Monday, June 05, 2006

WHAT DO YOU THINK?

SABI nila, “what you see is what you get,” I don’t think so, physically siguro, kung maganda/guwapo ka, maganda/guwapo ka talaga. “What you see is what you get,” hindi sa lahat ng bagay o pagkakataon, hindi sa lahat ng tao! If people perceive you as bad, bad ka na ba talaga? Of course not, dahil may kabutihan pa ring nananahan sa’yo. Kung gumagawa ka ng mabuti, does it mean na talagang mabuti ka… okay kung ganu’n, pero hindi rin, dahil may kalokohan ka pa rin naman. Kung maganda ka, does it mean ba na ganu’n din kaganda attitude mo, well? Kung ano ba ang ipinakikita mo sa mga pagkakataon o panahon ngayon ay ‘yun din ang maipapakita mo sa mga susunod na pagkakataon at panahon? Basta, sometimes, “what we see is never what we get!”
.
o0o
.
“People will judge you with your actions, not with your intentions!” So, becareful with your action coz it's true na may mga tao na humuhusga sa kung ano lang ang nakikita, without thinking kung ano ba ang intention ng isang tao kung bakit ganu’n ang ginawa/ginagawa niya. There are some people na nakakagawa ng isang bagay na iba sa sinasabi o kinikilos nila for a reason, be good or bad. Sometimes, nalilisya sila sa kung ano ang sinasabi o ikinikilos nila to please others or for a good reason. Basta, each and everyone of us ay walang karapatan na husgahan ang ating kapwa sa kung ano lang ang nakita natin, dahil sa bawat kilos na gagawin nila, ay ‘di natin alam ang isa pang dahilan kung bakit nila ito nagawa.
.
o0o
.
Maraming bagay tayo na gustong gawin o gustong subukan, but there are some instances na ‘di natin nagagawa dahil sa ibang tao. May ugali ang tao na iniisip muna ang sasabihin ng iba bago kumilos… ayaw kasing may masabi ang iba sa magiging resulta ng gagawin nila. Dahil dito, unconsciously, nako-control na ang sarili na gawin ang anumang gusto dahil sa pag-iisip sa sasabihin ng iba, to the point na nasisikil na ang sarili kagustuhan at minsan, pati sariling kaligayahan. Laging iniisip kung ano ang sasabihin ng iba kaya ‘di nagagawa ang bagay na gustong gawin. Bakit nga kaya may ugali ang tao na iisipin muna ang sasabihin ng ibang tao bago gawin ang isang bagay na gusto niya? Minsan, pati sa paggawa ng mabuti sa kapwa, iniisip muna ang sasabihin ng iba sa gagawing pagtulong, kaya minsan tuloy, walang nangyayari. “Bakit iisipin ang sasabihin ng iba bago gawin ang gusto mo, bakit, sa kanila ka ba magpapaliwanag kapag namatay ka?” What do you think?
.
o0o
.
“Am a good person, but am not a saint!” Nakakagawa ako ng tama at pagkakamali. Am the type of person na mas pinipiling manahimik kapag galit, I’ve learned my lesson. As long na kaya kong i-tolerate ang isang bagay na magpapagalit o sisira ng araw ko, tino-tolerate ko. ‘Di ko kasi ugali ang bigla na lang nagbu-burst ng galit o inis sa kapwa. ‘Wag lang akong sasagarin, dahil marunong din naman akong magalit at napupuno rin. Sabi nga ni Jenny, “ang rubber, gaanuman ka-flexible, kapag hinila mo nang hinila, bibigay din, mapapatid, tao pa kaya?”
.
o0o
.
Being true, sa akin, sometimes what you see is never what you get... kung tingin mo sa akin unapproachable, well, maaaring nagkakamali ka. If you perceive me as mabait… hindi rin siguro sa lahat ng bagay. Tahimik, pero may kalokohan din… I’m human! Puwede siguro na "what you give is what you get."
Maraming bagay ang gusto kong gawin, pero sa kaiisip sa kung ano sasabihin ng ibang tao, ‘di ko tuloy nagagawa. Pero bakit ko nga ba iisipin ang sasabihin nila, kung anuman ang maging resulta ng gagawin ko, ‘di ko naman sa kanila ipaliliwanag. Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin, ‘di naman ako yayaman kung ang sasabihin nila ang lagi kong iintindihin.
Kahit sino naman siguro, madalas na ma-judge through their actions, isipin na kung ano ang gusto nilang isipin base sa nakikita nila, but the fact na maganda ang intention mo... oks lang 'yun.
Kaya kong i-tolerate ang anumang bagay hangga’t kaya ko, pero lahat ng bagay napupuno, ako pa kaya?

3 comments:

Mmy-Lei said...

i like your thoughts, so deep yet everyone could relate. im having a bad day and these thoughts made me think...

“People will judge you with your actions, not with your intentions!”

“Am a good person, but am not a saint!”


so sad that somebody misunderstood my concerns as a "chikadorang" bitch!

JM said...

tumpak! katulad din yan ng first impression last daw?... never last kaya?

Wendy said...

mmy-lei... Chill... tnx sa comment *smile-wink*

juan... First impressions last... brought to you by Axe... huh?!

First impressions last, I don't think so... coz everybody changing.