Friday, December 08, 2006

KRIS KRINGLE 102: SOMETHING YUCKY AND SMELLY

WE had our Kris Kringle yesterday... 'yun nga something yucky and smelly.
.
Styling gel, strong hold ang nakuha ko... yucky ba siya? Siguro dahil sticky siya sa kamay kaya naging yucky... smelly? 'Yung iba ayaw 'yung amoy pero oks lang sa akin.
.
Isang bote ng Bagoong Balayan ang something yucky and smelly na ineregalo ko... hahaha si Malaya ang nakakuha na noong Monday, Albatros ang gift na ako naman ang nakakuha.
.
Something yucky and smelly... may nagregalo ng tuyo, bagoong alamang, suka, toyo, pain reliever, moth balls at saka isang pack ng pusit na maliliit na kulay red... whewwww!
.
Eto malupit... 'yung isa kong kasamahan, ginawa niya, tumingin siya ng bagoong na matagal na sa fridge sa canteen. Nakakita naman siya at nakalagay 'yung bagoong sa isang yellow plastic container. Shaiksss... nilagyan niya ng laruang ipis, worm at saka daga 'yung bagoong... saka siya nag-attached ng P20.00... yucky talaga at saka smelly... imagine, ano na lang ang amoy ng bagoong na super tagal na?! Gustong isoli tuloy ng nakakuha ng gift niya 'yung gift... hahaha! 'Di ko nga rin matingnan 'yung gift dahil doon sa laruang ipis na nakalagay... my goodness... I hate ipis!
.
On Monday... SOMETHING WOODEN AND SMALL naman... any suggestion?
HAPPY WEEKEND!

16 comments:

nona said...

medyo hindi siya ganun ka yucky and smelly, pero ok na iyan. hmm, yung bagoong balayan pa...medyo yucky talaga ang smell.
pwedeng nang magluto sa opis niyo ng pritong tuyo may sawsawan nang suka.
something wooden and small...marami kang makikita sis, sa papemelroti.:)

Anonymous said...

grabeh naman may ipis pa...ewww.

'la akong maisip na something wooden ah. i'm sure makahanap ha.

Oh yeah- thanks nga pala for tagging me really appreciate it. I'll be back. SEgi take care.

Wendy said...

Nona... Yeah gurl, oks na kesa sa wala... ahihihi
Visit ako sa Saturday sa Papemelroti para sa something wooden and small... thanks gurl! *wink*

o0o

Carlota... Thanks din sa pagdaan. Takot ka rin sa ipis... parang ako... ahihihi.

Anonymous said...

may alam ako hahaha... kasi yun nabunot ko nun yung key chain na korteng ano galing baguio something wooden at small yun. heheh

Iskoo said...

pamada sigurado pasok sa smelly and yucky..

choptick naman siguro sa wooden and small...

LhadYmiTcH said...

ok na din yung gel medyo yucky din yun kc ang lagkit sa kamay pero ok naman ang amoy nun eh

-pAm- said...

salamat sa pagdaan te!^_^

uhm..ala akong maicip.hehehehe.=)


http://pmmg1122.blogspot.com

Anonymous said...

hmmm ano ba? wooden and small? small wood heheheh kaya mo yan..

Ann said...

Grabe naman..hehehe..buti walang napipikon. Sabagay katuwaan lang yan, bawi na lang sa last day.

Miss Blogger said...

Ayos ang mga naiisip ng mga kasama mo! Tama si Ate Ann, buti alang pikon ano? hehehe

Naku eto ang matindi, mare.. 2 weeks ago ang category sa amin ay something long and hard... yung VP-Corplan namin ang niregalo ashtray na ano ng lalaki! Hahaha! As in tawanan talaga lahat! Syempre dedma yung VP... Nung Thursday lang namin nalaman na siya yun! Hahaha Nasa loob ang kulo... ;)

cess said...

ang dami rin palang mahilig mang-joke time sa opisina nyo. a for effort para dun sa regalong bagoong with ipis, ksi in fairness pinag-isipan pa niya talaga :)

Wendy said...

Juana... Hahaha... oks 'yung suggestion 'yun ah... mukhang uulan ng wooden key chain dito sa office sa Kris Kringle namin *wink*

o0o

Iskoo... Chopstick? Pwede!!!

o0o

Lhady_Mitch... Thanks sa pagdalaw sa bahay ko *kisses*... yeah, sticky kasi 'yung gel sa kamay kaya yucky!

o0o

Pam... Thanks din sa pagdaan dito... *kisses*

o0o

Kneeko... Babali na lang ako ng maliit na sanga sa puno saka lalagyan ng ribbon at attach ng P20.00... pwede na kaya 'yun?

o0o

Ate Ann... Ang pikon, talo! 'Di tatagal ang pikon dito sa office... *wink*

o0o

Sasha... Hahaha... sinong hindi tatawa sa gift na 'yun? E, 'di lumigaya ang buong opisina n'yo? Simpleng magpatawa rin ang VP-Corplan ninyo...

o0o

Ate Cess... naku, kailangan ang JOKE dito sa office... kung hindi, baka lahat kami praning na sa katatrabaho... *wink*

nona said...

ei, maulang morning....still busy gurl?...mishu....take care!!!

Anonymous said...

late na ako. ano na receive mo?

Anonymous said...

smelly and yucky... ayaw ko na isipin, yucky kasi... marami nyan sa laboratory sa clinic, haha.

di na ako mag susuggest sa bago kasi baka tapos na :)

Wendy said...

Mousey... Na-late ka nga Mousey... *wink*

Rho... Kaloka talaga, but lately, medyo matino-tino na mga gift... ewan ko lang sa susunod.

Cruise... lab clinic... hmmmm... yucky ba ang mga nandoon... (itanong pa raw ba?) *wink*