HAPPY weekend everybody, and here is my post para sa week na ito. 'To naging buhay ko nitong nakaraang mga araw...
.
Monday - Punta sa wake ng lola ni Carpe Diem!
Tuesday - Sa office, working, may pakain sa office... Carbonara. After office work, uwi na!
Wednesday - Sa office lang din, working, may pakain ulit, birthday ng editor namin, may sopas at ginataang bilo-bilo. After office work, uwi na!
Thursday - Nasa bahay, natulog maghapon... sarap!
Friday - Working and at the same time nagba-blog...
.
PS
Uwi lagi ng maaga, from Tuesday to Thursday... walang chill and coffee mode after office work? Hmmm... Nagtitipid? Hahaha... nahhh... kumukuha ng buwelo kasi, sunud-sunod ang mga naka-sked na movie na panonoorin sa movie house *wink*
.
o0o
o0o
.
Last night, na-miss ko bigla ang mga kasama ko sa bahay dito sa Manila na umalis na, sina Packie, Dot, Tetet, Jel-Jel at Abby. Parang gusto ko silang makita ulit sa loob ng bahay, ‘di talaga ako mapakali kagabi dahil na-miss ko sila. Naalala ko dati, naghihintayan pa kami sa gabi at sabay-sabay na kakain, may “duties and responsibilities” ang bawat isa, may mamamalengke para sa food namin for one week, may magluluto, may magliligpit ng pinagkainan at mayroong maghuhugas ng pinagkainan. Sa room namin, kapag ‘di nag-aaral ng lessons ang mga kids, kuwentuhan kaming lahat, siksikan kami sa bed. Kapag walang masyadong activities at ‘di busy sa school ang mga kids, we go out to see a movie. Kapag naman nag-aaral sila ng lesson, si Dot, maagang matutulog, ako at si Packie, tv gaga kami sa baba, kasama na ang asaran at pikunan. At kapag December na at start na ang Misa de Galo, sabay-sabay kaming nagsisimba at binubuo namin ito.
Teka, nasaan na ba sila, bakit sila umalis sa bahay? Si Packie, ang unang umalis sa bahay, titira na kasi siya kasama ang sister niya. After how many months, si Dot naman ang sumunod, nagpakasal kaya umalis ng bahay at ngayon nasa Illinois na. Si Abby, lumipat ng school kaya lumipat din ng bahay. At ang huling dalawa na lumabas ng bahay, last week lang actually, sina Tetet at Jel-Jel, graduate na sila ng college at tapos na rin ang kanilang board exam, kaya bye bye na sa bahay. Isa pang nami-miss ko si Ferry, though three months lang siyang nag-stay sa bahay, oks kasi siyang kasama kahit madalas niya akong kiliitin kapag nanonood ng TV.
Si Lenix na lang at ako ang natitira mula sa mga dating magkakasama, nagre-review pa kasi siya para sa board exam… I know… parang kisap-mata lang, ‘di ko mamamalayan na tapos na ang board exam niya.
Basta, bottom line lang talaga nito, nami-miss ko sila.
Anyway, may bago naman akong “kids” ngayon... "J-J Power"… Jun-Jun and Josie! Matagal-tagal ko pa silang makakasama sa loob ng bahay ni tita kasi first year college pa lang sila… kaya chill muna ako with them!

Why can't we get all the people together in the world that we really like and then just stay together? I guess that wouldn't work. Someone would leave. Someone always leaves. Then we would have to say good-bye. I hate good-byes. I know what I need. I need more hellos. ~ Charles M. Schulz
3 comments:
correct girl it's always ;ike that.. khit me dito dami ko na friends na umalis.. kakalungkot per ganun talaga... haaay... link kita ha.
people come ... people... go but few only leave a mark.
hirap gamitin tagboard mo..ditoh nalang..sige po link kitah..nabasa ko yung link between man and God..may comment na rin ako
Post a Comment