Friday, December 22, 2006

KRIS KRINGLE 106: SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE

SHORT post lang po regarding sa aming Kris Kringle.
Kahapon, sa Kris Kringle namin na SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE... small glass na may print na coke ang nakuha ko (napaghahalatang adik sa soft drink) at galing ito kay Malaya!
.
Mula nang mag-start ang aming Kris Kringle, tatlong regalo na ang nakukuha ko na galing kay Malaya. Una, 'yung Albatros para sa SOMETHING HARD AND ROUND, pangalawa, 'yung rosary para SOMETHING WOODEN AND SMALL at pangatlo ito, SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE, small glass na may print na coke... ang cute ng baso! Thanks Bunso! (Malaya)
.
BUKAS na ang final exchange gift namin... 8x10 photo frame at photo album ang gustong regalo ng monita ko... suwerte ko at madali lang hanapin!
.
Small round aquarium naman ang hiningi kong gift (ako na ang bahalang bumili ng fish)... sana mahanap ng nakakuha sa akin 'yung gusto kong gift... sabagay, in-indicate ko naman kung saan mahahanap 'yung aquarium na hinihingi ko *wink*

7 comments:

Anonymous said...

oks yan nasa wish list na pala ang regalo mo.

ganon din dito mga bata nag susulat ng wish list tapos ibibigay sa mga parents o mga ninong or ninang pala alam na kung anong ibibigay para magustuhan.

merry christmas!

Miss Blogger said...

Wow naman mare! Ako rin gusto ko ng aquarium! Heheheh...

At least ganyan sa inyo. Sa office namin, isa-isa ang regalo. Asus! Namulubi ako!

Merry Christmas, mareng Wends! ^_^

Off topic pala: Pa change naman po ng address ko rito o...

http://www.sasha.angelic-pink.net/ <-- dyan na ako nakatira ngaun hehehhe

nona said...

uso na ngayon ang wishlist ano?...gusto mo rin malaman wishlist ko wends? hehehe....*joke*

Basta wish na lang kita ng a very "MERRY CHRISTMAS"!!!*hugs and kisses* mwah!!!!

Mmy-Lei said...

wow aquarium pala gusto mo at round pa! hmmm, teka hanapin ko si santa claus para makapunta jan, bawal kasi si santa claus dito sa amin! hehehe!

Anonymous said...

ang galing mammili ng regalo yung nakabunot sayo, ako 5 yung regalo sa kris kringle hindi ko naibigay, kawawa yung nabunot ko, kaya nung sa main na exchange gift nalang ako bumawi, bad ko no?

Anonymous said...

Si Karen pala yang nagbibigay syo ha. Buti pa nga yung ganun at least alam mong gusto mo yung ibibigay syo.

Wendy said...

Juana... Oks 'yan ah, sure na magugustuhan ng bata ang makukuha niyang regalo.

o0o

Sasha... Aquarium ba? Don't worry... sasabihin natin 'yan kay Santa *wink*

o0o

Nona... Pasilip nga ng wish list *peeping*

Wish you a very Merry Christmas too Nona gurl... *kisses and hugs*

o0o

Mmy-Lei... *Wink* nakuha ko na 'yung aquarium... naibigay sa akin ng nakabunot ng pangalan ko. *smile*

o0o

Iskoo... Ako 'yung nabunot mo... iiyak ako... hahaha!

o0o

Ate Ann... Oks nga Ate Ann, pero nakakakaba rin, kasi baka 'di maibigay/mahanap ng magbibigay sa'yo... But thankful ako kasi nakuha ko 'yung gusto ko!