Wednesday, December 06, 2006

KRIS KRINGLE 101: SOMETHING ROUND AND HARD

OUR Kris Kringle here in the office started last Monday - SOMETHING ROUND AND HARD worth P20.00 only.

Sunday night, go kaagad sa mall with my friends/officemates para maghanap ng "something round and hard." Whew... pagkatapos ng matagal na paghahanap, nakahanap din kami.

Monday morning... super excited ako sa para sa Kris Kringle kaya pagdating sa office, hinanap ko kaagad ang box kung saan ilalagay 'yung gift. May mga nakita na akong gift pero konti pa lang. Pagdating ng 12:00nn, saka pa lang nagsibili ng pang-Kris Kringle ang ilan ko pang mga officemates. And around 2:00pm nang ilagay lahat ang gift sa isang table, at bago mag-start 'yung bunutan, kinapa-kapa muna namin at hinulaan ang mga regalo. Natawa ako nang amuyin ko 'yung dalawang gift... amoy pa lang alam ko na... ALBATROS! Tawa kami nang tawa...

Anyway... narito ang list ng "Something Round and Hard" sa Kris Kringle namin last Monday...
Something round and hard...

- Small pink canister
- Green Saucer
- Pen na may bola sa tip
- Pink round mirror
- Small saucer with small mug
- Four pieces of P5 coins

At narito naman ang mga malulupit na "Something Round and Hard" na pinasaya ang buong opisina...
Something round and hard...

- Vicks Vaporub
- Purefoods Luncheon Meat (tatlo ang nagregalo)
- Bear brand sterilize milk (dalawa ang nagregalo)
- Del Monte Pineapple Chunks
- Maggi Instant Champorado
- Albatros (dalawa ang nagregalo)

Tawa nang tawa ang lahat ng nasa department namin... one of my officemates ayaw na ayaw makuha 'yung Maggi Instant Champorado at 'yung Bear Brand sterilize milk.

Bunutan na... nakaligtas 'yung officemate ko na 'wag mabunot 'yung Maggi Instant Champorado, pero 'di siya nakaligtas sa Bear brand sterilize milk... 'yun kasi nabunot niya.
AKO naman, 'di rin nakaligtas... 'yung Albatros na pinagtatawanan ko, ako ang nakakuha! Tawa nang tawa si Malaya... kasi naman ---

Masaya ang Kris Kringle, lahat tumatawa pagka-recieve ng kanya-kanyang gift. I remember, years ago nagkaroon din kami ng Kris Kringle rito sa office... Something Long! One of my officemates nagahol yata sa oras at 'di nakabili ng "Something Long" pero ginawan niya ng paraan... SOMETHING LONG... nag-print siya ng picture ni LONG MEJIA! Inis na inis 'yung nakatanggap sa regalo niya at kami naman tawa nang tawa.

Tomorrow Kris Kringle ulit... "Something yucky and smelly," 'di kaya umulan ng toyo, suka, patis at bagoong bukas sa Kris Kringle namin?

Any suggestion? SOMETHING YUCKY AND SMELLY!

14 comments:

nona said...

naaliw pati ako sa kuwento mo wends...hay, namiss ko tuloy ang mga ka-officemate ko dati, ang saya saya...

something yucky and smelly? hmm...iisip muna ako!

Anonymous said...

Bigla ko tuloy naalala kris kringle namin dati sa office, inggit ibang kasamahan namin dahil laging mahal at masasarap ang ibinibigay sa akin ng monito ko, nun pala yung isang nanliligaw sa akin ang nakabunot ng name ko.

Noong something sweet, daming imported chocolates ang bigay. Si kd (officemate ko sya)naman oks lang daw kasi kasama ko syang kumakain...hahaha!

Anonymous said...

:D yung albatross ayoko matanggap. pero yung gatas at champorado, ok lang sa akin.

yucky and smelly - bagoong? from cess

Wendy said...

Nona... Lalo nakaka-excite ang papalapit na Pasko kapag may Kris Kringle na. True na mami-miss mo nga talaga ang mga taong ka-Kris Kringle mo pagpasok ng ganitong panahon.

Ann... 'Yun ang masaya, lahat ng mare-recieve mo ay magugustuhan mo, lalong nakaka-excite kapag final na... 'yung hihilingin mo na kung ano ang gusto mo... Hahaha... 95% kahit mahirap hanapin, hahanapin at hahanapin ng monito mo na may gusto sa'yo... maibigay lang sa'yo, 'di ba ate Ann? *wink*

Cess... Tawa nga nang tawa mga officemates ko nang makita nilang ako ang nakakuha ng Albatros... kasi pinagtatawanan at iniiwas-iwasan kong makuha tapos ako pa rin ang nakakuha.. whewww...

Anonymous said...

nakakatuwa ang kris kringle, naakakaliw abangan kung ano ang mapipiling ibigay base sa description ng regalo.

durian ang ibigay mo something smelly and yuck!

Wendy said...

Iskoo... nae-excite na nga ako kung ano 'yung something yucky and smelly" na gift... hahaha, meron doon... moth ball... ayokong makuha 'yon! Cross ko finger ko...

JM said...

ang saya niyan alala ko din mga binigay ko nun something funny nagbigay ako ng tubig sa plastic tapos may note " dinalhan kita snow pero lusaw na. sorry!"

something smelly daing o pusit yucky di ko alam

Anonymous said...

ansaya! xmas spirits wow*.*
buti pa dyan, dito wlng ganyan, wlang kris-kringle dito.
kung ako rin, ayoko rin ng albatros,hehe!

yucky and smelly? grabe siguro amoy ng office nyo nyan?hahaha

JM said...

ako na lang something yucky & smelly ang frightening pa! hehe

Wendy said...

Juana... Hahaha, natawa ako roon sa snow ah... sige, kapag dumating kami sa something funny, iko-consider ko 'yan. *wink* mwah!

o0o

Yorokobee... Tama ka Yoro gurl... iba amoy sa office ngayon... hahaha *wink* wento ko bukas. *smile* *kisses from me*

o0o

Mousey... Smelly... ano ba amoy? Kapag ikaw ang iniregalo ko, dapat 'yung isang officemate ko ang makabunot. Shaiks... takot na takto siya sa daga. *mwah*

Wendy said...

Rho... Shaiksss! Grabeng yucky naman ng iniisip mo gurl... hahaha

Anonymous said...

i miss participating at kris kringles... just blog hopping!

Wendy said...

Jo... Nakakaaliw ang Kris Kringle, sobra! Thanks sa pagdaan at sa comment... *kisses*

kim said...

na eexcite na ko sa "kris kringle"
masaya nanaman to...saya talaga pag cristmass....