Monday, June 19, 2006

ANG ARAW NA ITO...

HAPPY Monday sa lahat!
Gusto kong magpasalamat sa mga taong nagturo sa akin kung paano maaayos ang blog ko mula sa dati o sa original niyang looks. Thank you kina Jho at Isulong Iseoph/Major na tumulong/nagturo sa akin kung paano magpalit ng background at maglagay ng sound sa space ko... my goodness, nakuha rin sa tiyaga at pasensiya!
Sa lahat ng bumibisita sa blog ko... thank you!
.
o0o
.
Birthday ni Ate Eva ngayon at ang sarap ng pagkain! Siyempre, my favorite, dinuguan na may kasamang puto na iba-iba ang kulay, but pinili ko ‘yung puto na kulay white. Teka, sino ba si Ate Eva?
Si Ate Eva, layout artist namin dito, she can shake the four corners of the office sa kanyang mga jokes. Lead vocal ng mga singer dito sa office, hahaha. Kapag napapasyal ka rito sa office at bigla ka na lang may narinig na kumakanta… siya na ‘yon! Kapag kumanta na ako ng “chill… sa aking puwesto,” sasayaw na ‘yan… naks! Kapag kakalat-kalat ang picture mo at natagpuan niya, ewan ko lang kung hindi ito magbago.
Seriously, kay Ate Eva ako natutong gumamit ng photoshop, pagemaker at corel… sipag niyang magturo. Relax pa ‘yan, ‘di mo makikitang pressure sa trabaho, ‘di ba, Ate Eva *wink*.
So, Ate Eva... ehem... "ang araw na 'to, ay araw mo, pagdating mo sa ating mundo. Matatandaan, 'di malilimutan, kailanman. Ang saya ng mundo, 'pagkat ikaw ay narito... I wish you a happy birthday!"

4 comments:

C Saw said...

Parang ndi ka mahilig sa "Sailing" ah. :)

Anonymous said...

pabati na lang ng belates hapi bertdey kay eva!


ahahah! kunyari kilala ko siya
musta pala ung crush mo sa gym?

Anonymous said...

sarap magtampisaw sa ulan!

Wendy said...

C... Hehe... nagustuhan ko lang kasi 'yung kanta... 'pagnagsawa na ako, saka na ako magpapalit.

Lojik... Sige, ipaaabot ko ang "belated happy birthday" mo kay Ate Eva.

PS.
Balitaan kita kapag may bago nasa crush ko... naks!

Cruise... Sige, tampisaw lang nang tampisaw, kiss the rain!