO...

HAPPY Monday sa lahat!
Gusto kong magpasalamat sa mga taong nagturo sa akin kung paano maaayos ang blog ko mula sa dati o sa original niyang looks. Thank you kina Jho at Isulong Iseoph/Major na tumulong/nagturo sa akin kung paano magpalit ng background at maglagay ng sound sa space ko... my goodness, nakuha rin sa tiyaga at pasensiya!
Sa lahat ng bumibisita sa blog ko... thank you!
.
o0o
.
Birthday ni Ate Eva ngayon at ang sarap ng pagkain! Siyempre, my favorite, dinuguan na may kasamang puto na iba-iba ang kulay, but pinili ko ‘yung puto na kulay white. Teka, sino ba si Ate Eva?
Si Ate Eva, layout artist namin dito, she can shake the four corners of the office sa kanyang mga jokes. Lead vocal ng mga singer dito sa office, hahaha. Kapag napapasyal ka rito sa office at bigla ka na lang may narinig na kumakanta… siya na ‘yon! Kapag kumanta na ako ng “chill… sa aking puwesto,” sasayaw na ‘yan… naks! Kapag kakalat-kalat ang picture mo at natagpuan niya, ewan ko lang kung hindi ito magbago.
Seriously, kay Ate Eva ako natutong gumamit ng photoshop, pagemaker at corel… sipag niyang magturo. Relax pa ‘yan, ‘di mo makikitang pressure sa trabaho, ‘di ba, Ate Eva *wink*.
So, Ate Eva... ehem... "ang araw na 'to, ay araw mo, pagdating mo sa ating mundo. Matatandaan, 'di malilimutan, kailanman. Ang saya ng mundo, 'pagkat ikaw ay narito... I wish you a happy birthday!"

Sunday, June 18, 2006

DAD...

SA lahat ng daddy na napadaan, nag-chill at nagbasa rito sa space ko...
.
Happy Father's Day!!!

Saturday, June 17, 2006

SAILING



MY first video post dito sa blog ko. Sailing, one of my favorite songs. Originally done by my idol Christopher Cross and then, ni-revive ng N'sync. Sa 1999 Billboard Awards, pinagsama ang original na kumanta at ang nag-revive, ang resulta — ang ganda, ang galing!

Wednesday, June 14, 2006

THE LINK BETWEEN MAN AND GOD

An e-mail from a friend of mine...
.
INTERESTING CONVERSATION

An atheist professor of philosophy speaks to his class on the problem science has with God, The Almighty.He asks one of his new Christian students to stand and...
.
Professor: You are a Christian, aren't you, son?
Student: Yes, sir
.
Prof. So you believe in God?
Student: Absolutely, sir.
.
Prof: Is God good?
Student: Sure.
.
Prof: Is God all-powerful?
Student: Yes.
.
Prof: My brother died of cancer even though he prayed to God to heal him. Most of us would attempt to help others who are ill. But God didn't. How is this God good then? Hmm?
.
(Student is silent.)
.
Prof: You can't answer, can you? Let's start again, young fella. Is God good?
Student: Yes.
.
Prof: Is Satan good?
Student: No.
.
Prof: Where does Satan come from?
Student: From... God...
.
Prof: That's right. Tell me son, is there evil in this world?
Student: Yes.
.
Prof: Evil is everywhere, isn't it? And God did make everything. Correct?
Student: Yes.
.
Prof: So who created evil?
.
(Student does not answer.)
.
Prof: Is there sickness? Immorality? Hatred? Ugliness? All these terrible things exist in the world, don't they?
Student: Yes, sir.
.
Prof: So, who created them?
.
(Student has no answer.)
.
Prof: Science says you have 5 senses you use to identify and observe the world around you. Tell me, son... Have you ever seen God?
Student: No, sir.
.
Prof: Tell us if you have ever heard your God?
Student: No, sir.
.
Prof: Have you ever felt your God, tasted your God, smelt your God? Have you ever had any sensory perception of God for that matter?
Student: No, sir. I'm afraid I haven't.
.
Prof: Yet you still believe in Him?
Student: Yes.
.
Prof: According to empirical, testable, demonstrable protocol, science says your GOD doesn't exist. What do you say to that, son?
Student: Nothing. I only have my faith.
.
Prof: Yes. Faith. And that is the problem science has.
Student: Professor, is there such a thing as heat?
.
Prof: Yes.
Student: And is there such a thing as cold?
.
Prof: Yes.
Student: No sir. There isn't.
.
(The lecture theatre becomes very quiet with this turn of events.)
.
Student: Sir, you can have lots of heat, even more heat, superheat, mega heat, white heat, a little heat or no heat. But we don't have anything called cold. We can hit 458 degrees below zero which is no heat, but we can't go any further after that. There is no such thing as cold. Cold is only a word we use to describe the absence of heat. We cannot measure cold. Heat is energy. Cold is not the opposite of heat, sir, just the absence of it.
.
(There is pin-drop silence in the lecture theatre.)
.
Student: What about darkness, Professor? Is there such a thing as darkness?
Prof: Yes. What is night if there isn't darkness?
.
Student: You're wrong again, sir. Darkness is the absence of something. You can have low light, normal light, bright light, flashing light... But if you have no light constantly, you have nothing and it's called darkness, isn't it?In reality, darkness isn't. If it were you would be able to make darkness darker, wouldn't you?
Prof: So what is the point you are making, young man?
.
Student: Sir, my point is your philosophical premise is flawed.
Prof: Flawed? Can you explain how?
.
Student: Sir, you are working on the premise of duality. You argue there is life and then there is death, a good God and a bad God. You are viewing the concept of God as something finite, something we can measure. Sir, science can't even explain a thought. It uses electricity and magnetism, but has never seen, much less fully understood either one. To view death as the opposite of life is to be ignorant of the fact that death cannot exist as a substantive thing. Death is not the opposite of life: just the absence of it. Now tell me, Professor. Do you teach your students that they evolved from a monkey?
.
Prof: If you are referring to the natural evolutionary process, yes, of course, I do.
Student: Have you ever observed evolution with your own eyes, sir?
.
(The Professor shakes his head with a smile, beginning to realize where the argument is going.)
.
Student: Since no one has ever observed the process of evolution at work and cannot even prove that this process is an on-going endeavor, are you not teaching your opinion, sir? Are you not a scientist but a preacher?
.
(The class is in uproar.)
.
Student: Is there anyone in the class who has ever seen the Professor's brain?
.
(The class breaks out into laughter.)
.
Student: Is there anyone here who has ever heard the Professor's brain, felt it, touched or smelt it? No one appears to have done so. So, according to the established rules of empirical, stable, demonstrable protocol, science says that you have no brain, sir. With all due respect, sir, how do we then trust your lectures, sir?
.
(The room is silent. The professor stares at the student, his face unfathomable.)
.
Prof: I guess you'll have to take them on faith, son.
.
Student: That is it sir... The link between man and God is FAITH. That is all that keeps things moving and alive.
.
NB: I believe you have enjoyed the conversation... and if so... you'll probably want your friends/colleagues to enjoy the same... won't you?... forward them to increase their knowledge... Have a nice day!

Tuesday, June 13, 2006

TIME OUT

SA mga oras na ito… nais kong bigla na lang maglaho! Gusto kong magtatalon at magsisigaw ng “bakit… bakit… bakit at bakit” sabay suntok sa hangin! Gusto kong takpan ng unan ang ulo ko habang nakasubsob o kaya naman ay mawalan na lang malay. Namimilipit ang mga paa ko ngayong oras na ito at maging ang aking mga kamay o buong katawan nga yata… ‘di talaga ako mapakali… bakit? Pakiramdam ko kasi, napahiya lang ako sa ginawa ko…. Arrrggghhh… ang dami tuloy tanong na lumilipad-lipad sa utak ko na parang nang-aasar! Naman kasi! Tsk… bahala na! Bahala na kung ano resulta! Tsk! Let's wait and see!

LIFE IS ALWAYS A CHOICE...

.
Life is always a choice between what we want and what we need, between what is acceptable and not, between what is right and what is wrong. There are many times when we are consciously aware of the right path to take. But as we think more of ourselves than of others, we intentionally ignore all the danger signs on the road and still follow the road that leads to our own destruction.
.
Lovenotes

Monday, June 12, 2006

IKA-108 TAON NG KALAYAAN

NGAYONG ika-108 taong kalayaan ng Pilipinas...
ipagmalaki ang pagka-Pilipino...
sa isip, sa salita, sa gawa at sa puso...
isigaw mo... hoy! Pinoy ako!
.
HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO
Various Artists
.
'Di na 'ko papayag mawala ka muli
'Di na 'ko papayag na muling mabawi
Ating kalayaan kay tagal nating mithi
'Di na papayagang mabawi muli
.
Magkakapit-bisig libu-libong tao
Kay sarap palang maging Pilipino
Sama-sama iisa ang adhikain
Kailanman 'di na paaalipin
.
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat
.
Masdan ang nagaganap sa aming bayan
Magkasama na ang mahirap at mayaman
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo
Naging Langit itong bahagi ng mundo
.
Huwag muling payagang umiral ang dilim
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin
Magkakapatid lahat sa Panginoon
Ito'y lagi nating tatandaan
.
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat!

Monday, June 05, 2006

WHAT DO YOU THINK?

SABI nila, “what you see is what you get,” I don’t think so, physically siguro, kung maganda/guwapo ka, maganda/guwapo ka talaga. “What you see is what you get,” hindi sa lahat ng bagay o pagkakataon, hindi sa lahat ng tao! If people perceive you as bad, bad ka na ba talaga? Of course not, dahil may kabutihan pa ring nananahan sa’yo. Kung gumagawa ka ng mabuti, does it mean na talagang mabuti ka… okay kung ganu’n, pero hindi rin, dahil may kalokohan ka pa rin naman. Kung maganda ka, does it mean ba na ganu’n din kaganda attitude mo, well? Kung ano ba ang ipinakikita mo sa mga pagkakataon o panahon ngayon ay ‘yun din ang maipapakita mo sa mga susunod na pagkakataon at panahon? Basta, sometimes, “what we see is never what we get!”
.
o0o
.
“People will judge you with your actions, not with your intentions!” So, becareful with your action coz it's true na may mga tao na humuhusga sa kung ano lang ang nakikita, without thinking kung ano ba ang intention ng isang tao kung bakit ganu’n ang ginawa/ginagawa niya. There are some people na nakakagawa ng isang bagay na iba sa sinasabi o kinikilos nila for a reason, be good or bad. Sometimes, nalilisya sila sa kung ano ang sinasabi o ikinikilos nila to please others or for a good reason. Basta, each and everyone of us ay walang karapatan na husgahan ang ating kapwa sa kung ano lang ang nakita natin, dahil sa bawat kilos na gagawin nila, ay ‘di natin alam ang isa pang dahilan kung bakit nila ito nagawa.
.
o0o
.
Maraming bagay tayo na gustong gawin o gustong subukan, but there are some instances na ‘di natin nagagawa dahil sa ibang tao. May ugali ang tao na iniisip muna ang sasabihin ng iba bago kumilos… ayaw kasing may masabi ang iba sa magiging resulta ng gagawin nila. Dahil dito, unconsciously, nako-control na ang sarili na gawin ang anumang gusto dahil sa pag-iisip sa sasabihin ng iba, to the point na nasisikil na ang sarili kagustuhan at minsan, pati sariling kaligayahan. Laging iniisip kung ano ang sasabihin ng iba kaya ‘di nagagawa ang bagay na gustong gawin. Bakit nga kaya may ugali ang tao na iisipin muna ang sasabihin ng ibang tao bago gawin ang isang bagay na gusto niya? Minsan, pati sa paggawa ng mabuti sa kapwa, iniisip muna ang sasabihin ng iba sa gagawing pagtulong, kaya minsan tuloy, walang nangyayari. “Bakit iisipin ang sasabihin ng iba bago gawin ang gusto mo, bakit, sa kanila ka ba magpapaliwanag kapag namatay ka?” What do you think?
.
o0o
.
“Am a good person, but am not a saint!” Nakakagawa ako ng tama at pagkakamali. Am the type of person na mas pinipiling manahimik kapag galit, I’ve learned my lesson. As long na kaya kong i-tolerate ang isang bagay na magpapagalit o sisira ng araw ko, tino-tolerate ko. ‘Di ko kasi ugali ang bigla na lang nagbu-burst ng galit o inis sa kapwa. ‘Wag lang akong sasagarin, dahil marunong din naman akong magalit at napupuno rin. Sabi nga ni Jenny, “ang rubber, gaanuman ka-flexible, kapag hinila mo nang hinila, bibigay din, mapapatid, tao pa kaya?”
.
o0o
.
Being true, sa akin, sometimes what you see is never what you get... kung tingin mo sa akin unapproachable, well, maaaring nagkakamali ka. If you perceive me as mabait… hindi rin siguro sa lahat ng bagay. Tahimik, pero may kalokohan din… I’m human! Puwede siguro na "what you give is what you get."
Maraming bagay ang gusto kong gawin, pero sa kaiisip sa kung ano sasabihin ng ibang tao, ‘di ko tuloy nagagawa. Pero bakit ko nga ba iisipin ang sasabihin nila, kung anuman ang maging resulta ng gagawin ko, ‘di ko naman sa kanila ipaliliwanag. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin, ‘di naman ako yayaman kung ang sasabihin nila ang lagi kong iintindihin.
Kahit sino naman siguro, madalas na ma-judge through their actions, isipin na kung ano ang gusto nilang isipin base sa nakikita nila, but the fact na maganda ang intention mo... oks lang 'yun.
Kaya kong i-tolerate ang anumang bagay hangga’t kaya ko, pero lahat ng bagay napupuno, ako pa kaya?

Saturday, June 03, 2006

DRAWING

Monday – After office work nanood ng movie sa SM North Edsa (X-Men, The Last Stand) with Jen, Valerie and Tita Linda.
.
Tuesday – Half day ako, kasi umuwi ako ng Pampanga dahil sa traditional Santa Cruzan ng aming pamilya.
.
Wednesday – Dinner with Jack and Jen sa Balcony 8 after office work.
.
Thursday – Stay sa bahay sa Pampanga the whole day.
.
Friday – Balik ng city, punta ng Quiapo church, then dinner with Fhaye.
.
Saturday – Nasa office pa, ang bilis natapos ng trabaho, ang gaan ng araw, relax ang lahat at nainip ako… at heto ang resulta ng aking pagkainip. Para mawala ang pagkainip, nagpaka-busy na lang ako sa pagdo-drawing using the paint program sa computer. Master na master ko na ang drawing na ito, kahit bagong gising ako at ipa-drawing mo ang bahay na ito, maido-drawing ko (naks, yabang!), ito lang yata kasi ang kaya kong i-drawing.
When I was in college, kapag nagre-report ako at may visual aid akong gagamitin, kapag may space pa na kahit maliit lang, dino-drawing ko talaga ang bahay na 'to. And even sa klase noon, kapag naiinip na ako sa discusion, dino-drawing ko rin ito sa papel at hanggang ngayon naman, kapag nakita ng mga officemates ko ang drawing na ito, alam na alam na nila kung sino ang nag-drawing... ako 'yun! *wink*

Friday, June 02, 2006

INIS...

AM done with my work para sa araw na ito, at bago ko simulan ang work para bukas na puwede ng gawin, update muna ako ng blog... 'to na!
I admit na may kalokohan din akong itinitago. For how many years, pinasukan na naman ng kalokohan ang utak ko, how? Here…
Tatlo TV sa bahay, isa sa sala, isa sa kusina at isa doon sa isang kuwarto, at sa tatlong ito, ‘yung 14” TV sa kusina ang favorite ko kasi,
  1. Presko kung saan ito nakalagay.
  2. May papag na puwedeng higaan habang nanonood.
  3. Since na nasa kusina siya, malapit sa pagkain.

Even my younger sister na TV addict, ito ang gustung-gusto niyang binubuksan. Yesterday, while watching TV, my sister grabbed na remote and switched the channel. I told her na ibalik sa dating station, rather na ibalik, she told me na sa sala na lang raw ako manood at ayoko nga… sobrang init kaya roon! Agawan sa remote hanggang sa nainis ako, binunot ko sa pagkaka-plug yung TV and cut the cord using the scissor. Fair na… pareho kaming ‘di nakapanood ng TV.
.
… Next time na pag-uwi ko ng Pampanga saka pa lang ako mapapagalitan ng daddy ko dahil sa ginawa ko, ‘yun ay kung ‘di pa pinalitan/ginawa ng brother ko ‘yung cord ng TV, e, kung ginawa na niya? Absuwelto! At kung hindi, ammmmm…
.
o0o
.
Yesterday din, around 6:00 pm, my mom told na magprito ng bangus, ‘yun daw kasi ang gusto niyang ulam. Oks na sana kung hindi siya naging makulit. Turo siya nang turo kung ano ang gagawin, alam naman niyang marunong akong magluto. Kesyo pati mantika, kawaling gagamitin, siyanse, sabi siya nang sabi, paulit-ulit, parang first time kong magpiprito ng bangus… at ayoko ng ganu’n! Paulit-ulit siya na lagyan ko raw ng asin ang bangus bago iprito, e, alam ko naman ‘yun. Sa inis ko, nilagyan ko ng maraming asin ang isang hiwa ng bangus bago iprinito… sabay sabi sa mama ko, “oks na ba ‘yan, ibinalot ko sa asin ‘yun bangus.”
.
… Nag-enjoy ‘yung mga pusa namin dahil sa ginawa ko!
.
o0o
.
‘Di ko naman gagawin ‘tong dalawang bagay na ‘to kung hindi ako naiinis eh, ‘yun nga lang talaga, ang bilis kong nainis kahapon kaya ‘yun tuloy, kawawang TV at bangus!
.
Have a nice weekend!